Aki's POV
"Naku hija parang kahit ano namang gown ang isuot sayo ehh talagang babagay sayo eh.Tingnan mo nga at ang ganda ganda mong bata" - si tita Margeux na parang sinusukatan ang bewang ko.
"Luhh si tita..maganda din naman ako ahh bat di mo ko sinasabihan niyan?andaya naman.." - si Rie naman tsaka nagpout pa
'Sobrang cute niya talaga pag nagpapabebe siya HAHAHHA parang bata '
"Sus nagtatampo ang paborito kong pamangkin.." - sabi naman ni tita tsaka sinuyo si Rie
"Eh ako lang nagiisa mong pamangkin tita eh malamang ako paborito mo,no choice ka naman ehh "
Natawa naman ako sa sinabi niya.Sobrang close pala nilang magtita.Namiss ko tuloy bigla si mama.
"Ohh pili lang kayo ng kahit anong gusto nyo dyan.Sige na,maiwan ko muna kayo rito at may pupuntahan pa ako.Nandito naman si Abby para asikasuhin kayo ehh.Sige na babye na." - paalam samin ng Tita ni Rie tsaka lumabas na ng shop
"Babye po tita !Ingat po.."
"Salamat po ,bye! "
Sabay naming paalam ni Rie.
"Sabi ko sayo ate ehh ako bahala sa gown natin .." -si Rie naman tsaka kumindat pa sakin
Nandito kami ngayon sa shop ni Tita Margeux,ang tita ni Rie .Para mamili ng gown na susuotin namin sa grand ball.
Nagstart na kaming tumingin tingin sa shop.Akala ko katamtaman lang ang laki nito pero ng ikutin namin,may mga rooms din palang designated depende sa class at quality ng gown.Liban pa sa mga gowns na nakadisplay sa shop.
Papasok na sana ako sa isang kwarto ng bigla akong hilahin ni Rie. Huminto naman kami pagkarating namin sa tapat ng isang pinto.
"Psshh ka atee ..dito tayo sa pinakamahal na gowns.Mga sikat na designer ang nagdesign ng mga gown sa loob ng kwartong 'to ".
Tiningnan ko lang sya tila naghihintay ng susunod niyang gagawin.
"Ready?"
Napatango nalang ako kahit na nawewerduhan ako sa kaniya.
Unti unti niyang binuksan ang pinto ng room.
"Tenneeeennnnnnn!'' -si Rie tsaka umaktong parang may surpresa sakin
Unti unti ko namang nilibot ang aking paningin.
'Just Wow!'
Literal na napanganga ako sa sobrang ganda ng loob.No,hindi lang ang loob kundi pati lahat ng mga gowns na nakasuot sa mga mannikins at ang iba eh nakahanger.Tama nga si Rie,halatang mamahalin ang mga gown na 'to.Parang naeexcite tuloy ako sa ball.
"Ate isukat mo 'to ohh,ito pa..ito pa...at ito..at itooo..sige na atee bilis!"
'Grabe naman tong babaing 'to sakin.Di ba pwedeng isa isa muna?'
Pumasok nalang ako sa fitting room at isunukat ang lahat ng binigay niyang gown.
Halos parehas lang naman ang comment niya kapag nasukat ko na. 'Paaano ko naman malalaman kung ano ang pipiliin ko?' -napabuntong hininga nalang ako tsaka ibinalik ang lahat ang mga gowns.
Nakita ko naman siyang naghahanap at namimili pa.For sure,ipapasukat niya na naman yun sakin.
Itinuloy ko nalang ang pagiikot ko at tumingin tingin.
I want something na simple lang ang design pero makikita parin ang pagkaelegante.Ganun din sa color.
Nahagip naman ng paningin ko ang isang color red gown with I think,silver na mga ornaments sa harap nito.Sleeveless sya at may hiwa sa gilid na kapag isinuot eh makikita ang other side ng legs mo.Pero kahit na ganun hindi siya masyadong revealing . Kinuha ko ito at itinaas ng bahagya para tingnan ng maayos. 'I think you're perfect! '
"Yan! Yan talaga ate ang gusto kong ipasukat sayo ehh,naunahan mo lang ako." - nagulat naman ako sa biglang nagsalitang si Rie na may daladalang mga nakahanger na gowns sa magkabilang kamay.
"Talaga ba? Eh ano yang mga hawak mo?" - tanong ko tsaka pumipigil ng tawa
Napakamot nalang siya sa ulo at ibinalik ang mga gown.Pumasok narin ako ulit sa fitting room at nagsukat. 'Para namang isinukat to sakin ahh'
Kasyang kasya sakin.Lumabas na ako ng fitting room para mahingi ang opinyon ni Rie."How do I look?" - tanong ko sa kaniya tsaka umikot ikot pa.
Para naman siyang nakakita ng multo .Nakatingin lang siya sakin at literal na nakanganga.
Napakunot naman ako ng noo dahil hindi parin siya sumasagot.
"You look so perfect!" - sagot niya sa wakas at tsaka ako yinakap.
YOU ARE READING
My Ex in RPW , My Boyfriend in RW
FanfictionIf you are a RP'ier , for sure makakarelate ka sa story. Well, this is the story of two RP'iers na nainlove sa isa't isa then as laging nangyayari sa relationship, they broke up. Then , what if magkita sila in REAL WORLD? Makilala kaya nila ang isa'...