"Haysss nakakapagod naman yun ateee.. Gusto ko na magpahinga'' - reklamo ko kay ate habang hawak hawak ang mga damit at gamit na pinamili namin kanina.
Nandito kami ngayon sa labas ng mall naghihintay na kami ng taxi na masasakyan namin. Linggo ngayon kaya walang pasok si ate kaya naman sinamantala na namin para makapamili ng mga kakailanganin namin.
"Ohh ayan na pala ang taxi eh" - si ate habang nakatingin sa taxing paparating
'Salamat naman dumating kana kuyang driver' Pagod na pagod na talaga ako. Grabee ang hirap maglakad tapos andami pa nitong dala namin. Bukod kasi sa mga binili naming gamit eh bumili narin kami ng stock sa bahay.
Di na ako nagsayang ng panahon at sumakay agad sa sasakyan.
Tahimik lang kami ni ate buong byahe. Siguro napagod din sya.
Pagkarating at pagkarating namin ng bahay inilapag ko agad ang mga napamili namin liban sa mga gamit ko tsaka umakyat na sa kwarto ko.
Sobrang nakakapagod talaga. Parang gusto kong matulog.Inilapag ko ang mga gamit ko at agad na humilata sa kama tsaka pumikit.
'Seriously? Ganito kapagod mamili dito? 'Agad naman akong dumilat ng marinig kong tumunog ng sunod sunod ang messenger ko.
Bumangon naman ako para kunin ang phone na nasa loob ng shoulder bag na dala dala ko kanina.
"Helloooo ate Mediline! "
"May goodnews ako sayoooo! "
"Yiieeeee''
Napakunot nalang ang noo ko sa nabasa ko. Kahit kailan talaga makulit tong si Rie.
"Uhmm.. Hello din Rie"
"HAHHAHA ano ba yun? " - reply ko sa kaniya. Total nacucurious din naman ako.
Naghintay pa ako ng ilang segundo bago sya nagreply.
"Ateeeee Medyyyyy! Yieeeeeee"
'Seriously sa babaing toh? 'Bat di niya nalang kasi ako diretsuhin.
" eh? "
"Ano ba kasi yun beee?Para kang baliw. "
"Kinikilig ka nuh?nagchat si ano sayo? "
Halos kapatid na ang turing ko sa kaniya kaya ganito kami magusap. Marami kaming kinikwento sa isat isa tungkol sa mga bagay bagay sa buhay namin isa na dun ang lablayp.
"Nope atee.. Not him. "
Mas lalo namang kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Akala ko ba loyal ka sa krass mong yun? "
"Ay hala, nangangaliwa kana Rie ahhh. "
"Bad yan uy! "- sunod sunod kong reply sa kaniya.
"Eh kasi ateee... ''
Pasuspense pa.
"Ano ate ehh.. "
Naiinis na ako.
"Uhmm si ano.. "
Babatukan ko na 'toh.
"Kasi ano... "
Pigilan nyo 'ko.
"Mahal ka pa ni kuya Ken Yieeeeeeee kinikilig ako sa inyo! "
"Yiieeeee ateeeee!
"Comeback na yan! Comeback! Comeback! Comeback! "
For sure kung kasama ko 'toh nabingi na ako. Ang ingay eh.
Naghintay muna ako ng ilang minuto. Di parin nagsisink in sa utak ko ang sinabi niya.
'Sino? Ano daw? K -kenzo? 'Naguguluhan kung tanong sa isip ko.
Mayamaya nagring ang phone ko. Tumatawag si Rie. Parang natatakot akong sagutin. Ang ingay pa naman netoo. Dahil kawawa naman, sinagot ko nalang. 'Di pa talaga nakuntento sa chat gusto pa talagang magVC'
"Ateee! Nagchat sakin si kuyaaaa! " - hayhhh sabi na ehh.
Di ba sya makapagsalita ng mahinahon? Kailangan pasigaw talaga?
Nahalata nya namang wala akong kibo kaya nagsalita ulit sya.
"Gusto ka daw niya kausapin ate. Gusto niya daw magexplain about sa nangyari. Kaso nahihiya daw sya sayo baka daw di mo sya kausapin. Tsaka sabi niya... mahal ka padin niya at wala daw nagbago dun. "
Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya pero hindi ko alam kung naiintindihan ko. Parang may kung ano na namang masakit sa puso ko.
"Are you okay ate? A-ahh e -ehhh.. I'm sorry ate.. Shut up na po ako. "
Mukha naman syang nalungkot kaya nginitian ko.
"It's okay be. I'm fine. " -tipid kong sagot.
Napangiti naman sya sa sinabi ko.
"Nga pala ate, bakit parang iba ang kwarto mo ngayon? San ka ba ngayon?"- pagiiba nya ng usapan
Tumingin tingin naman ako sa kwarto ko. Di ko pa nga nasasabi sa kanila na lumipat na kami.
"Nandito ako ngayon sa Manila, Rie. Dito na kami titira simula ngayon. " - sagot ko sa kaniya tsaka muling ngumiti.
"Whatt? Seriously ateee? Ibig sabihin pwede na tayo magkita in RW?Yiiee finallyy! "- patalon talon niya pang sabi.
YOU ARE READING
My Ex in RPW , My Boyfriend in RW
FanficIf you are a RP'ier , for sure makakarelate ka sa story. Well, this is the story of two RP'iers na nainlove sa isa't isa then as laging nangyayari sa relationship, they broke up. Then , what if magkita sila in REAL WORLD? Makilala kaya nila ang isa'...