Chapter 2
NATAPOS ANG LARO at hindi naman nalalayo ang score ng kalaban. 103-95. Panalo ang school namin at dahil 'yon kay Gemmel. Sobrang lakas nang hiyawan ng mga tao sa loob ng gym nang marinig ang buzzer na nagpapahiwatig na tapos na ang laro. Para akong mabibingi dahil sa palakpakan at sa lakas nang sigaw ng mga tao lalo na ng mga kababaihan.
Nakita naming nakikipagkamayan ang mga player ng school namin sa mga player ng kalabang school. Pero hindi nakaligtas sa aking paningin ang pagngiwi ni Gemmel ng 'yong Caniel na 'yong nakipagkamay sa kanya. Para nitong pinisa ng todo ang kamay ni Gemmel kaya masama ko itong tiningnan.
Matapos nilang makipagkamayan ay tinawag sila ng coach nila para siguro magmeeting para sa susunod nilang game. Hinatid ko siya ng tingin habang nakangiti at nang lumingon ito sa kinaroroonan ko ay kumaway at ngumiti rin siya sa akin.
Tumayo ako sa pagkakaupo at kinuha ang bag sa gilid ko nang maramdaman ko ang paghila ni Hailey ng braso ko. Kunot noo ko itong tinignan dahil sa inis nang mapatigil ako dahil sa taong nasa harapan ko. Tinaasan ko ito ng kilay na dahilan nang pagngisi nito.
Isinukbit ko ang bag ko sa kanang balikat ko at aalis na sana nang magsalita siya na dahilan nang paghinto ko sa paghakbang.
"Why so rude?" Rinig ko ang baritono nitong boses na nagpataas ng balahibo ko sa leeg. Kahit na medyo naiirita, I face him and smiled fakely at him.
"May I help you, Mister?" I ask him as politely as I can be kahit na sobra na akong naiirita.
"May I know your name, Ms. pretty?" Matamis itong ngumiti sa akin na dahilan nang pagwala ng kanyang mga mata at ang paglabas ng magkabila niyang dimples. "I just want to know your name, miss."
"Why?" Hindi ko pa rin inaalis ang peke kong ngiti sa kanya at pinipigilan ang sariling hindi ito talikuran. "I don't just say my name in some stranger's, you know," pinagkrus ko ang mga braso ko sa harap ng dibdib ko.
Napakamot pa ito sa batok niya na dahilan para tumili si Hailey sa gilid ko. Narinig ko rin ang tili ng ilan pang mga estudyanteng babae sa iba't-ibang direksyon. Napataas ako ng kilay dahil doon. What's with him, anyway? I admit that he looks handsome and all but I don't care.
"Jatch Caniel..." May nahihiya itong ngiti sa mga labi at nilahad ang kamay sa harap ko. "And you are?"
Napabuntong hininga muna ako bago tinanggap ang kamay niyang nakalahad sa harap ko at nagsalita. "Vale Samson," tipid kong pagpapakilala and we shake hands.
Kukunin ko na sana ang kamay ko nang higpitan nito ang pagkakakapit. "Pwede ko na bang makuha ang kamay ko?" Mahinahon kong tanong sa kanya. I don't want to cause a commotion here. Baka paggising ko at pagpasok sa school ay maging head line ako ng chismis dahil sa lalaking kaharap ko ngayon.
"I'm still enjoying the warm of your hand. Baka kasi hindi ko na makapitan pa." I'm starting to hate his smile. It makes me uncomfortable. "And besides, you make my heart flutter and I can feel an electric shocks when our skin intimately touched each other," inirapan ko ito at hinablot ang kamay ko. Wala na akong pakialam kung naging bastos na ako dahil nauubos na ang pasensya ko.
"Hindi mo ko madadala sa mga ganyang banat mo, Mr. Caniel." Nilagay ko ang kamay kong hinawakan niya sa bewang ko habang ang isang kamay ko naman ay isinuklay ko sa mahaba kong buhok. "And please, don't look at me like that. Para kang asong ulol." Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at nagmartsa na ako papaalis sa harapan niya habang nakaawang pa ang labi niya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"You're so mean, Val. Nakikipagkilala lang naman 'yong tao sa'yo," narinig kong saad ni Hailey sa likod ko. Hindi ko alam na sumunod pala ito sa akin. "You should have been a little nice to him."
BINABASA MO ANG
Farewell √
Novela JuvenilCOMPLETED! √ Vale Samson, a girl who just wanted to protect her heart from the pain that love can cause her. A girl who wants to feel loved for the third time but again, failed. She knew that her heart belongs to someone who she can't call hers. T...