Chapter 19

612 43 39
                                    

MH #19

Time flew so fast that I didn’t even notice it was already another weekend today. Tapos na ang exams namin, and I couldn’t imagine myself finding our exams quite easy as opposed to what I expected.

Ethan was right. I mustn’t pressure myself, pero hanggang ngayo’y hindi ko pa rin maintindihan kung bakit galit sa akin si Ethan, lalo na yung may nagyaya sa aking kumain daw kami ng noodles sa labas.

Pumayag naman ako kasi mabait naman yung lalaking ‘yon. Ramdam ko kasi kapag hindi dapat pinagtitiwalaan. Besides, nasa public place naman kami kumain.

What had taken me aback was, after Ethan knew I ate with a guy after such a long day of taking exams, nagalit na siya sa akin. Kahit ngayon, hindi na rin niya ako kinakausap o pinapansin man lang.

Hindi ko kasi alam na nakita niya pala kami roon sa may isa pang karenderya na medyo malayo sa apartment building namin, pero bakit nga ba siya galit sa akin?

Evie kept on sending me several messages from Instagram. Once, she cried to me, because her parents found out about her mistakes in our exams. Pinagsasabi niya kasi sa iba na may mga nakaligtaan siya. Iyan tuloy, nalaman ng parents niya sa ibang tao't inatake pa raw sa puso yung dad niya.

Gusto niyang uminom kasama ako sa isang bar, kasama si Ashton. Sinabi ko naman sa kanilang kailangan nila akong sunduin. Otherwise, hindi ako sasama sa kanila. Pumayag naman si Ashton na sumama kay Evie, at ngayon ko lang napagtantong hindi naman pala siya yung loko-loko mong kaibigang walang pakialam sa’yo. Ashton is funny and crazy, we get it, but he also has a soft side that we rarely see. Bigla-bigla rin kasi siyang sumeseryoso.

Gusto rin sumama ni Kendric sa amin at magdala ng wine. May sariling wine cellar kasi siya sa bahay nila. Kaso nga lang, may inutos daw sa kanila ni Khel yung daddy nila. In return, we didn’t bother them anymore to accompany us, kahit napipilit naman ni Kendric yung kapatid niyang ang studious at hindi mahilig sumama.

Great combo rin silang dalawa, e. Mahilig sumayaw ang isa’t ang isa nama’y mahilig kumanta. Si Khel nga lang yung masyadong strikto. Hindi ko nga alam na nagkainteres pala siya sa kapatid ko, tapos sinabihan siya ni Kendric na taken na ‘yon ni Asriel. He toned down when he knew that, and said that his feelings for her weren’t that deep anyway.

“Celebrate muna natin ‘to at natapos na rin yung finals week!” bulyaw ni Ashton at pinagbangga namin ang mga sariling basong puno ng alak at tinungga.

Nakasuot ako ngayon ng makapal na hooded jacket at sweat pants. I am also wearing a pair of white snickers with black laces. Samantalang si Evie nama'y nakasuot ng maluwag na shirt na may middle finger sign na nakaimprenta sa harap nito, sa bandang gitna. She partnered it with a ripped jeans, and a pair of black rubber shoes.

Balot ng maingay na hiyawan ng mga tao’t music ang buong bar. Several people are on their feet, like they’re dancing their hearts out for certain reasons I myself can’t read. Siguro, para sa ibang tao, masama ang tingin nila sa mga ganitong klase ng mga tao. 

Umiinom. Sumasayaw. Naninigarilyo. Iilan lang ito sa mga bagay o kung tawagin nating bisyo na ginagawa nila sa dahilang maaaring gusto nilang makalimutan ang mga problema sa buhay. Ganito rin ang ginagawa namin ngayon at gusto lang naming samahan si Evie.

We drink sometimes to celebrate our successes. We drink sometimes to grieve for our problems in life. There can really be a mountain of certain reasons for people to enter these kinds of things. Minsan, habang tumatagal, lumalala't hinahanap-hanap na nila ito, pero hindi ko sila masisisi. Baka may malalim silang dahilan, kahit hindi naman 'yon talaga ang tamang solusyon.

Metallic HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon