Epilogue: Dos

1.5K 53 39
                                    

"BAKIT HINDI MO sinabi sa akin ang tungkol dito, Hannah!" Sinigawan ko siya, pero patuloy lamang siya sa kaniyang pag-iiyak at paghihingi ng tawad. "Bakit hindi mo sinabing nagawa n'yo palang iligtas ang anak namin! Huwag ka nang magpakita sa akin. Huwag ka na ring bumalik sa ospital. Hindi ko masisikmura ang presensya mo."

I trusted her. I thought she was telling me the truth. That time, I wasn't able to find the meaning of forgiveness. Hindi ko siya mapapatawad sa kaniyang ginawa. If she'd told me sooner, Melly wouldn't have gone far away from my zone. Hindi na sana siya umalis noon. Hindi na sana niya ako iniwan. Hindi na sana kailangan pang lumayo.

Isang taon na akong naging basag. Isang taon na akong parang tangang naghahanap sa kaniya.

Kaya pala palagi akong pinipigilan ni Hannah na hindi niya ako kayang makitang sinisira ang sarili ko. Kaya pala palaging siyang nanghihingi sa akin ng tawad. Hindi kalauna'y sinabi niya rin sa akin ang totoo. Ang tanging nagawa ko na lang ay bawiin si Aiden sa kaniya.

Nang tingnan ko ang bata't dalhin sa loob ng aking kotse, hindi ko mapigilan ang isipin si Melly. Napahigpit ang hawak ko sa manibela. Hindi ko mapigilan ang mga luha kong naghihintay na palabasin ko mula sa aking mga mata. Nagngalit ako.

Napatingin ako ulit sa batang dinala ko. He was sleeping. I was glad he was.

Hindi ko na talaga mapigilan ang aking mga luha. My tears streamed down my face when he smiled with eyes closed. "Huwag kang mag-alala. Hahanapin ko ang mama mo. Maghintay ka lang, please. Sorry kung hindi kita nagawang iligtas noon. Sana bigyan mo ng chance si papa na mahalin ka."

At sinimulan ko nang pinaharurot ang aking kotse.

📌

NAGISING AKO MULA sa aking pagtulog nang binulabog ako ni Aiden. Kahit kailan talaga ang batang 'to, napakakulit. "Daddy! Daddy! Someone's calling! You have... You have to answer!" Nakapatong lang siya sa ibabaw ng aking tiyan. Talagang inupuan pa ako.

Inabot ko na lang ang phone ko't umalis naman siya sa pagkakaupo sa aking tiyan. Ang laki na ng anak namin, pero siya, hindi pa rin bumabalik. Umaasa pa rin ako, Melly... na babalik ka ulit dito.

"Hello po?" sagot ko sa tawag ng mother-in-law ko. "Bakit po kayo napatawag?"

"Nako, Ethan! May good news ako sa'yo! Bumangon ka na diyan! Tiyak ikatutuwa mo ang sasabihin ko sa'yo."

Napatayo na lang ako mula sa higaan, habang nakatingin lang ako kay Aiden na naglalaro ng laruang airplane na pinalilipad niya't pinaiikot. "Ano po ang balita n'yo?" Napangiti na lamang ako habang nakatingin kay Aiden, sa kaniyang mga ngiti't tawa na pinupuno palagi ang mga araw ko.

"Si Melly!"

Napatayo na lang ako nang marinig ko ang pangalan niya. "Ano po?" My heart was racing fast, while I was waiting for her answer.

"Umuwi na siya. I mean, bumalik na pala siya rito. Pupuntahan ka raw niya riyan mamayang gabi. Nagpaalam sa akin kanina."

Napamura na lang ako't pinatay ang tawag. Napahawak ako sa magulo kong buhok at paikot-ikot na naglakad sa buong kuwarto. Nagtatalon-talon ako't sinabayan naman ako ni Aiden; gusto yatang makipaglaro. Kinurot ko na lang ang mukha niya sa saya. Halos lumukso ang kaluluwa ko sa katawan dahil sa nabalitaan.

"Daddy, arhay! Ara-ouch!" daing ni Aiden nang masobrahan ko ang pagpipisil ko sa tigkabilang pisngi niya.

"Ay, sorry," sambit ko't binitiwan ang kaniyang pisngi.

"Why you so happy, daddy?"

"Because mommy's finally going home."

Nakita ko ang pangingilid ng luha sa kaniyang mga mata. Kinukuwento ko kasi sa kaniya kung gaano kabait ang kaniyang mommy, kaya hayun, medyo napalapit na rin siya kay Melly kahit wala ito rito. "Daddy..." Kinukusot-kusot niya ang kaniyang mga matang naluluha na't pinahiran ko naman kaagad ito gamit ang aking mga kamay.

Metallic HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon