Chapter 2 "Vicmarie Araneta"

18 11 0
                                    

Seven o' clock p.m. Ready na ako at handa na ang lahat. Bumaba ako ng tahimik mula sa condo unit ko. Pinabura ko na din kaagad ang footage ng dinaanan ko. Para may alibi ako kung sakaling madehado tayo sa laban. Pero sure akong hinding hindi yon mangyayari.

Sumakay ako sa red Ferrari ko at maangas na pinaharurot ito sa kalsada. Dapat lang na ipagmayabang ang baby ko. Araw araw ko kaya tong pinapalinisan at never ko tong pinagasgasan sa kahit na ano. Wala pa ding nakakasakay dito na iba. Madamot ako. Ang akin ay akin lang.

Itinigil ko ang sasakyan sa isang tago at madilim na part, isang block pa ang layo sa H.Q. Naglagay na din ako ng earpiece para may communication na kami ni Richkin. Okay na ang lahat kaya naman, bumaba na ako ng kotse at mabilis na naglakad papalapit sa gusali.

"Which way?." Tanong ko.

Alam kong kanina pang naka standby sa kabilang linya ang kapartner ko ngayong gabi. No need sa kaba dahil professional sya kung magtrabaho.

"Backdoor. Bubuksan ko sya para sayo." Sagot nya na parang tinatamad pa.

Via code ang lock ng mga pinto ng H.Q. Mabubuksan ito gamit ang key card mo at mano manong pagtatype ng code. Dahil magaling naman si Richkin, magagawa nya yon.

Nakadating ako sa likod ng maayos. Gaya ng inaasahan, madali kong nabuksan ang pinto at nakapasok sa loob.

"Binura na kita sa lahat ng camera. Pero you only have five minutes." Saad ng nasa kabilang linya.

"That's enough for me para makakuha ng kasagutan." Balik ko. "Thank you."

"That's because I'm so good..." Mayabang nyang ani.

"Yeah, right..." Pag sang ayon ko.

Wala ng oras para makipag argue pa sa kanya. Patakbo akong nagpunta papuntang basement kung saan nandodoon ang mga bilangguan na kinalalagyan ng mga taong under investigation.

Kahit malamlam ang ilaw ay hindi ito naging hadlang upang makita at mahanap ko ang piitan na kinaroroonan ni Emily. Nadatnan ko itong nakahiga sa kama sa loob ng selda. Dahil security code ang lock nito, madali kong nabuksan ang pinto sa tulong na din ni Richkin.

"Emily.." Tawag ko sa babaeng nakahiga.

Nakailang tawag pa ko bago pa sya tuluyang magising. Bumalikwas sya ng bangon at gulat na humarap sa akin.

"I-ikaw..?" Naguguluhan nyang saad.

"Ako nga." Nakangiti kong balik. "Tell me, anong nangyari. Don't worry, you can trust me."

Naupo sya ng maayos sa kama. Nakatungo sya at tila nag aalinlangang sagutin ang tanong ko. Naupo naman ako sa tabi nya para ipakitang seryoso ako. She can trust me. Alam kong badass ako at matinong sinusunod ang mga batas. Pero, I'm not that hard hearted woman na isinasawalang bahala na lang ang mga maling nakikita nila sa lipunan. Ako yung tipong kapag may mapansing kakaiba, kahit gaano pa yan kaliit, bubuklatin at bubuklatin ko yan.

  "GUNS AND ROSES"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon