SPECIAL CHAPTER: The Past (Part 2)

45 1 0
                                    

SPECIAL CHAPTER: The Past (Part 2)

IT'S BEEN A YEAR since that life and death situation of mine. Isang taon na rin ang nakalilipas mula noong huli ko siyang makita. Isang taon na rin ang lumipas ng tuluyan na akong gumaling sa isang sakit na akala ko ay hindi na ako bubuhayin pa.

Six months, half of the year, we spend our time in abroad bago namin napagpasyahang umuwi na. After that, half of school year in my seventh grade I spent my days with online class dahil nahihiya ako sa kadahilanang hindi pa humahaba ang buhok ko mula sa pagiging kalbo noong nagpapatherapy pa ako.

And now, I am, again, confident to go out with my friends like I wasn't been in an illness. Bumalik na rin ako sa academy kung saan ako nag-aaral mula noong kinder pa ako. I am now in my eighth grade.

"Vale!" Napahinto ako sa paglalakad at napalingon sa taong tumawag sa pangalan ko at napangiti ng makilala kung sino ito. "I missed you!"

Medyo napaatras pa ako sa gulat at pagkabigla sa pagyakap nito sa akin kaya natatawa kong tinapik ang likod nito dahil hindi na ako makahinga dahil sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya.

"Can't breathe..." agad naman itong kumalas mula sa pagkakayakap sa akin at nagpeace sign. "I missed you too, Hailey."

"Talaga bang ayos na ang kalagayan mo?" May pag-aalala na nitong tanong sa akin habang nagsimula na ulit kaming maglakad papunta sa classroom namin. "Pwede namang huwag ka na munang pumasok sa team kung 'di mo pa kaya. Kakausapin ko si coach para sa'yo."

"I'm fine. I assure you," nakangiti kong wika at bahagya siyang nilingon. "I missed playing, okay? Isang taon din akong nakabed rest kaya ayos na ako."

"Eh? Ba't kasi nangyari sa'yo 'yon? Hindi ka naman stress noong elementary tayo na isa rin sa reason kung paano nakukuha 'yang mga cancer na 'yan."

"Hindi nga. Pero siguro nasa dugo namin?" Patanong kong balik saad sa kanya saka nagkibit balikat na lang. "Namatay din kasi si Tita sa side ni papa noon at pareho kami ng sakit. 'Yon nga lang, chronic 'yong sa kanya at malignant lang sa akin kaya naagapan pa."

She opens the door for us to enter our room. Nauna akong pumasok at hinintay siyang isara muna ang pinto bago nagpatuloy sa paglalakad at humanap ng magandang puwesto para sa amin. I saw two vacant seats near the window and I walk in that direction to sit in.

"Hereditary, you say?" Tumango ako sa naging tanong niya. "At ngayong nacure na ang sakit mo, hindi na siya babalik pa?"

I purse my lips as I heard her last question. Hindi na siya babalik pa? Hindi na nga ba? Baka nakahanap na siya ng bago sa kung nasaan man siya ngayon. Aasa pa ba ako? It's been a year at ni isang hi o hello ay wala akong natanggap mula sa kanya.

"Earth to Vale!"

"Huh?" umiling ako para iwaksi ang mga nasa isip. "Say that again?"

"Hindi na ba babalik ang sakit mo ngayong nagamot na ito?"

"May possibility pero maliit na percentage na lang sabi ng doctor sa U.S." inayos ko muna ang gamit ko at isinandal ang likod sa sandalan ng upuan. "Kaya iwas stress ako ngayon at sa mga bagay na magt-trigger na bumalik siya."

"Let's just hope that it won't come back..."

Lihim na lang akong napabuntong hininga sa naisip na naman dahil sa sinabi niya. He won't really come back for me, right? Kasi hindi naman niya ako iiwan ng walang paalam kung babalik lang naman siya.

"KUYA HANE'S gonna throw a party next week. You in?"

"I'll try. Baka 'di ako payagan ni dad dahil alam mo na..." Buntong hininga kong sagot sa tanong niya. "Hindi kasi ako marunong magcommute at hindi rin ako pinapayagan."

Farewell √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon