Chapter Four

12.3K 512 44
                                    

Chapter Four



Spoiled



"Sige na, mauna na kami. Umuwi na rin kayo. Hinahanap na kayo ng parents n'yo." bilin ko sa mga students.

Nakalabas na kami ni Jake at nilagay na niya sa loob ng tricycle ang mga pinamili namin. Tapos pumasok na rin kami doon. Sinabi ko sa driver kung saan kami ibababa.

"Who..."

Bumaling ako kay Jake. May kunot sa noo niya. "Iyong binanggit ba ng mga estudiyante kanina? Si Sir Bernard? Teacher din sa eskwelahan. Ewan ko rin ba sa mga bata kung bakit tinutukso kami ng Sir nila. Huwag mo nalang pansinin." ngumiti ako kay Jake.

Tahimik siya hanggang nakarating kami sa bahay. He helped me with the groceries. Ang iba ay nilagay namin sa ref at ang iba sa kitchen cabinet. "Okay ka lang?" puna ko sa katahimikan niya.

He gave me a smile. "Yeah,"

Tumango ako at pinagpatuloy ang ginagawa namin. Nagluto na rin ako ng dinner pagkatapos. While Jake went to my room to take a bath. I was even humming while preparing the food. I was in a good mood these days. Parang may nag-iba. Although hindi rin naman talaga ako iritableng tao.

"Jake," I called. Tapos na akong magluto at naghain na rin sa mesa.

He was already in his fresh plain white shirt and cotton shorts nang naupo na siya roon. Nilagyan ko ng kanin ang plato niya. "Favorite mo na ang tinola?" I asked. Siya kasi ang nag-request na ito ang lutuin ko uli ngayon.

He nodded. "Yeah, I think,"

Ngumiti ako. "Ano pala ang favorite food mo?"

"Nothing in particular," he shrugged.

We talked while having dinner. I asked him random questions. Hanggang nakahiga na kami pareho sa kama. I just had a quick shower and then I settled beside him. Nakaunan ako sa dibdib niya habang nagkukuwentuhan lang kami.

"My Mom's an only child. The only heiress to her family's wealth." kuwento niya. Ang Mommy pala talaga niya ang mayaman kumpara sa Dad niya ayon kay Jake. "Dad came from a big family. I think nine silang magkakapatid and nasa middle siya." he shrugged.

"Paano sila nagkakilala ng Mommy mo?" I curiously asked.

"My Dad's a pilot,"

"Oh," tumango-tango ako. "Ikaw?"

He shrugged. "I'm already done with my MBA..."

"Nagtatrabaho ka na sa airlines n'yo?"

Umiling siya. "Hindi pa..."

I looked at him. "Ano'ng ginagawa mo ngayon?"

He grinned. "Here, lying in bed with you."

Umirap ako. He chuckled and kissed my head. "Ayaw mo bang maging piloto rin gaya ng Dad mo?" I asked.

"Hmm, I can fly an aircraft..."

Tumango ako. Ang galing naman. I imagined him in a pilot uniform. Lalo lang siyang sumarap sa isip ko.

"Hindi ka ba hinahanap sa inyo? Napahaba na ang bakasiyon mo..."

He said he lives in Manila.

"Nah. I can do whatever I want." he said.

"Parang ang spoiled mo naman pala." sabi ko.

He's 27 and looks like he's just enjoying his life. Parang wala pa siyang reponsibilidad. Mas bata rin pala siya sa akin ng dalawang taon.

Villa Martinez Series #3: Addicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon