Chaper 1 "Case no.1"

19 11 1
                                    

Nakatingin ako sa isang babaeng parang baliw na nakaupo lang sa loob ng kwarto. She's looking straight through the wall habang naka- smirk. Nakaupo sya sa silya at nakaposas ang mga kamay  na nakapatong sa lamesa. Katabi nya ang isa sa mga kasamahan namin na halatang nawi- wirduhan na sa babae. Patuloy lang sya sa pagbibitaw ng mga tanong pero wala kahit isang nasagot. Kahit nandito ako sa labas ay kitang kita ko lahat ng nangyayari sa loob. Kasalukuyan kasi kaming nandito sa interrogation room. Hindi nila kami nakikita pero nakikita at nadidinig namin sila.

"Let me in." Sabi ko.

Nauubusan na din ako ng pasensya. Base sa data na nakalap ng information team, walang sakit sa pag iisip ang isang ito. Negative din ang result ng drug test. Kaya naman itong mga ginagawa nya ngayon ay talagang nakakapang gigil na.

"Papasok ka. Pero hindi ka iiwanan ni Dion sa loob." Ani naman ng chief namin na nasa may likod ko.

Hindi na ko umimik pa. Nagdire- diretso lang ako sa pinto at pumasok sa loob. Gumuhit naman ang ginhawa sa mukha ni Dion na kanina ay parang natatae na. Siguro, nakaramdam na sya ng takot sa mga ikinikilos ng katabi nyang babae.

Hinila ko ang upuan at sexy'ng naupo dito, katapat mismo ng baliw.

"Emily Sinester. A 35 year old woman na pinatay ang dalawang minor de edad. Unfortunately....her son and daughter." Ipinatong ko sa ibabaw ng lamesa ang dalawang paa ko. "Hindi ka ba naawa sa mga anak mo noong time na dahan dahan mo silang ginigilitan sa leeg?"

Pinakiramdaman ko sya ng mabuti. Bawat ekspresyon at kilos nya ay binantayan ko. At sa mga oras na binabanggit ko ang salitang anak, I can saw her chest na mabigat na tumaas baba. Ibig sabihin, mag impact pa din sa kanya ang dalawang batang iniluwal nya.

"Hindi mo ba sila minahal? Pinalaki at inalagaan mo lang ba sila para patayin?.. Sa pagkakaalam ko, proud na proud sayo si Emma dahil ikaw daw ang nagturo sa kanya kung paano tumugtog ng piano. Ganoon din si Emman na ibinabalita sa lahat ang masarap mong ube jam." Pagpapatuloy ko. "Nakakaawang mga nilalang. Napunta sila sa kamay ng isang mamamatay tao."

Emma and Emman are twins. Grade 5 na sila at parehong may matataas na mga marka. Maganda ang estado nila sa buhay kaya naman hindi ko lubos maisip na magagawa nya ang karumaldumal na krimen na yon sa mismong kadugo pa nya.

"Ano naman sinabi ng asawa mo?. Gusto ka pa din ba nyang makasama habang buhay?.." Tamad kong turan. "Hmm..siguro nagsisisi na si Manuel na pinakasalan ka pa nya."

  "GUNS AND ROSES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon