Chapter 17

28 3 0
                                    

Chapter 17

MAGKAHAWAK KAMAY kaming pumasok sa restaurant ng resort nila. Ang lapad ng ngiti ng loko dahil maagang nakascore. Napa-irap ako sa kanya ng ngumisi ito sa akin bago itulak ang glass door ng restaurant para makapasok na kami. Sa hindi kalayuan, nakita namin ang mga magulang namin na nakaupo sa malaking pabilog na mesa at masayang nakukwentuhan na parang walang nangyari noong hiwalayan sa amin ni Jatch.

Ngumiti ako kay Ate Kalla nang kumaway ito sa direksiyon namin ni Jatch dahilan nang paglingon ng mga kasama niya. Napayuko ako dahil sa hiya ng makita ang gulat at nagtatakang mga tingin ng mga magulang namin sa amin ni Jatch lalo na ng bumaba ang mgatingin nila sa magkahawak na kamay namin.

Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Jatch nang hilahin niya ako papalapit sa mesa kung saan kami kakain ng breakfast.

"Ate Vale! Ate! Good morning!" rinig ko ang masiglang tinig at bati ni Jada sa akin ng medyo malapit na kami sa kinaroroonan nila.

Napatingin ako sa kanya at ngumiti habang tumalon naman ito sa pagkaka-upo at tumakbo papunta sa akin. Narinig ko ang pagtawag ni Tita Janna sa bunsong anak dahil baka madapa ito sa pagtakbo. Ang lusog pa naman niya kaya baka madapa nga siya kapag 'di siya nag-ingat.

Nang makalapit sa akin ay agad itong nagpakarga kaya nabitawan ko ang nakahawak kong kamay sa kamay ni Jatch at kinarga ang makulit at malusog na kapatid ng loko na nagpangiti sa akin dahil sa kacute-an nito.

"You're heavy na ah. Madami ka bang kinakain?" napahinto ako sa paglakad at hinawi ang mga buhok nitong tumatabon sa chubby nitong mukha at inilagay sa likod ng tainga niya.

"Yes, ate! I always eat vegetables dahil sabi mo healthy iyon 'di ba?" nakangiti nitong balik tanong sa akin.

"Yes, baby. You need those vegetables dahil madaming vitamins iyon. And also, you should drink 4 to 8 glasses of water every day." I felt an arm snake around my waist at hindi ako nagprotesta dahil alam ko naman kung sino ito. Just the warm and gentle of his touch, I know it's Jatch.

Hinapit niya ako palapit sa kanya at iginaya papunta sa lamesa ng mga magulang namin habang nakikipag-usap, nakikipagtawanan at nakikipagkulitan pa rin ako sa kapatid niyang karga-karga ko at hindi inalintana ang bigat nito.

"Did you sleep well last night, ate?" Hindi talaga mauubusan ng tanong ang batang ito.

"I did. And did you sleep well too?" Natatawa kong balik tanong sa kanya at pinisil ang pisngi nito dahilan ng paghaba ng nguso niya na ikinatawa ko.

Magsasalita pa sana ito ng tumigil kami sa paglalakad kaya napatingin ako sa harap at nakita ang mga mukha nilang namamangha dahil sa nakikita. Napakunot noo at nagtataka ko namang tinignan sila at nilingon si Jatch. Malapad ang ngisi ngayon ng loko kaya inirapan ko ito na ikinailing niya na lang.

"Jada, bumaba ka na kay Ate Vale mo. Nabibigatan si ate mo Vale sa'yo," ani Tita Janna kaya agad namang nagpababa si Jada sa akin kahit okay lang naman sa akin na kargahin siya.

"Sorry, ate. Next time, hindi na ako magpapabuhat sa'yo," humagikhik ito at naglakad na papunta sa kinauupuan nito kanina sa gitna ni Tita Janna at Tito Calpen.

Ngumiti lang ako sa kanila at naglakad na papunta sa upuang bakante habang nasa bewang ko pa rin ang isang braso ni Jatch. Pinaghila niya naman ako ng upuan at naupo ako sa gilid ni mommy habang nasa kabila ko naman si Jatch. Katabi nito si Ate Kalla habang nasa tabi naman ni ate si Kuya Joul. Katabi naman ni kuya si Tito Calpen. Katabi rin ni mommy si daddy at katabi ni daddy si Tita Janna.

Hindi gano'n ka laking pabilog na mesa kami nakaupo na puno na ng pagkain. Kami na lang siguro ang hinihintay nila para makapagsimula na. I greeted them good morning and so they are to me with a happy smile in their faces.

Farewell √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon