Chapter 22

639 37 49
                                    

MH #22

“Tara na nga,” sambit niya’t hinila ang isang kamay ko. Huminto siya saglit at hinarap ulit ako habang nakanguso. “Let’s drink some coffee. Libre ko, pero dapat kaunti lang sa’yo. Hmp!”

“Ang cute mo kapag nagsasabi ka ng hmp!” Pinagtawanan ko lang siya’t inulit naman niya bago kami tumungo sa pinakamalapit na coffee shop.

As we entered the coffee shop, its vibe synced in with me. The tonality of the color it’s giving off and its solemn surrounding were just calming.

People just casually talked to each other like they have no problems in life. Some, however, are accompanied only by themselves. Perhaps, they may just be lonely or alone.

Pinaupo na ako ni Ethan sa isang mesa malapit sa glass wall, dahil siya na raw ang bibili.

Napatingin ako sa labas ng glass wall. I’ve seen people walking past by us. Yung iba, tuliro’t magmamadali. Mayroong may kausap sa phone na tila abot langit yung ngiti. Mayroon namang umiiyak at naglalakad lang na mag-isa.

People are just too diverse to the point that sometimes misunderstandings come about; having them unaware that they’re just different individuals.

“Kape mo, o,” he said, placing my coffee above the table in front of me. Kaniya namang hinila ang upuan sa tapat ko at umupo rito pagkatapos. Tumingin din siya sa labas ng glass wall, tila iniiwasan ako ng tingin. “Just drink half of it. Ako na iinom sa matitira.”

Tinaasan ko siya ng kilay. “Hindi ba dapat ikaw ang hindi uminom ng kape?”

“Huwag ka nang umangal pa,” he answered and took a sip from his coffee. “May ibang bibi ka naman na, e.”

“Hala siya,” reaksyon ko’t tumawa na lang. “Gusto mo ikaw lang tawagin kong bibi?”

“Ano naman kung gusto ko? Kung ayaw mo, e, ‘di huwag,” tugon niya’t pasimsim-simsim lamang ng kape. “Tumahimik ka na lang at inumin mo na ‘yang kape mo.”

“Galit ka pa rin sa akin hanggang ngayon?” Napakrus ako ng mga braso. “Nagseselos ka ba?”

Nabilaukan siya bigla sa pag-inom ng kape’t tumingin sa akin na para bang nahuli ko siya sa tagu-taguan. “Hindi, a!”

He then avoided my stare, and placed his coffee above the table, looking up the ceiling and fanning himself with both of his hands. Pakagat-kagat lang siya ng labi niya habang nililikot ang sariling ulo't tingin.

Tinaasan ko siya ng kilay. “Something’s fishy. Ikaw na bakla ka, ha!”

“A-Aalis na a-ako. B-bye,” he stuttered, got his coffee and walked out of the café. 

I just laughed at him.

I don’t why he’s acting this way, but I find it cute. Alam ko namang bakla siya, kaya imposibleng magkagusto siya sa akin. Baka nagselos lang talaga siya dahil doon sa hindi ko siya pinansin kaagad. Matampuhing bakla.

“Hoy! Hintay!” I shouted at him and went out without my coffee, running as fast as I could to catch up.

Ang bilis-bilis niyang maglakad.

Hingal na hingal at pawisan ko na siyang naabutan habang nakahawak sa kaniyang jacket. Naabutan ko lang siya nang huminto siya para sa akin, bitbit-bitbit ang kaniyang kape. “Ang bilis-bilis mo namang maglakad!”

“Kasalanan ko bang mabagal ka?”

“Oy, sorry. . . sorry na,” I uttered, panting. “Hindi ko na ulit gagawin ‘yon. Promise.”

Metallic HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon