Chapter 11

11 1 0
                                    

Chapter 10:

"Dapat siguro ayusin ko pa yang blush on mo ghurl.Ay pak! Yun nga dapat.Hayh ang ganda ganda mo talagang bata.Alam mo pwede kang sumali sa mga pageant.Tingnan mo ohhh you're so gorgeous! Magkamukha na tayo" - sabi ng  make up artist na kinuha ni ate para mag make up sakin. 'Magkamukha daw kami?'

Di  nalang ako sumasagot at hinayaan nalang siyang mangarap. Joke.

Time check It's 6:00 pm.

7 ang start ng ball pero siguro pupunta ako dun ng  mga 7:00  para makarating ako dun ng 7: 15 . 15 minutes kasi ang biyahe papuntang venue.
Sinabi naman ni Rie na dadaanan niya ako dito sa bahay para daw may saskyan ako.

Sobrang excited na akong makita sila Rie at khiezzer pati ang iba pa.Finally,lahat ng Rp'iers ay magmemeet na in Real world.

"Yan! Tapos na! Now ,you're so perfect."

Tumingin naman ako sa salamin kung ano ang resulta.Mukhang magaling nga itong si kuy -- ay este ate Bella.

Napakasimple lang ang make up ko tulad ng sabi ko sa kaniya.Gusto ko kasing magmatch ang make up ko sa gown ko.Nilagyan niya lang ako ng red color lispstick then nilagyan ako ng kung ano ano.

Nagbihis na agad ako kasi nagpamake up muna ako bago isuot ang gown.Then isinuot ko narin ang pair ng silver sandals ko na 4 inches ,may mga ornaments din ito na nagmatch sa nakalagay sa gown ko.Then may mga lock ito hanggang 4 inches below the knee.Nakatulong din ang hati ng gown sa bandang right side ng legs ko para magkaroon ng exposure ang sandals ko.

Tapos naring plantsahin ang buhok dahilan para magmukha akong bagong rebond.Kahit sa buhok simple lang din ang design.Naglagay lang si Ate Bella ng hati paslant sa gitna then inipit sa tenga ko ang mga buhok na pwedeng humarang sa mukha ko.I think,nakita ko na ang ganitong ayos sa port kong si Baifern.Marami syang kung ano anong nilagay sa buhok ko.And luckily,maganda ang naging resulta.Isinuot ko narin ang earrings ko na silver din sinadya naming bilhin ang earrings na kagaya ng ornaments  na nasa gown ko para magcompliment sila sa isat isa.

Sa wakas natapos din ang pagaayos ko.

Time check, 7:00 pm

Nasa sala na ako ngayon ng bahay  at hinihintay nalang si Rie.Isang silver purse lang ang dala ko para may lalagyan ako ng phone then yung ticket na  magsisilbing proof na isa akong RP.Dun nakalagay ang port ko pati ang name na gamit ko sa RP.

Mayamaya may narinig na akong bumusina.Malamang sila Rie na yun.Lalabas na sana ako ng mag salita si ate.

''Wait Aki....take this" - napalingon naman ako sa kaniya at napatingin sa sa silver necklace na hawak niya

Nitingnan ko ito ang maigi at tila kumikinang ito sa tuwing tinitingnan ko.Sobrang ganda nito.Mukha itong mamahalin at talagang mabusisi ang paggawa na halos bawat detalye eh pinagisipan.

"Wow..ang ganda nito ate.Pwede kong gamitin?" -tanong ko naman sa kaniya na parang naiexcite.

"Yes,of course.Bigay sakin yan ni mama nung 18th birthday ko kaya ingatan mo." -bilin ni ate tsaka pumunta sa may likuran ko para isuot ang kwentas.

"You look great .Mana  ka kay ate. Magenjoy ka ha?" - si ate tsaka yinakap ako

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Thank  you ate. "

"Ohh wait picture muna tayo. Ayokong mamiss ang araw na 'to kaya kailangang may picture. Ganda ganda ng kapatid ko ehh "

My Ex in RPW , My Boyfriend in RWWhere stories live. Discover now