Chapter 8 "I need Ice"

16 11 0
                                    

Umaga pa lang, bad mood na ako kaagad. Sino ba naman ang hindi masisira ang araw? Psh... Nag away kami kagabi dahil ayaw nya akong palabasin. Dito na daw ako titira hanggang sa masolve ko daw ang kaso nya. Kainis naman! And here I am, magandang nakahiga sa malambot na kama. Wala akong planong bumangon at lumabas ng kwarto. Ayoko! Makikipag matigasan ako sa kumag na 'yon.

"Young lady, breakfast is ready." Tinig ni Greg sa labas ng pinto.

No. Ayoko. Kaya kong magtiis ng gutom. Sanay naman ako dahil sa training namin noon. Hindi ako sumagot. Bahala sila. Naka- lock 'yong pinto. Alam kong may kakayahan silang buksan ang pinto dahil nasa kanila ang susi pero wala akong pakialam. Gusto ko lang mag emote. Mga wala naman silang modo kung pupwersahin nilang buksan ang pinto ng walang permiso ko. Hindi na nila ginalang ang privacy ko. Tss...

"Miss. Araneta.." Tawag ni Greg sabay katok.

"Go away, Greg.. Ayokong kumain." Sigaw ko.

"Hindi mo gugustuhing magalit si Young master, young lady." Balik nya.

"Whatever.." Saad ko.

Kahit magalit pa sya, wala akong pakialam. Who the hell is he ba? He's just a nobody. Isa lang syang desperadong manyak na walang modo at mayabang. Wala syang pakialam sa mga nasa paligid nya. All he cares about is himself. Makasariling manyak. He's a spoiled bratty asshole. Nakakadiri. 'Yong mayaman na walang ibang alam kundi ang bumili at gumamit ng pera. Nakakaawa. Hindi nya alam kung paano makitungo at makisabay sa mga nakararami dahil takot syang madumihan ang mamahalin nyang kasuotan. Bakit kaya gano'n ang mga mayayaman? Lahat naman tayo nanggaling sa hirap. Walang tao na nagsimula sa kaagad sa mayaman. Siguro, meron, 'yong mga batang ipinanganak sa gintong lampin. Tss... Fuck those rich people. Mga hambog. I lay comfortably on the soft bed. Ganito din naman kalambot ang kama ko. Pero ngayon ko lang na-enjoy ang humiga. Hindi kasi ako nakakapag pahinga ng maayos. Kung hihiga man ako, diretso tulog na. Babangon ako, double time pa para pumasok. No time for a simple nap. So, ito na ang pagkakataon ko. Let me sleep kahit kaunti lang.

Hmm...
Bakit ba nakakaabala sa natutulog ang pag- ihi?. Hayyss.. Bumangon ako with my eyes half hooded. Inaantok pa ako. Dahan dahan akong bumaba ng kama at tamad na naglakad...but..

"FUCK!" Sigaw ko.

Humalik ako sa sahig. Juice mother! Bigla nalang akong natumba. Plakda talaga. Masakit kaya. Anak naman ng tipaklong. I composed myself and slowly cares my ankle...only to found out na may nakakabit sa paa ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung ano iyon. NAKATALI AKO?! Fuck! Not just a simple rope. It was a black chain na may leather and padlock. The leather part ang nakakabit sa paa ko. Anak naman ng tokwa, oh, oh. Natulog lang ako for God sake! Masama na bang matulog? At bakit may paganito pa? Tss. Tumayo ako mula sa pagkakasalampak ko sa sahig at naupo sa edge ng kama. Paano ako magbabanyo? Kainis naman.

Nasa kalagitnaan ako ng pagbubusisi kung paano ito makakalas nang biglang bumukas ang pinto. Who the hell it is?. Sino pa ba? The one and only bratty perverted asshole and he's smiling like a drug addict. Well, kaunti na lang magiging ganon na sya. Tss.

"That's for your stubbornness." Sabi nya.

"What's wrong with you?!.." Angil ko.

Lumapit sya sa kinaroroonan ko. "Ayaw mong kumain at lumabas di, ba?." Itinuro nya ang kadenang nakakabit sa paa ko sabay shrug.

  "GUNS AND ROSES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon