Chapter 37

705 34 32
                                    

MH #37

Umagang-umaga’y binulabog ni Ethan ang pagtulog ko. He went inside my apartment even while I was still sleeping. But it was no big deal for me. He only bothered me, because we still have a date during the day.

“Rise and shine, sleepyhead!” rinig ko pang hiyaw niya, habang nasa gilid na ng kama ko.

“Huwag ka munang mambulabog, Ethan,” I told him, facing the opposite side of the bed. “Give me another five minutes. Puwede na ‘yon.”

“Ayaw mong gumising, ha?” My sleepy eyes bulged out from my head when he, all of a sudden, carried me in his arms from my bed.

“Ano ba! Ibaba mo nga ako!” I shouted at him. “Ibaba mo ako! Sige ka! Lagot ka talaga sa akin.”

Nginusuan niya lang ako ng labi. “Paanong lagot?” Then, he smiled at me. “Ang cute-cute mo. Buo na kaagad umaga ko.”

My cheeks were burning. Nasusunog na yata ako sa mga pinagsasabi niya. Idagdag ko pang ang ganda ng mga makakapal at matataas niyang pilikmata. And those eyes, looking at me… I couldn’t take it. How come they’re so adorable and at the same time, gorgeous!

Pinaupo na niya ako sa upuan katapat n’ong sa kaniya sa dining table. He cooked me morning food like the usual. Pinagtimpla na rin niya ako ng gatas. Ang sa kaniya naman ay kape, n’ong nasilip ko ito saglit. Hindi talaga ako nakaiinom ng kape kapag kasama ko siya.

“Teka lang, you have to tie your hair,” bigla niyang giit saka tumayo ulit.

“Huwag na. Ayos naman na ito, saka kagigising ko lang din naman,” sabi ko sa kaniya.

He just shrugged and went back to his chair. “Okay po. I don’t mind.”

Nagsimula na kaming kumain pagkatapos. Minsan pa, sinusubuan niya pa ako ng kung ano-anong pagkain sa bibig ko. I’d just appreciate it. Baka mamaya, magtatampo na naman ‘to na parang bata. He’s quite childish, but I know he’s just toying with me—trying to act cute in front of me.

“So where are we going today?” I asked him, while eating some pancakes he made. “You said we’ll have a date, ‘di ba?”

Puno pa ng pagkain ang bibig niya. Bumulubok pa yung magkabila niyang pisngi, samantalang ang kaniyang mga mata’y lumiit dahil sa lawak ng kaniyang pagngiti. Nang magsimula siyang magsalita, hindi ko naintindihan ang mga kaniyang sinasabi, dahil puro “og, og, ogsh, og” lang yung naririnig ko mula sa kaniya.

“Ubusin muna ‘yang pagkain sa bibig mo,” natatawa kong daing. “Para kang bata.”

He smiled once more after swallowing the food in his mouth. “Kung saan mo gusto.”

Naalala ko yung amusement park na pinuntahan namin, ng mga kaibigan ko. That was the new amusement park then, which was built by the La Vista Corporation. Ang laki-laki na talaga ng kompanya nila’t ang kalat na rito sa siyudad. I didn’t know what the owners were like, though. But Kendric once told me that their sons and daughters were just like us—the way how we see things in life and such. May mga pagkakaiba naman daw, pero natatabunan pa rin ang mga ito ng mga similarities namin sa kanila.

Besides, Kendric’s also a big time.

“Sa amusement park na lang,” sambit ko sa kaniya.

Nabitiwan niya ang kaniyang kutsara’t tinidor. Nanlaki ang mga mata. Kahindik-hindik niya akong tiningnan. “S-Seryoso?”

“Bakit? Nababahag na ba ang buntot mo?” I teased. “Huwag kang ganiyan. Challenge ko sa’yo ang sumakay ng rides! Kahit nga ako, natatakot pa, e. Pero enjoy na lang!”

Metallic HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon