Umagang umaga pero need kong mag withdraw. Why? Tss... Payback time daw. Sinong pasimuno? The two crazy fuckers na nagligtas sa akin kagabi. Now, I'm forcefully withdrawing my money on one of my bank accounts. Hintayin lang nila ang bawi ko. Lintik lang ang walang ganti. Mga mandarambong! Kailangan ko pa tuloy mag doble ingat dahil sa perang hawak ko. Baka ma- holdup ako ng wala sa oras. Kapag nangyari 'yon, mapapatay ko talaga ang dalawang babaeng 'yon.
Pagkatapos Kong makakuha ng pera ng walang nangyayaring masama sa akin ay dumiretso ako kaagad sa kotse ko. Safe naman ito dahil lahat ng sasakyan ko bullet proof. Pinasadya ko talaga 'yon. You know naman na mala- action star ang buhay ko. Ako ang bida ng sarili kong action film. Kung mangyayari nga 'yon, I will entitled it as "Belle Catastrophe" na ang ibig sabihin ay "Beautiful Disaster". Susyalin di, ba? Translated yon sa..ahm..saan nga ba? French ba o ano. Basta ganun! Nabasa ko 'yon sa kung saan noong isang araw. Nakalimutan ko lang. Kung number 'yan ng isang poging nilalang, ililista ko pa 'yan sa papel. Oh, by the way, kasalukuyan akong nasa biyahe papunta sa sinabi nilang destinasyon kagabi. And I'm not familiar with it. Bugbog talaga ang abot nila kapag puro kalokohan lang ang nandun. Siguraduhin lang ng mga pesteng 'yon na may mapapala ako sa kabaliwan nila. Dahil kung wala akong natamtam sa sarili kong pera kahit isang butil ng bigas ay isa isa ko silang tatalian sa paa na ikakabit ko sa kotse ko sabay harurot ng todo. Hindi ko ititigil ang pagda- drive hanggat hindi nadugo ang katawan nila. Tss... Fuckers.
Habang patagal ng patagal at palayo ng palayo ang binabyahe ko ay napapansin kong nasa probinsya na ako. Puro mga nagtataasang mga puno at malalawak na mga palayan ang nakikita sa kaliwa at kanan ng mahabang kalsada. So, they're into something. Ang alam ko, lahat kami mga probinsyana. Nakalabas lang kami sa mundo ng kainosentahan noong tumindi ang pangangailangan ng gobyerno sa mga sundali. Nilibot nila ang buong bansa upang mag recruit ng mga kabataang handang pumasok sa army. And we, are one of those. Nagkakila- kilala lang kami sa isang group chat at page sa fb na samahan ng mga manyak. Pero ibahin nyo ako dahil hindi ako manyak. Well, sige, konti lang. Mga slight lang. Hindi katulad nila na ang wa- wild mag- isip. Inosente kasi ako. Yes. I'm innocent.
Dinala ako ng coordinates na ibinigay ni Cy sa isang maliit na bayan ng "San El Fonso". Paano ko nalaman? Nakasulat kasi sa nadaanan kong arko. Sabi nila, mula daw dito ay magdire- diretso lang ako hanggang sa makita ko daw ang isang malaking bahay na yari sa kahoy. Hindi naman ako nahirapang mahanap iyon, dahil litaw na litaw ang mansion sa lahat ng nadaanan kong mga tahanan. Mayroon itong dalawang palapag at malawak na bakuran na pinaliligiran ng ibat ibang uri ng halaman at puno. Ipinasok ko ang sasakyan ko sa malaki nitong gate at marahang nagpark sa tabi ng titanium silver Ferrari. Mukhang kilala ko na kung kanino ang sasakyang ito, ahh. Naiiling akong bumaba sa baby ko kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pero ang mga hinayupak na 'yon, hindi na ako ni- replay-an. Kaya naman, pinakiramdaman ko ang paligid. Hindi impossibleng bigla nalang silang sumulpot at manggulat o mantutok ng baril. Pero tanging ingay lang ng mga nagtatawanang mga bata ang narinig ko. Sinundan ko kung saan ito nanggagaling at sa may likod ako nito dinala. Tumambad sa akin ang mga naglalarong mga batang lalaki at babae na nasa bente pataas ang bilang. Napakunot ang noo ko ng matanaw ang mga fuckers sa di kalayuan na prenteng nakaupo. In fairness. Kumpleto kami. Minsan lang mangyari ang ganito kaya, isa itong himala. Nakita ako ni Zebby na agad naman akong kinawayan. Ngumiti ako at malalaki ang hakbang na lumapit sa kanila.
"What's up, fuckers?" Bati ko.
"The little red riding hood is here." Natatawang ani ni Char na agad kong pinakitaan ng middle finger ko. Dalawa na para sagad.
"Ano naman 'to?.." Tanong ko.
"This is your payment." Si Cy ang sumagot. "Holy Angel Orphanage needs a big amount of money for their supplies para sa lumolobong bilang ng mga bata. And you, are the one na magbibigay non."
BINABASA MO ANG
"GUNS AND ROSES"
Любовные романыBelle Catastrophe Series 1 "Guns and Roses" Vicmarie Araneta is a prestigious and brave female soldier. Babaliin nya kaya ang batas para gawin ang tama? Handa ba syang salungatin ang sinumpaang tungkulin para sa kanyang perverted goon prince charmin...