Chapter 4

1K 61 80
                                    

MH #4

Ethan held my right arm so tight that I couldn’t even smudge it away with all the force I could exert. “Malakas ka ring bakla ka, ha?”

“Ha? Bakla? Sino?” That guy named Bryxel neared his distance to us. Pumagitna siya sa aming dalawa. Tiningnan niya ako sa mga mata. “Omaydushishi! Kuya?!”

Napansin ko ang pagpikit ni Ethan ng kaniyang mga mata. Binitawan niya ako’t nagmasahe na lamang ng sariling ilong. “Bry, kumain ka na?” he asked, looking like he wants to slap his forehead.

Tumahimik bigla, dahil kahit ako, hindi pa kumain. Madaling araw na, pero hindi pa rin ako nakakakain dahil mas inuna ko pa yung panonood ng KDrama.

Ethan slid his gaze to mine. “Ikaw, kumain ka na ba?”

“Aba, malamang---“ Napahawak ako sa sariling tiyan. Malakas itong tumunog.

“Malamang pala, ha? Nagka-crush diet ka ba?” tanong ni Ethan sa akin.

“Ano ‘yon?”

“Yung pinipilit mo yung sarili mong hindi kumain para hindi ka pumayat,” sagot niya’t ibinulsa ang dalawang kamay. “It's like you're forcing yourself to fit into someone, which is neither good nor right.”

Kita mo ngayon, o. Nagiging lalaki na naman ang tindig. Humugot pa.

“Hindi ako nagda-diet, ‘no?! Wala nga akong pakialam sa katawan ko, e,” arogante kong sabi. “Ano ba’ng alam mo?”

“Alam kong doktor ako, bakit?” tila galit niya pang tugon. “It’s really not good to diet that way. I'm just saying.”

Nagkrus ako ng mga braso. “Paanong sapilitan?”

“Kapag kunwari sa isang linggo, madalang ka lang kumakain. Kumakain ka man, pero limitado. Delikado kasi kapag ganiyan, napupuwersa yung katawan mo kapag kaganoon,” seryoso niyang sambit at naglakad patungong couch. Umupo siya rito at dumekwatrong upo. “Kapag kaganoon, masama ang magiging balik sa'yo. An average of 500 calories lang dapat per day ang bini-burn mo. Kung tamad ka namang mag-compute araw-araw, one pound of calories is the most advisable per week.”

Nakalimutan kong medical intern pala siya, kaya masyadong maalam kapag tungkol na sa health ng tao na ang pag-uusapan.

“You both stay here, I’m just gonna buy something from the convenience store, nearby,” sambit ni Ethan, na parang siya pa yung may ganang magsungit.

Lumabas na siya mula sa sariling apartment at iniwan kaming dalawa ng med student dito.

Pabagsak akong umupo sa kulay abong couch niya. His room’s quite clean---an inarguable fact---because after all, he’s a doctor. Ngunit, may mga doktor pa rin talagang makalat dahil parang nasobrahan sa talino kaya wala ng oras para asikasuhin yung mga sarili o yung paligid nila.

Nakita kong kumuha ng bottled water si Bry mula sa ref ni Ethan. Lumapit siya sa akin at inilaan itong tubig. Tinanggap ko naman. “Thank you.”

Umupo siya sa tabi ko pagkatapos, at uminom na ako ng kakaunti mula sa bottled water na binigay niya “Kaano-ano mo ba si Kuya Ethan? Kapatid? Boyfriend? Asa---“

“Magkapitbahay lang kami,” putol ko sa kaniya. “Nasa kabilang apartment kasi ako’t natutulog lang, pagkatapos narinig ko kayong dalawang parang nag-aano. . .” I awkwardly avoided his stare and looked at the ceiling.

“Dahil umuungol si kuya? Nako, mali ang iniisip mo,” natatawa niyang sambit. “Teka, alam mo bang ang daming babaeng may gusto kay kuya?” He knitted his brows. “Kaya nagtaka talaga ako n’ong tinawag mo siyang bakla.”

Metallic HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon