Chapter Fifteen
Best
"I got my condo back!" balita sa akin ni Jake. "Puwede na tayong lumipat doon para mas malaki at mas kumportable. Aayusin na rin natin doon ang room para kay baby. I'm thinking of turning one guestroom into our baby's room."
Tumango ako at ngumiti kay Jake. He has plans now. Unti-unti at nakakatuwa. "Sige, Jake."
He kissed my forehead.
So we moved to his condo. Nakapunta na rin ako rito noon. I felt my cheeks heated when I saw his sofa on the living room and remembered what we did in there. Medyo mahilig din kami sa sofa...
"We also have Manang here," pinakilala sa akin ni Jake ang isang may edad na babae. Ngumiti ito sa akin at ngumiti rin ako pabalik. "Kinuha ko siya sa bahay para may kasama ka rito sa condo natin kapag wala ako at nasa trabaho. She will also take care of you." sabi ni Jake.
Tumango ako.
Kaya kapag wala nga si Jake ay kami ni Manang ang magkasama. Halos ito rin pala ang nagpalaki kay Jake. Alaga na pala talaga nito si Jake kaya natutuwa rin ako makipag-usap dito dahil nadadagdagan ang mga nalaman ko kay Jake. Lalo noong bata pa siya. Mabuti at may mga dala rin na album si Manang.
"Iyan si Jake noong one year old pa siya." sabay turo niya sa isang picture ni Jake na bata pa man ay guwapong guwapo na. Mestiso rin talaga ito.
I chuckled when I saw a photo of Jake who looks like he was crying or about to cry. Ang cute! I can imagine how our baby would look like! Mana sa Daddy niya.
"Ito noong grade school siya."
Magkatabi kami ni Manang sa sofa sa living room. I was amazed to see Jake's old pictures. Nakangiti o nakatawa ang batang si Jake sa mga larawan. Ang kulit na talaga niya tingnan kahit noon pa.
"Nagbibinata na siya rito," tinuro naman ni Manang ang litrato ni Jake na malaki pa rin ang ngisi sa picture. He was wearing a school uniform.
Meron din doon na naka-panlakad na damit lang siya o nakapambahay at nakaupo lang sa isang sofa at may yakap na malaking brown na aso. "Aso 'yan ni Jake noong bata pa siya. Umiyak din siya noong namatay ang alaga niya." ani Manang.
Nalungkot din ako para kay Jake noon. Hindi pa ako nakapag-alaga ng aso pero alam kong masakit iyon para sa mga pet owners.
Meron din doon na naka-jersey si Jake. "Nag-b-basketball din siya noong high school at kolehiyo." ani Manang.
Jake studied in Ateneo de Manila University. Hindi ako nahilig sa panonood ng sports. Siguro kung nahilig ako napanood ko rin siya noon sa UAAP? Kung hindi kami nagkita ni Jake sa Villa Martinez... Hindi na siguro magtatagpo ang landas namin... He's been here in Manila almost all his life. Dito siya lumaki at nakapagtapos. Habang doon naman ako sa probinsya lang namin at nagtuturo doon.
I finished my education course in Philippine Normal University in Negros. Hindi ko naisip noon na mag-aral sa ibang lugar o sa Maynila. At ayaw ko rin iwan ang Lola. Kaya malabo talaga. Buti nalang at nagkita kami ni Jake sa isla... Totoo kaya talaga ang destiny? Alangan naman coincidence lang ang lahat ng bagay. They would always say that everything happens for a reason... Then people meet for a reason, too.
Jake rushed me again to the hospital when it was time for me to give birth. He never leave my side. He was with me as I was in labor until I gave birth to a healthy baby boy... Napaluha ako at ganoon din si Jake. He kissed my forehead, "Thank you, Lou. Thank you so much. I love you." he said.
"I love you, too..." nasambit ko kahit nanghina na sa pagod sa panganganak.
Nilagay ang anak ko sa dibdib ko. Pinagmasdam namin ito ni Jake. Parehong may ngiti sa mga labi namin...
BINABASA MO ANG
Villa Martinez Series #3: Addicted To You
RomanceMaria Lourdes Cañete celebrated her 29th birthday at the island resort Villa Martinez, resigned to the idea that she might grow old alone. But everything changed with one unforgettable night spent with the stunning Jake Montañez. As passion ignites...