Prologue

19 11 1
                                    

"....shit....ahh..hmm.."

Napapakagat sa labi si Rose, hindi nya totoong pangalan, habang matiim na nanonood sa lalaking walang saplot na nakaupo sa katapat ng kinauupuan nyang sofa. Hawak nito ang kanyang naghuhumindig na kahabaan habang mabilis na nagtataas baba dito ang kanyang kamay at nakatitig sa mga mata nya. Idagdag mo pa ang mga halingling na paminsan minsang binibitawan nito.

"Hmm...Rose..." Tawag ng binata sa pangalan nya.

Hindi naman maitatanggi ng dalaga na hindi ito nasisiyahan sa kanyang pinapanood. Dahil ang taksil nyang katawan ay nagsisimula ng mag init na parang apoy. Nakaramdam na din sya ng pamamasa sa gitna ng kanyang mga hita. At kaunting paanyaya pa ay siguradong bibigay na sya. Kaya naman, mabilis syang tumalima ng tayo.

"Jack yourself off faster." Bitaw nya. "Or I will blow that dick with my gun."

"Fuck!" Gatil ng binata na hindi magkaintindihan kung itutuloy pa ba nya ang pagpapaligaya sa sarili o hindi.

"Asshole." Sambit niRose sabay lakad palayo.

Palakas ng palakas ang ingay habang bumababa sya ng hagdan. Nasa isang bar sya na puno ng mga lasing at sabog na mga kabataan. She's on a mission right now. Ang lalaking kasama nya lang kanina sa kwarto ay ang may ari ng Bastardos Bar na ito. Dalawang araw din nyang kinuha ang loob ng binata upang maisagawa ang plano.

Dumiretso sya sa labas kung saan wala ng malakas na music ang maririnig. Naglabas sya ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito. Hindi naman sya mabisyo. Pero dahil sa sobrang stress at pagod sa trabaho ay nakakaubos sya ng limang stick sa maghapon. Naenganyo lang talaga sya sa mga kasama nya na mga bad influence dahil ang mga ito ang nagudyok sa dalaga.

Habang humihithit ng sigarilyo ay inilabas nya ang cellphone mula sa ilalim ng damit nito. Malaki naman kasi ang pagtataguan dahil may mayaman syang hinaharap at magandang pangangatawan.

"Rose?." Boses mula sa kabilang linya.

"Confirmed." Ani nya.

Kasabay ng pagbaba ng linya ang pagtapon nya ng sigarilyong kakaunti pa ang nababawas. Isa lang ang ibigsabihin ng kanyang binitawang salita. Ito ay dahil kompirmadong may nagaganap na kalakaran ng droga sa loob. Ito ang dahilan kung bakit sya nandito at nagtiis na pakisamahan ang bastos na lalaki kanina.

Inapakan nya ang tinapong sigarilyo upang masiguradong mamamatay ang apoy nito. Pagkatapos ay lumapit sya sa nakaparadang kotse. Binuksan nya ang pinto ng backseat at kinuha ang dalawang 45 caliber gun.

Alam na nya ang mangyayari sa oras na bumalik sya sa loob ng bar. Naiisip pa lang nya ang mga ito, nae- excite na sya kaagad. Kaya naman, malalaki ang hakbang syang naglakad papasok sa loob. Hinawi nya lahat ng mga haharang at balakid sa kanyang daraanan hanggang sa makadating sya sa may gitna kung saan may pole na nakatayo sa maliit na bilog na parang stage. Umakyat sya dito dahilan upang umani ng sigawan mula sa mga tao. Mga hiyawan na puno ng malisya at kalaswaan. Dahil lahat ng nasalta sa maliit na entabladong ito ay maarteng iginigiling at isinasayaw ang kanilang mga katawan. Sa isipin ngang ganito ay tumuon sa kanya ang atensyon ng lahat. Isang magandang pagkakataon para maisaayos ang palabas.

"Good evening, ladies and gentlemen." Sigaw nya. "I am Rose and I have guns."

"Show us your guns, baby!" Sigaw ng isang kalbong lalaki mula sa crowd.

Mula sa likod ay inilabas nya ang isang baril. "Say hello to my baby." Ikinasa nya ito at itinutok sa taas sabay kalabit ng gatilyo.

Napuno ng pagtataka, takot at kaba ang mukha ng mga kabataang nakatingin sa kanya. Hindi mawari kung ano ang dahilan kung bakit may babaeng nag- aamok sa gitna.

"You're all...terminated." Sambit ni Rose na may mga ngiti sa labi.

"What the fuck are you doing, bitch?!" Angil ng lalaking bumababa sa hagdan. "Get your ass down on that fucking pole."

Ito ang may ari ng bar na kanina lang ay kasama nya sa loob ng kwarto. Ang lalaking nakuha nya sa loob lang ng two days. The man behind those illegal transactions of drugs sa mga estudyante... Her main target.

She hates villains. Ayaw nya sa mga criminal. Dahil puro problema lamang ang dulot ng mga ito sa lipunan. Hindi sila nasunod sa batas at walang kinikilalang Diyos. Higit sa lahat, sinisira nila ang buhay ng mga kabataan. She fucking hate that...ruined someone's life...

Gumuhit sa kanyang mga labi ang isang mapaglarong ngiti nang mabalot ng takot ang mukha ng lalaking may pasimuno ng lahat. Nakatutok dito ang kanyang baril at isang kalabit lamang ay bubulagta na ang katawan nito sa malamig na sahig.

"A- anong ginagawa mo?.. Ibaba mo yan?!" Angil nito sa dalaga.

"Alejandro Valdez. By the power given upon me, you are now going behind the cold fucking bars." Seryosong tugon nya.

Nanlaki ang mga mata ng binata. Pati ang mga kabataang nakapaligid sa kanila ay nabalot na din ng takot. Hanggang sa bigla na lang tumakbo ang lalaking Alejandro ang pangalan. Mabilis nyang tinungo ang pintuan pero bago pa nya ito marating ay kusa ng bumukas ang mga pinto at iniluwal ang mga nakaunipormeng mga alagad ng batas.

Wearing her victory smile, pinanood nyang magrambulan ang lahat. Nagkanya kanyang habol ang mga pulis sa mga kabataang lango sa alak at droga. May ilang nagsuntukan at nagwala dahil ayaw sumama sa mga kasamahan nya. Madami naman ang nagpaubaya na at sumunod ng tahimik.

Another mission accomplished. Ito ang masaya sa pagiging kasapi ng mga nangangalaga sa kaligtasan at kaayusan ng bansa. Simula bata pa lamang ay ito na ang gusto niyang marating. Ang manghuli ng mga taong halang ang sikmura. Dahil ipinangako niya sa sarili at sa tatay nya na huhulihin nya lahat ng masasama. Lalong lalo na.....ang suspek sa salang pagpatay sa pinakamamahal nyang Ina.

Nasa edad sampo pa lamang sya noong nangyari ang kalunos lunos na pangyayari sa buhay nila. Isang pangkaraniwang araw noon kaya naman siya ay nasa eskwelahan, nagtatrabaho naman ang kanyang ama at taong bahay ang kanyang Ina. Isang masama at walang pusong mga nilalang ang nanloob sa kanilang bahay at pinatay ang ilaw ng kanilang tahanan. Hindi nila matanggap ang nangyari dahil pwede namang limasin na lamang nila lahat ng pera at gamit sa bahay. Bakit pinatay pa nila ang babaeng wala man lamang kalaban laban?

"Great job, Rose." Boses ng lalaki na nagpabalik sa kanya sa ulirat.

Tumango sya. "As always." Tamad nyang sagot.

Wala ng tao sa loob ng bar. Kasalukuyan nang nililinis at sinusuri bawat sulok upang maghanap pa ng mga ipinagbabawal na gamot. Dahil wala sa usapang sasali sya sa mga maiiwan para halughugin ang lugar, walang paapaalam na sya'y sumakay sa kotse. Ini- start ang makina at mabilis na pinaharurot paalis.

  "GUNS AND ROSES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon