Chapter 7

40 5 1
                                    

Chapter 7

ONE WEEK HAVE PASSED nang nangyari about sa amin ni Gemmel at ang pagpapa-amin ko kay Hailey. Kahit na gano'n ay hindi pa rin natitinag ang pagkakaibigan namin. We're still inseparable and our friendship becomes stronger than before. And Gemmel? Who would not fall for his charms? From his height and well-built body, his pinkish heart shape lips, pointed nose, round brown eyes, long eyelashes and thick eyebrows. Match with his tan skin.

Sino ang hindi mahuhumaling sa lalaking 'yon? Tanga na lang ang hindi. At isa na ako ro'n. He's every girls dream in our school and in some other schools also. Every girl wants his attention but he can't give them what they want because of me. Gemmel Brettman. Ang lalaking sinayang ko sa pagkakataong mahal niya ako. Ang lalaking nagparamdam sa akin ng saya at sakit. Pero totoo ba ang mga sinasabi nila tungkol sa'yo?

"Nawawala ka na naman, Vale," napakurap-kurap ako at napatingin kay Hailey na nakaupo sa kanan ko nang marinig ang boses nito.

"Ano 'yon, Hai? Sorry..." Hinging paumanhin ko at binalik ang tingin sa loob ng court kung saan may naglalaro sa gitna.

Gano'n na ba kalalim ang iniisip ko para 'di ko namamalayan ang pagtatanong sa akin ni Hailey? Hindi ko rin naman kasi mapigilang hindi maisip si Gemmel kahit na sinaktan niya rin ang puso ko.

Nandito kami ngayon sa gymnasium ng school namin kung saan ginawang venue para sa volleyball league na kasali rin kami. Nanonood kami ngayon ng laro na kung saan ay kung sino ang mananalo ay makakalaban namin.

"Ang sabi ko, may bagong player 'yong St. Joseph School," kunot noong bumaling ako sa kanya dahil sa malalim na buntong hininga na pinakawalan niya. "I think mahihirapan tayong matalo sila kahit na tayo ang defending champion. Look at her, Val. She's so good at offense but bad in defense department."

I smirked at her kahit na hindi niya nakita dahil tutok na tutok ito sa panood sa harap namin. Binalik ko ang tingin ko sa loob ng court at timing namang nasa kanila ang bola. Sinet ng setter ang bola sa bagong player. Nakita ko ang mabilis nitong pag-atras at ang ganda nang pagkaka-approach niya para mapalo ang bola papunta sa kabilang team. Tamang-tama lang ang pagtalon niya para mapalo ang bola. Instead na paluin niya ito nang malakas ay inihulog niya ito sa likod ng blocker kung saan walang nakabantay. And the point goes to her team. Napangiti ako ng palihim. She's smart, huh? Well, let's see her moves when we will face each other in the court kung mauutakan niya ako.

"See, Val? Ang galing at ang talino niya sa loob ng court." Walang gana at nanghihinang saad ni Hailey.

Nakita ko sa gilid ng mata ko nang tumingin ito sa akin na may pagtataka at nakakunot ang noo nang tumawa ako nang mahina.

"I'm hurt, Hailey," hinawakan ko ang kanan kong dibdib na kung saan ang puso ko at nagkunwaring nasasaktan. "Wala ka ng tiwala sa team... sa akin," pabiro kong pinahid ang gilid ng mata ko na akala mo ay may tumulong luha. "Gano'n na ba siya kagaling para sa'yo na i-u-underestimate mo ang team na'tin?" Kunwari akong napahikbi at natawa rin ng bigla niya akong hampasin sa braso.

"Gaga ka talaga, Val. Syempre meron akong tiwala sa team, lalo na sa'yo," umayos ako nang pagkaka-upo at nakangising tumingin sa kanya. "I was just fascinated by how she played. Lalo na sa pagiging mautak niya sa loob ng court. That's a rare player to find these days. I wonder, saan siya galing?"

"Ewan ko. Baka sa Mars?" Sabay kaming natawa dahil sa sagot ko sa tanong niya. "Me too. I was fascinated pero hindi 'yon matataasan o malalampasan ang capability ko sa loob ng court," kibit balikat kong ani at nanood na lang ulit ng laro.

"Yeah. Yeah. Hambog mo talaga." Sarkastiko nitong ani kaya mas lumapad ang ngisi ko. "But you two are opposite inside the court, Val. You know what I mean."

Farewell √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon