Chapter 14

653 45 51
                                    

MH #14

“As a friend.”

Pinanatili ko lang ang bibig kong nakatikom habang nakatingin sa kaniya. My appetite suddenly went astray when he said that. Now, I realized how stupid I was not to notice what he was trying to say.

“Hindi ka na kakain?” tanong niya. “Kung ayaw mo na, magsabi ka lang. Ililigpit ko na pinagkainan mo.”

Tumayo ako mula sa upuan. Nagkakaundagaga naman yung puso ko sa pagtatalon sa loob ng dibdib ko. Ramdam ko ang dabog ng mga talon nito hanggang tiyan, kaya gusto ko na lang tumigil sa pagkain. Hawak-hawak na rin ng kamay ko ang sariling pinggan, but I just couldn’t afford to look at him in the eye.

“A-Ako na magliligpit ng sarili kong pinagkainan.”

He stood up. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko. Saglit akong natigilan, hanggang sa marinig ko ang kaniyang pagbuntonghininga. “Ako na, okay? Namumutla pa rin yung labi mo hanggang ngayon. Mas maganda ‘yan tingnan kapag namumula-mula.”

Binawi niya ang pinggan mula sa aking kamay, ngunit hindi ko pa rin siya magawang tingnan. Wala rin akong maisagot sa mga sinasabi niya sa akin. I just went to my couch and sat there, trying to keep myself sane. My mind’s on a haywire as what he just said minutes ago keeps on circling around my head.

“Melly, I like you.”

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin, but I always try to myself to stick with the idea that he’s gay and he’s got no personal or romantic interests with girls. If he really is into girls, sana sinunggaban na niya itong pasyente niya kaninang nagpapanggap na nilalagnat, pero hindi naman lahat. Hindi ko lang talaga ramdam sa kaniya. Ewan.

Tama nga. Bakla siya.

Napahawak ako sa aking buhok. Saka ko lang napansin na ang gulo-gulo na pala nito. I should’ve just at least tried to fix it earlier before scolding a girl and eating Ethan’s food. It’s embarrassing to look like this in front of somebody, like you’re giving them the worst impression you could offer.

“Yakult?”

I didn’t notice his presence when my mind was too tempted to things that I shouldn’t be thinking at all.

Kinuha niya ang isang kamay ko. Binuksan niya ang kamay kong nakakuyom at nilagay sa ibabaw ng palad ko ang Yakult. “Drink up.”

Inilapit ko sa aking mukha ang Yakult, habang ramdam ko pa rin ang mga nakatitig niyang mga mata sa akin. This is getting awkward. Hindi ko pa rin magawang gumalaw nang dire-diretso.

Nagulintang na lang ako nang bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Hinawakan niya ang mga kamay kong nakahawak sa Yakult. He then opened the Yakult using his mouth.

Too much temptation.

Sinasadya niya ba ‘to?

Tinulak ko na lamang siya’t tumawa lang ang gago. Hindi ko na naman maalis sa isip ko yung hitsura ng labi niya. Mamula-mula ito’t halos walang katulad. It was a blessing to the eyes---maybe for others---but for me, it was torture.

He stood again from the floor and pinched both of my cheeks. “Ka-cute ng bibi ko!”

MAHIGIT ISANG buwan ang lumipas at naglaon na rin ang pasko, pero wala pa ring pagbabago sa relasyon namin ni Ethan. Parating na rin talaga ang finals namin para sa semester na ‘to, kaya kailangan kong mag-review.

Napakarami na rin ng mga nangyari. Minsan, pumupunta pa rin si Steven dito sa apartment ko’t naglalaro kami kasama si Ethan.

Noong pasko rin, nabalitaan kong na-kidnap ang kapatid ko. N’ong nalaman ko, para akong nataranta, but Ethan was there to make me calm down. Lalo pa akong kumalma n’ong malaman kong ligtas ang kapatid ko. Ethan said he met my sister, and he was always there to check her safety.

Metallic HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon