Chapter Eight

10.6K 446 19
                                    

Chapter Eight



Fine



Kinuha nina Doris si Jake na Ninong sa binyag ng anak nila. Wala rin naman iyong problema kay Jake. Kaya pagkatapos namin magbihis at maghanda ay papunta na kami ngayon sa simbahan.

I was wearing a dress that fell below my knees. Hindi ito hapit sa katawan ko at saktong puwedeng maglagay ng dalawang daliri sa pagitan ng balat ko at tela ng damit. I paired it with a nice heels. Guwapo rin si Jake sa suot niya. Kahit ano naman kasi ang ipasuot sa lalaki na 'to ay bagay pa rin. Kahit siguro punit na shirt hindi mababawasan ang kaguwapuhan niya.

He parked his car outside the church. Nauna siyang lumabas 'tapos pinagbuksan pa ako ng pinto ng sasakyan sa tabi ko. Naroon na rin sina Sanna at Wilma nang dumating kami. Binati namin ni Jake ang mga kaibigan ko at asawa na rin ng mga ito.

"Dorissa Jr!" Lumapit kami sa bibinyagan.

"Rissa nalang!" saway sa amin ni Doris.

Bahagya lang din kaming napatawa sa konting biruan.

Hindi rin nagtagal at nagsimula na. Nabuhat ko na rin si baby Rissa and I also let Jake carry her. Medyo natakot pa si Jake buhatin ang bata at baka hindi raw siya marunong. I laughed and just guided him as he carry our inaanak.

"Picture kayo, Lou!" tawag sa amin ni Wilma.

Hinila ko si Jake at pumuwesto kami doon habang karga pa rin niya ang baby. We had a picture together with baby Rissa.

And while looking at our photo now I can't help but imagine Jake and I having a baby. Having our own family. Pero hindi pa namin napapag-usapan 'yon... I think we're still enjoying just each other for now...

Nakikita kong parang hassle kay Jake ang pabalik-balik niya rito sa Negros at sa Manila. Lalo nitong mga nakaraan ay napapadalas na ang uwi niya sa kanila. Palagi siyang hinahanap ng Mommy niya and I understand that his family needs him.

I've decided. I had resignation process... It wasn't easy. I patiently waited until I received the copy of my approved resignation... I thought of moving to Manila... Para hindi na mahirapan si Jake... "Sigurado ako, Sanna." sagot ko sa kaibigan nang tanungin niya uli ako.

She sighed. "Bakla, 'wag mong pabayaan ang kaibigan ko, ha!" baling niya sa kaniyang pinsang nagtatrabaho sa isang publishing company sa Maynila.

"Ay, oo, 'te!" he gave us an assuring smile.

Ngumiti rin ako sa kaniya. Mukha naman siyang mabait at maasahan.

Hindi pa alam ni Jake. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya. He's still in Manila. Nag-impake na rin ako ng mga gamit ko. Kinabukasan ang biyahe namin ni Sony pabalik niya ng Maynila at kasama na ako. Nag-usap na kami. Sanna asked for his help for me. Tutulungan niya akong makapasok sa company nila bilang isang junior editor.

I was actually excited at the same time nervous. Malaki ang Maynila kumpara rito sa lugar na kinalakhan ko. Nangako akong pagbubutihan ko sa trabaho. Ayaw ko rin na mapahiya si Sony dahil sa akin. Ang buti pa naman niya.

We already arrived at NAIA when I also got a phone call from Jake. Ang alam ko hindi pa siya babalik sa Negros. Gusto ko rin siyang surpresahin. "Jake," I answered.

"Where are you? Kanina pa kita tinatawagan. I called to tell you na makakabalik na ako the next day-"

"Huwag na, Jake." may ngiti na sa mga labi ko.

"Huh? What? Why?"

Bahagya akong napatawa. "Nandito na ako."

"Where?" mukhang naguguluhan siya sa tono niya.

"Manila,"

Hindi siya agad nakakibo sa kabilang linya. Napatawa pa ulit ako. "Nandiyan ka pa ba?"

"Where are you?"

"Manila, nga. Palabas na ng airport. Kakarating lang ng flight namin." I chuckled again. "Jake?"

Sinundo niya pa kami ni Sony sa airport. It was even as if he couldn't believe his eyes when he saw me. Agad niya akong niyakap at hinagkan. He then helped us with our luggage.

"Naintindihan na kita, 'te! Kung ganiyan din kaguwapo jowa ko, aba! Mapapaluwas din akong Maynila, 'no!" bahagya akong siniko ni Sony at binulungan while eyeing Jake who was busy putting our bags in his car. "Mahirap nga ang LDR. Dapat binabantayan 'yan lagi baka maagaw!"

Napailing nalang ako sa sinabi ni Sony. Hindi naman iyon ang dahilan ko. I trust Jake. Gusto ko lang gumawa ng paraan kung may magagawa naman ako para sa sitwasyon namin.

"Saan tayo uuwi, Sony?" tanong ko kay Sony galing sa shotgun seat. He was seated at the backseat and Jake was driving.

Sinabi niya kay Jake and address ng tinitirhan niya. Nang makarating doon ay kinausap ako ni Jake habang nauuna na si Sony. "You will stay here with him?"

"Oo, nagkasundo na kami ni Sony na rito muna ako tutuloy sa kaniya habang hindi pa ako nakakahanap ng matitirhan ko rito sa Maynila."

Umiling si Jake. "You don't have to. I have my own condo you can stay there."

Inilingan ko rin siya. "Hindi, Jake. Dadalhin pa rin ako ni Sony sa workplace niya kung saan din ako magtatrabaho. At kaya ko ang sarili ko. Hindi ako dedepende sa 'yo."

He still shook his head. "Dalawa lang kayo sa unit niya?"

I nodded. "Oo, dito na rin sana ako pero wala nang vacant kaya maghahanap nalang sa ibang building. At, Jake! Bakla si Sony! Nakikita mo naman siguro?"

He sighed in defeat and then he nodded. "You can still live in my place-" he still tried to push it.

Mabilis ko na siyang inilingan. "Hindi nga, Jake."

He let out a heavy sigh. "Fine. But please call me for anything." he was looking at me.

I nodded. "Okay,"

Tumango na rin siya. "But you will visit my condo?" he asked.

I nodded. "Oo naman, kapag hindi busy." iniisip ko na ang magiging trabaho ko sa company nina Sony. "At puwede ka rin dumalaw sa titirhan ko kapag mayroon na."

"I will help you find a place-"

"Hindi na, Jake. Nag-usap na kami ni Sony na sasamahan niya ako. Nakakahiya naman sa tao."

Sumimangot na siya. "Bakit ngayon mo lang sinabi? That you have plan to move here in Manila? You should've told me sooner."

"I wanted to surprise you." nginitian ko siya.

Kunot pa rin ang noo niya.

"Sige na, late na rin. Uwi ka na para makapagpahinga ka na rin." I told him.

Hinatid niya ako hanggang sa kuwarto na ipapagamit muna sa 'kin ni Sony pansamantala. Medyo malaki rin ang tirahan ni Sony. May dalawang bedrooms mas maliit lang siguro itong tutuluyan ko pansamantala. Wala namang problema sa akin at ayos lang.

"You will be fine here?"

I assured him with my nod. Ngumiti rin ako sa kaniya.

Nilapitan niya ako and gave me a soft kiss on the lips. Tapos inabot niya rin ang noo ko para mahagkan. Saglit akong napapikit. I can do this. Para sa amin ni Jake.

"Call me," ulit niyang pang paalala sa akin.

I nodded, nangingiti sa kaniya. "Oo, Jake. Promise! Sige na, kita nalang ulit tayo bukas kung hindi busy."

"I'm not busy." he said.

I nodded. "Ako magiging busy. Kaya tatawagan nalang kita, okay?" Baka pumunta siya rito bukas 'tapos wala kami ni Sony.

Para siyang pagod na tumango at nagbuntong-hininga pa. I chuckled. Hinalikan ko nalang siya sa pisngi niya. "Sige na, Jake." tulak ko sa kaniya para umuwi na.

"Take care," bilin ko sa kaniya nang paalis na. Mag-d-drive pa siya pauwi sa condo niya.

He nodded. Nakausap na rin niya si Sony. I can still see worry in his eyes for me. Nginitian ko lang iyon.

I will be fine...

Villa Martinez Series #3: Addicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon