Chapter 41

765 28 16
                                    

MH #41

Mahigit walong buwan na rin ang dumaa’t dala-dala ko na sa sinapupunan ko ang anak naming si Aiden. Hindi ko alam na ganoon pala ang pakiramdam ng isang ina, na may sumisipa na sa loob ng kaniyang tiyan. Nakakapagod siya, pero kasi, gusto ko na talagang magkaroon ng anak.

Hindi ko kasi naramdaman noon, kasi ang aga kong nakunan.

Iniingatan naman ako ni Ethan. Sinisigurado niya palaging walang mangyayaring sa aming dalawa ni Baby Aiden. Kahit noong mga nakaraang buwan, medyo stress talaga si Ethan sa akin, kasi naglilihi ako.

Maya’t maya pa nagbabago yung panlasa ko sa pagkain. Pagkatapos, nasusuka kapag may naaamoy akong bagay na malakas yung amoy.

Si Ethan naman, kapag galit ako, lumalayo siya. Hindi niya ako nilalapitan, kasi alam niyang magagalit lang din naman ako lalo. Tinitingnan niya lang ako mula sa malayo, palaging nakatuon sa akin ang pansin.

Naawa ako sa kaniya nang bigla kong maisip iyon.

“Ito na lang kaya?” tanong niya sa akin, habang namimili ng damit para sa bata. “O, puwede ring ito!”

“Excited ka na talagang makita yung baby natin, ano?”

“Ano ka ba! Baby natin ‘yan, e!” sabi niya sa akin at itinuon ang tainga sa aking tiyan. Tiningnan ko lang siya't gumuhit ng ngiti sa sariling mukha.

“Ayos ka lang ba diyan, Baby Aiden? Alam mo bang next week ka nang posibleng lalabas diyan? Ilang araw na lang, makikita na rin kita!” He looked so jumpy. Nakaramdam ako nang biglang sumipa sa tiyan ko. “Hala, narinig niya ako!” Napatingin siya sa akin pagkatapos. “Narinig ni Baby Aiden ang Daddy Ethan niya! Nako, ang bait-bait siguro ni Baby Aiden.”

Hindi ko alam, pero bigla na lang ako naiiyak sa inaasta niya. Before, I didn’t have someone who really treated me like this. I only got Kendric and mom. Hindi ko aakalaing darating ang lahat ng nangyari sa puntong ito, sa panahong ito, na masaya na ako.

“Oy, bakit ka ba umiiyak?” he asked, cupping my cheeks with his palms. “Huwag ka na lungkot. Magiging sad na rin si Baby Aiden at Daddy Ethan.”

He then pouted. Natawa na lang ako. “Hindi ako malungkot. Masaya lang ako.”

“Bakit ka naman masaya, mommy?” He stared at me innocently.

“Dahil kasama kita.”

Dahil hindi mo ako iniwan.

Dahil kahit ang dumi ng nakaraan ko, nanatili ka pa rin sa aking tabi.

Noon, iniwan ako ng lalaking gusto ko pagkatapos mabuntis. Pero ngayon, simula n’ong dumating ka, nagkaroon na ng liwanag ang buhay kong sikreto lamang na nakatira sa isang madilim na sulok ng gubat.

I found my way out there, because of you. It was because you never left me behind.

Kung ako ang nasa posisyon mo noon, siguro iniwan ko na ang sarili ko, pero hindi 'yon ang ginawa mo.

I couldn’t say these things to him, but I knew he was feeling it. My actions speak volume more so than my words.

NIGHT CAME and I thought of bringing him dinner at the hospital. I knew it was dangerous, but I still took the risk. He had been good to me all these times. I thought I needed to repay him for all of those.

When I finally have the food in my hands, I decided to ask our personal driver to drive me to the hospital. While I was in the backseat, I was watching how the weather was so good that day. Almost of the people were smiling, even children with their lollipops.

Metallic HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon