Chapter Eleven

10K 445 27
                                    

Chapter Eleven



Kissing



"Hello, Lou?" sinagot ni Sanna ang tawag ko.

Nanatili pa rin ako sa couch. Sinabi ko na rin sa kaniya na buntis ako. And she was happy for me. Masaya rin ako para sa sarili ko. I am really happy. Magiging Nanay na rin ako tulad ng mga kaibigan ko sa probinsya.

"Masaya ako para sa 'yo, Lou! Alam na rin ba nina Wilma at Doris?"

"Tatawagan ko na rin sila ngayon para ipaalam."

"Sige! Si Jake?"

"N-Nandito lang," Hindi pa rin nakakabalik si Jake simula kanina.

"Masaya ako para sa inyong dalawa! Congrats!"

Nang tinapos ko ang tawag kay Sanna ay tinawagan ko naman sunod ang dalawa naming kaibigan. They were also happy for me at nagsimula pang payuhan ako tungkol sa pagbubuntis. Kailangan ko nga iyon. After all this is my first time.

Nakatulog nalang ako nang gabing iyon ay hindi pa rin nakabalik si Jake. Kahit kinabukasan ay wala pa rin siya sa condo ko. Bumangon nalang ako, siniguradong kumain ng breakfast, at naghanda na para sa pagpasok sa trabaho.

Hindi rin ako nasundo ni Jake pagkatapos ng trabaho ko. Sinubukan ko na rin siyang i-text at tawagan. Pero wala akong narinig sa kaniya hanggang lumipas na ang ilang araw. Nagsimula na akong masaktan sa ginawa niya. Ayaw ba niya sa baby namin? Iiwan na ba niya ako ngayon at hindi ako sasamahan sa pagdadala ko sa anak namin?

Ganito rin ba ang nangyari kay Mama noon? Hindi rin ba siya pinanagutan ng Papa ko? But unlike her I will not abandon my child. Ni hindi ko iyon naisip. I will be here for my baby. Lalo at mukhang ako lang ang maasahan niya.

Isang araw nakita ko nalang si Jake sa labas ng company building namin nang natapos na ang trabaho ko at pauwi na rin. Lalagpasan ko nalang sana siya at papara na ng masasakyang taxi nang hawakan niya ako sa siko ko para pigilan.

Masama ko siyang tiningnan. Ilang araw siyang walang paramdam sa akin at kahit ganoon nag-alala pa rin ako sa kaniya. Mahal ko nga itong lalaking 'to at sinaktan niya lang ako sa bigla nalang niyang pag-iwan sa akin. "Bitiwan mo 'ko, Jake!"

"Babe, I'm sorry. Let's talk, please, nabigla lang ako-"

May humintong kotse sa gilid namin at lumabas si Joel. "Bitiwan mo siya, pare."

Jake removed his hold on my arm to face Joel. He stood taller than my officemate. Agad akong pumagitna sa kanila. Sa hitsura ni Jake ay parang manununtok siya agad. "Jake, enough." pigil ko sa kaniya. Bumaling din ako kay Joel. "Joel, please, problema namin ito,"

Joel looked at me. Nakahawak ako kay Jake para pigilan ito. He looked at my hands holding Jake. He shook his head a bit and turned his back at us. I sighed at bumaling na kay Jake.

Jake held my hand and pulled me to his car. Pina-upo niya ako sa shotgun seat at sinuutan ng seatbelt.

Tahimik kami habang nagmamaneho siya pauwi sa condo ko. Nang makarating at makapasok sa unit ay hinarap namin ang isa't isa.

Nagalit din ako sa kaniya. "Ano? Pagkatapos ng ilang araw na hindi mo pagpapakita sa 'kin, ni hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko, nandito ka na ngayon? Bumalik ka na ba? Kumusta, Jake? Nakapag-isip ka na ba, ha? Okay ka na? Ako, okay lang ba ako? Ako itong buntis sa ating dalawa!" Hindi ko napigilang bahagyang maging sarkastiko sa kaniya. Ni hindi niya ako pinatulog nang maayos ng ilang araw.

He was looking at me. There was guilt in his eyes. He let me finish amd then he hugged me... "I'm sorry..." his voice broke.

Sinubukan ko siyang itulak pero humigpit ang yakap niya sa 'kin. "Forgive me... I was shocked, I didn't know what to do. I don't know... I got scared. Hindi ko alam kung handa na ba ako, tayo, kung handa na ba tayo. What if I'll fail? Paano kung hindi ako maging mabuting Dad sa baby natin? I'm really sorry..."

Villa Martinez Series #3: Addicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon