Chapter Seventeen

11.1K 483 29
                                    

Chapter Seventeen



Marriage



"Sanna,"

"Oh, Lou, kumusta?" sagot ng kaibigan ko mula sa kabilang linya.

"Ayos lang..."

"Bakit tunog matamlay ka?"

"Hindi naman, uh, ikaw kumusta?"

"Okay lang kami rito. Ikaw? Ikaw itong malayo. Kumusta si baby Karlo? At napatawag ka?"

"Nangungumusta lang." I sighed. "Sanna..."

"Oh?"

"Si Jake..."

"Bakit? Ano'ng nangyari?"

"Wala naman... Magdadalawang taon na kasi si Karlo... Hindi pa rin niya ako inaayang magpakasal. Hindi rin namin napag-uusapan..."

"Lou..." she sighed. "Kung hindi niya ino-open, ikaw ang gumawa? Wala kasing nangyayari madalas kapag naghihintay ka lang. Baka rin naghihintayan lang pala kayo."

I sighed. Kinumusta ko nalang muna ang iba pa naming kaibigan. Pagkatapos saka ako nagpaalam at nagpasalamat kay Sanna.

"Si Wilhelmina buntis na ulit!" balita pa sa akin ni Sanna na tinutukoy ang kaibigan naming si Wilma.

"Hala! Tawagan ko siya mamaya."

"Oo, tawagan mo. Masaya 'yon. Alam mo naman hirap magbuntis 'yon kaya medyo matagal nasundan si John."

Oo nga naman. "Si Doris?"

"Malapit na ang anniversary nila ng asawa niya. Kaya naghahanda si Dorissa."

"Kayo ng asawa mo?" I know she can hear the slight teasing in my voice. Siguro hanggang pagtanda lagi nang aawayin ni Sanna ang asawa niya na sanay na rin sa ugali niya.

"Ito! Active pa rin naman ang sex life!" nasundan ito ng tawa niya.

"Ewan ko sa 'yo, Rosanna!" napapailing nalang ako.

Nag-usap pa kami hanggang sa tuluyan ko nang binaba ang tawag.

It was Jake's birthday. Binalak ko sanang maghanda kahit konti sa bahay lang namin. Nga lang nagsabi ang Mommy ni Jake na mag-c-celebrate sa hotel. Magkakaroon ng isang malaking party. Naiintindihan ko iyon. Si Jake na ang pinakanamamahala sa company nila. Parang i-celebrate na rin ang success ng kompanya. And everyone will be invited, their family friends, business partners, etc.

"Happy birthday!" bati ko sa kaniya na nakangiti habang inaayos ang necktie niya.

Humawak si Jake sa baywang ko. "Thank you, love." nilapit pa niya ang mukha sa akin para mahalikan ako sa labi.

Ngumiti lang ako.

It was indeed a big birthday celebration. There's a lot of guests. Ilan lang ang mga kilala kong naroon. The rest hindi na. Pinakilala rin naman ako ni Jake... Pero mukhang hindi naman interesado sa akin ang mga ito. Although may ilan pa rin namang may totoong ngiti at bati para sa akin. Hindi ako halos umalis sa tabi ni Jake kung hindi lang ako kailangan ni Karlo.

"I'll just go to our son." paalam ko sa kaniya.

Jake removed his hold on my waist. Umalis na ako at pinuntahan ang anak namin. Karlo was with Jake's grandfather. Naroon din ang yaya. Pero hinahanap talaga ako ng anak ko. Hindi pa rin ako nakakabalik sa pagtatrabaho dahil maliit pa siya. Kaya sanay siyang palagi kaming magkasama sa condo.

"Ma'am,"

"Akin na," kinuha ko si Karlo sa bantay niya. I saw him yawning. Inaantok na. "Lolo, i-aakyat ko po muna si Karlo sa suite." paalam ko.

Villa Martinez Series #3: Addicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon