Aki 's POV
" Aki ! Aki ! Nandito na tayo. Gising na malapit na tayong bumaba. "
Agad naman akong napadilat nang marinig ang boses ni ate. Tama nga siya tumigil na ang bus. Mahaba ang byahe namin at talagang nakakapagod ito kaya naman napasarap ang tulog ko.
Inayos na namin ang mga gamit namin at naghanda na sa pagbaba ng bus.
'Hayyhh finally, dito na ako titira! ' - masayang sabi ko sa isip ko pagkaalis at pagkaalis ng bus.Kahit noon pa gusto ko ng sumama kay ate para dito magaral. Feeling ko kasi kailangan kong magsimula ng bagong buhay.
'Luh para naman akong kriminal nun na gustong magbagong buhay pagkatapos makulong ng ilang taon. '
Hayss kinakausap ko ba sarili ko? Pero for sure alam nyo rin yung pakiramdam na parang gusto niyong magstart ulit ng bagong buhay. Sobrang dami kasing masakit na nangyari. Isa na dun ang pagkamatay ni mama.
Dito sa Manila nagtatrabaho si ate bilang accountant. Kami naman ni mama ang naiwan sa probinsya. Dalawa lang kaming magpagkapatid ni ate, si papa naman nangibambahay na. Kaya ngayong wala na si mama isinama niya ako dito sa Manila para dito nalang mag aral.
Ilang araw palang ang nakalilipas mula nung mawala si mama. Sobrang hirap pala talaga ng walang magulang na mag aalaga sayo. Namimiss ko kung paano ako bungangaan ni mama. Kung pano niya patuyuin ang buhok ko gamit ang tuwalya. Kung pano kami nung buhay pa siya.
Tumulo na naman ang luha ko ng di namamalayan. Namimiss ko si mama.
"Aki! "
"Aki! "
"A-ahh?? " - nagulat naman ako ng tawagin ako ni ate
"Anong ginagawa mo? Kanina pa kaya kita tinatawag. "
Di ko na sya sinagot at nauna na sa paglakad. Di ko alam ang daan at kung saan kami pupunta pero nauna parin ako sa paglalakad. Ayokong makita ni ate na nalulungkot ako dahil alam kong malulungkot din siya.
Alam kong nilalakasan niya lang ang loob niya para sakin dahil alam niyang siya nalang ang inaasahan ko.
"Akii, dito yung daan! Eh yan kasi una una ng lakad HAHAHAHA. "
Pinunasan ko muna ang luha ko bago ko siya lingunin tsaka kunwaring natatawa.
Tumatawa din si ate perooo...
Pero... malungkot ang mga mata niya.-----------*
"Ohh nagustuhan mo ba 'tong kwarto mo? " - masayang tanong sakin ni ate ng buksan niya ang isang kwarto.
Inilibot ko muna ang mata ko sa loob ng kwarto.
Katamtaman lang ang laki nito at tingin ko'y tamang tama sakin. Puti ang kabuuang kulay nito na may kasamang grey. Grey din ang malaking kurtina na nakalagay sa bintana. Mayroon din itong isang kama na puti ang bedsheet at Grey na unan. Meron din itong study table sa kaliwang bahagi ng kama at mini table sa kanang bahagi nito. Nilibot ko ang tingin ko sa loob. Meron din pala itong malaking closet. Kahit simple lang ang deisgn at kulay niya sobrang napakapeaceful niyang tingnan.Ibinaling ko na ang tingin ko kay ate na halatang naghihintay ng sagot ko.
"Oo naman ate.. " -sagot ko at tsaka yinakap siya
Alam ko na ito yung bahay na ipinundar ni ate para saming tatlo nina mama. Balak sana naming dito na talaga kami tumira after nitong bakasyon pero di na 'to nahintay ni mama.
Mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko kay ate. Sobrang nalukungkot ako para sa aming dalawa. Sobrang namimiss ko na si mama.
"Ate.... " - ako habang nakayakap parin sa kaniya
"Hmmm? ".
"Thank you ate. Alam ko na nalulungkot karin at namimiss mo rin si mama pero kinakaya mo para sakin" - this time, tumulo na naman ang luha sa mga mata ko.
"Sus, ano kaba? Eh kaya naman talaga natin diba? Sino bang nagsabing hindi? Babatukan ko. "
Halata namang pinipigilang umiyak ni ate. Alam kong mas masakit yun sa kaniya kasi wala siya sa bahay nung mga panahong buhay pa si maam. Di man lang siya nakapagpaalam.
I'd never imagine kung paano mabuhay ng wala sa tabi namin si mama.
Never pumasok sa isip namin na darating ang araw na ito pero nangyari na.Yun na siguro ang pinakamasakit sa lahat..............
ang mawalan ng ina.
----------*
"Akii! "
"Aki, bangon na dyan kakain na tayo. "
"Anong oras na ohhh"
Chapter 1: New Home (Continuation)
Nagising naman ako sa sobrang lakas ng pagkatok ni ate.
'Parang baliw lang? Eh may susi naman siya eh' Bumangon nalang ako at binuksan ang pinto para matapos na ang kaguluhang ito.
"Hayhh salamat naman Aki at nagising kana. Bilisan mo, magayos kana ng sarili mo at bumaba kana para makakain na tayo. ''
Pagkasabing pagkasabi nun umalis kaagad si ate.
Di parin nagbabago si ate. Ayaw na ayaw niya parin na di kami sabay kumain. Hayss, nakakamiss tuloy.
Bago pa ako tuluyang maiyak pumasok na ako sa C.R. na nasa loob din ng kwarto at naligo na. Nagbihis narin ako tsaka agad na bumaba sa kusina.
Ngayon ko lang napansin na malaki din pala itong bahay para saming dalawa lang ni ate. Pero di naman sya nakakatakot kasi napaka peaceful ng paligid. Medyo may malaki din ang kusina na halatang kumpleto sa gamit. Kung nandito si mama siguradong matutuwa yun. Hilig niya kasing magluto.
"Ohh ano Aki? Malelate na ako sa trabaho. Di pa ba tayo kakain? "
Napatingin naman ako sa nagsalitang si ate. Mukhang naiinis na siya lalo't ayaw na ayaw niyang nalelate siya sa trabaho.
Pagkatapos naming kumain nagpaalam na siya sakin at binilinan ng kung ano ano. Napagusapan na namin 'to nung dun palang kami sa probinsya na ako lang magisa sa bahay kapag may pasok sya sa trabaho. Alangan namang sumama ako diba!?
' No Choice' sabi ko sa isip ko tsaka napabuntong hininga
"Akii, hintayin mo ako ha? Aagahan kong umuwi para naman may kasama ka dito. Babye na! "-paalam niya tsaka sumakay na sa taxi
Hinatid ko siya sa gate kaya dito ako ngayon sa labas ng bahay. Tumingin tingin muna ako sa paligid para mafamiliarized ko ang lugar.
Halos magkakadikit pala ang bahay dito. Napabuntong hininga nalang ako ng marealized na dito na nga talaga ako titira.
Lumabas ako ng bahagya sa mag gate at mas pinagmasdan pa ang paligid maging ang mga taong dumadaan sa kalsada.Mukha itong isang malaking subdivision.
'Meron din pala ditong mini court' isip ko ng may makita akong mga teenagers na naglalaro ng basketball.Marami ding nanunuod na mga may edad na. Nakakatuwa naman sila mukhang masaya sila rito ah.Papasok na sana ako sa loob ng may mahagip ang paningin ko na pamilyar na mukha. 'Do I know him? 'Wait, parang kilala ko siya. '
Tiningnan ko siya ng maigi pero wala talaga akong idea kung sino sya.'Hayss nevermind Aki'
Pumasok nalang ako ng tuluyan sa bahay para maglibot libot doon. Pero may parte sa akin na kilalang kilala sya pero tingin ko naman hindi. Malamang eh kakarating ko nga lang dito eh. Paano ko naman makikilaa yung lalaking yun? Haysss.
---------****Hey guys! Hope you enjoy my story and I'm so sorry sa mga grammars HAHAHAHHA .Nasa makarelate kayo and of course if you do please leave any message, comments or suggestions ,promise maaappreciate ko❤
YOU ARE READING
My Ex in RPW , My Boyfriend in RW
FanficIf you are a RP'ier , for sure makakarelate ka sa story. Well, this is the story of two RP'iers na nainlove sa isa't isa then as laging nangyayari sa relationship, they broke up. Then , what if magkita sila in REAL WORLD? Makilala kaya nila ang isa'...