Chapter Six

11.1K 483 21
                                    

Chapter Six



Flowers



"Ano'ng problema, Lou? Kumusta kayo ni Jake?" Wilma asked.

I visited her flower shop. Wala pang customer at kami at ang isang babaeng assistant niya lang ang nandoon. Napatakip ako sa mukha gamit ang mga pald. Nakatukod ang mga siko ko sa mesa roon. Tinanggal ko ang pagtatakip sa mukha ko at tumingin sa kaibigan.

She was looking at me worriedly. "Bakit, Lou?"

"Wilma," I sighed. "Natatakot ako..." pag-amin ko.

"Ha? Bakit? Lou, linawin mo. Ano? May nangyari ba? May sinabi o ginawa ba sa 'yo si Jake, ano?"

I sighed again and leaned my back on the seat. "Natatakot ako sa nararamdaman ko..."

Sandali kaming natigil nang dumating si Sanna. Suot pa niya ang uniform niya sa bangko. "Ano'ng nangyayari?"

Tumingin sa akin si Wilma. "Tinawagan ko na. Siya ang pinakamagaling mag-advice sa atin." tukoy niya kay Sanna.

"Naman!" Sanna was looking proud. "Ano ba ang atin?"

"Natatakot daw siya sa nararamdaman niya..."

Mula kay Wilma ay bumaling sa 'kin si Sanna. Umupo siya sa tapat ko. "Bakit? Mahal mo na?"

I shook my head. "Paano..." bahagyang lukot ang noo ko. "Paano ba malalaman kung... mahal ko na nga?" I asked her.

Sanna sighed. "Iba-iba naman kasi 'yan... Hmm, sige base nalang sa amin ng asawa ko."

Wilma reacted beside us, nanukso pa kay Sanna. Inirapan lang siya ng kaibigan namin. Si Sanna kasi at ang asawa nito ay madalas mag-away. Pero hindi naman seryosong away talaga. Si Sanna lang palaging inaaway asawa niya. Pero nagbabati rin naman agad. Ewan ba namin sa kanilang mag-asawa. "So, ayun nga." Sanna resumed. "Noong naghiwalay kami noon doon ka pa lang talaga na-realized na mahal ko na pala. Sa dami ng naging lalaki ko noon sa kaniya talaga ako bumagsak. Noong una hindi ko rin alam. Naguluhan din ako. Pero noong nagkahiwalay kami doon ko napatunayan na iba siya. Na mahal ko talaga siya. Siya ang pinili ko at kami nga ang mag-asawa ngayon. Dahil noong mga panahon na magkalayo pa kami doon pumasok sa 'kin na iba pala kapag nandiyan siya... May iba, e. Parang mas masaya ako kapag nandiyan siya. Parang buo ako kapag magkasama kami. Hindi ko na pala kaya na wala siya sa buhay ko."

"'Sus!" panunukso na naman ni Wilma.

Hinampas lang siya ni Sanna.

"Pinarinig mo na ba 'yan sa asawa mo? Naku! Kikiligin 'yon!" sabay tawa pa ni Wilma.

Inirapan lang siya muli ni Sanna at muling tumuon sa akin. "Ang sabi ng ilan pinanganak daw tayong mag-isa at mamamatay din na mag-isa. Kaya, kaya rin natin mabuhay sa mundong ito nang mag-isa. Siguro applicable sa ilan, pero hindi sa lahat." umiling siya. "Sabi pa nga nila no man is an island. Kaya posible na ang isang tao ay hindi kakayaning magpatuloy sa buhay sa mundong ito kapag wala ang isa pang tao na 'yon sa tabi niya. Love is like the air we breath? We cannot live without it. Kasi ang isang tao na 'yon na nahanap natin ay siya'ng bumubuo rin sa atin. Na kapag wala ito ay parang may kulang na. It just wouldn't be the same again." opinion ni Sanna.

"Taray!" side comment na naman ni Wilma na bahagya pang may pagpalakpak.

Hindi na siya pinansin ni Sanna.

"Kaya, Lou, kung..." she stopped there. "May nagbago na ba?" she asked.

I nodded. Alam kong may nagbago na nga sa akin. Ramdam ko iyon. "Parang... Parang may napunan na kulang sa akin noong dumating si Jake..." pag-amin ko.

Villa Martinez Series #3: Addicted To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon