Chapter 31

599 33 24
                                    

MH #31

Mom just came in my apartment with her mouth shut. Tinabihan niya ako sa couch; iniwang nakatayo si Ethan sa may tapat ng pintuan. “Bakit magkasama kayo ni Thor ngayon, ha?” usisa ni mama’t sinundot ang tagiliran ko.

Napahawak ako sa dibdib, dahil umuurong ang lalamunan ko. Why would I be this scared after mom has found out I had Ethan here inside my apartment? Bakit naman ako matatakot, e, nanonood lang naman kami ng KDrama?

I dramatically closed my eyes, withdrawing a deep breath. “Ma, we’re just watching a KDrama series,” I told her. “No big deal.”

Tinaasan ako nito ng kilay. Nagkrus ng mga braso. Ngumuso. “Parang n’ong isang araw lang, nasa stage pa kayo ng meet and greet, pero bakit parang ngayon ang lapit-lapit n’yo na sa isa’t isa? Kayo, ha! I smell something.”

I heard Ethan closed the door and sat beside me on the couch. I had this feeling that his confidence literally flew out of the window when he saw my mom as he was playing with his fingers, wandering his eyes around elsewhere.

Ibinalik ko ang tingin kay mama nang magtanong na naman ito. “Paano kayo naging close, ha?” Sinundot niya ulit ang tagiliran ko; bahagya na lamang akong napaigtad.

“Ma!”

“Sabihin mo nga sa akin kung paano kayo naging close,” bulong niya. “Saan ba kayo nagkakilala? Magkakilala na ba kayo kahit noon pa? Kaya ba hinatid ka niya noong isang araw dahil close kayo? Magkuwento ka nga! Dali!”

I could tell she might have eaten a mountain of chocolates. Her eyes were flaring, waiting for me to give her information that would satisfy how curious she was.

“Sige na!” pamimilit nito. “Wala namang mawawala kung sasabihin mo, e!” She drew her mouth closer to my ear then. “Sabihin mo nga sa akin, nag-kiss na ba kayo?”

“Ma!” sigaw ko’t nasapak na lang siya sa braso. “Grabe kayo! Magkapitbahay lang po talaga kami!”

Ibinalik niya ulit ang labi sa tapat ng tainga ko habang nakangisi. “Kung ganoon, natulog na ba kayong magkasama?”

“Hoy, ma!” I felt like my cheeks started burning when she said that. Hinawakan ko ang tigkabilang pisngi nang maalala ko ang nangyari n’ong sinamahan ko siya sa kama.

Ethan kept saying my name in his breathy voice when he was asleep that time, hugging me tight and smiling like an idiot. We were so close to each other. His lips were quite near to my ear that it made me want to go off his bed every time he’d utter my name. I didn't know but I found it sexy.

Sira ka na, Melly. Ano ‘yang iniisip mo!

“Oh? Bakit ka nag-ba-blush?” tukso pa nito. “Thor, o, si Melly nag-ba-blush.”

“Ma!” Nasapak ko siya ulit sa balikat dahil ramdam ko na talaga yung pamumula ko.

“P-po?” rinig ko namang tugon ni Ethan.

Tiningnan ko siya’t bigla na lang nagbago yung awra niya. It was like his shock when he first saw my mom retained; like he was searching for valid reasons to tell mom why he was here.

Tumayo si mama. “Tabi ka nga!” She shooed me away, kaya napausog na lamang ako palayo kay Ethan. Pumagitna naman ito sa aming dalawa. “So, magkapitbahay pala kayo? Bakit hindi mo sinabi sa akin n’ong nakaraan? Kailan lang ba kayo nagkakilala? Sa nakikita ko ring reaksyon ni Melly kanina, para may something sa inyo. Natulog na nga kayong magkasama, ano? Sa kabila---“

“Ma! How is he going to answer your questions without giving him the chance to?” may diin kong putol sa kaniya, dahil sa tingin ko’y hindi na talaga mapakali si Ethan sa kaniyang mga tinatanong. “Dahan-dahan lang,” kalmado kong dagdag.

Metallic HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon