Chapter 7 "Destiny"

13 10 0
                                    

Hmm....
Ang sarap ng tulog ko. This brewed coffee and almond cake are a great combination of good and pleasant morning. Nabawasan na ang problema ko sa tulong ng dalawa kong kaibigan. Safe na si Emily kaya naman, mapapanatag na ako ngayon. Pwede ko ng magawa ang lahat ng gusto ko ng walang inaalalang balakid o mapapahamak. Thanks G!

Mamayang hapon dadating ang painting na binili ko. Naayos na lahat ni Dion ang mga dapat ayusin kaya naman ide- deliver na lang nila mamaya dito sa condo ko. Dahil maganda ang umaga ko, nakaayos at nakapaghanda na ako kaagad. Ready na ako pumasok. Nakangiti pa nga akong naglakad palabas. At ng tumunog ang cp ko, malugod ko itong sinagot.

"Yes, hello. Good morning." Bati ko.

Alam kong nagtaka ang nasa kabilang linya dahil hindi kaagad ito nakapagsalita. "You need to come early.. Urgent."

"I'm on my way." Sagot ko.

Pagkababa ko ng tawag ay sumakay ako kaagad sa kotse ko. I was driving my baby smoothly. Alam kong kailangan kong magmadali pero, minsan need ding mag enjoy sa biyahe. Ito ang nagagawa ng magandang gising sa taong maganda. And that's me. Yeah, I'm beautiful. Everything is awesome. Bumaba ako ng sasakyan, sexily. And naglakad ako papasok ng HQ ng maganda. Dahil maganda ako, lahat sila napapatingin sa dyosang nilalang na ngayon lang nila nakita dito sa balat ng lupa. Sino?. Aba, it's me of course. Wala ng iba pa. I'm not airy. I'm just stating the truth. If only you could see what I see, you'll probably agree to me. Nagkalat dito ang mga not so pretty people. Hindi ko na sasabihin pa kung sino pero, yong guard talaga at ilang mga babaeng desperadang nagbebenta ng kung ano talaga yon.

Masaya akong nakadating sa department ko. But to my oh so gorgeous self, may pa meeting ang chief. Why naman kaya? I'm sure, ako na naman ang isasalang ng mga ito. Bakit? Because I'm so talented and awesome. Ako ang number one agent nila. Yes, that's me.

"What's the commotion about?" Tanong ko.

Nahati ang kaninang nakabilog na kumpol ng mga busy'ng officer. Humarap sila sa akin na may mga seryosong mukha. Napakunot naman ako ng noo. Anong problema ng mga ito?

"Mayroon tayong special case." Pag- uumpisa ni Chief. "Ilang linggo na din naming sinusubaybayan ang ating subject A. At sa loob ng mga araw na 'yon, madaming beses na syang pinagtangkaang patayin. We need you to be his guard."

Napasimangot ako. "Body guard?.." Sambit ko.

"You're the most outstanding agent here, Rose. Ikaw lang ang maaasahan naming magbabantay sa kanya." Pagpapatuloy nya. "He is the key para sa mga anumalyang nangyayari sa bansa."

"Who is he?." Tanong ko.

Tinawagan ni Chief si Dion and in an instant, dumating na sya kasama ang isang lalaki na hindi ko masyadong makita dahil natatakpan nya ito. Naka hoody jacket ang subject A at parang may malalim na iniisip dahil nakayuko ito. Nakalapit na sila sa amin and my whole world stops on spinning. The hell.... Please kill me now....

  "GUNS AND ROSES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon