Chapter 4
TUMATAWA KAMING NAGLALAKAD ni Hailey sa hallway papuntang gym ng school habang nagku-kuwentuhan ng may biglang sumulpot sa harapan namin na dahilan nang paghinto namin sa paglalakad. Base on his features, he's a grade 7 student. A freshman in this Academy. Ngumiti ako sa kanya na may pagtataka sa aking mga mata.
"May kailangan ka?" Malumanay at may tipid na ngiti kong tanong sa kanya.
Ngumiti muna ito bago nagsalita. "May nagpapabigay po sa'yo," sabay bigay sa akin ng isang kulay pulang rosas na ikinakunot ng noo ko.
Magsasalita at magtatanong na ulit sana ako kung kanino galing ang binigay niya nang tumakbo agad ito papalayo sa amin. Tinignan ko si Hailey para sana magtanong kung may alam siya pero tahimik lang ito sa gilid ko. Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Ramdam ko naman ang pagsunod ni Hailey sa akin na tahimik pa rin.
Habang palapit kami nang palapit sa gym ay mas lalong kumunot ang noo ko at nagtataka dahil sa bawat pagdaan ko sa mga estudyanteng nasa gilid ko ay ngumingiti sila sa akin at binibigyan nila ako ng tig-iisang pula, puti o pink na rosas. At kapag hahambang magtatanong ako ay agad naman silang lumalakad o tumatakbo papalayo sa akin.
Nang makarating na sa gym ng school ay lumingon ako para sana tanungin si Hailey kung didiretso ba kami sa loob o pupunta na lang sa locker para makapaghanda na pero hindi ko na ito nakita sa likod ko na ikinataka ko pa lalo.
"Saan kaya siya nagpunta?" Mahinang tanong ko sa sarili ko at bumuntong hininga ng wala akong makuha sa sarili kong tanong.
Akmang aabutin ko na sana ang pinto ng gym nang mapairap ako dahil sa hindi ko magawa dahil puno ng rosas ang mga kamay ko. I groaned in annoyance. Ilang minuto kong sinubukan buksan at malalim na napabuntong hininga ulit ng sa wakas ay tuluyan ko na itong nabuksan.
Nagtaka ako dahil sa pagbukas ko ay sobrang dilim ang bumungad sa akin pagkapasok ko. Saan na sila? Akala ko ba may training kami? Bakit wala sila rito? Nilibot ko ang tingin ko sa madilim na paligid at napatigil sa tunog na narinig.
May tao rito sa loob at nags-strum ito ng gitara. Sa una, hindi ko mawari kung saan siya nakapuwesto dahil nage-echo sa buong gym ang pagtutog niya ng gitara. Pinakinggan ko ng mabuti ang tono at napangiti ng malaman kung ano ang ipinapatugtog niya. Napapikit ako at dinama ang magandang ritmo ng musika na nagpapakalma sa akin. One of my favorite songs. Destiny by Jim Brickman.
Napaayos ako nang tayo at natuod sa aking kinaroroonan nang makarinig ng malamig na boses na nagsisimula ng kanta. Boses na kahit na sinong makakarinig ay mapapahinto sa kanyang ginagawa. And I know whose voice it is. The voice of the man who makes me happy and feels contented.
"What if I never knew
What if I never found you
I'd never have this feeling in my heart,"
Ang sarap sa pakiramdam ng kanyang pagkanta. Unti-unti na ring nare-relax ang katawan ko dahil sa pagkanta niya. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ito. Hindi naman siya 'yong tipo ng tao na kakanta sa isang lugar lalo na kapag public ito. He preferred to sing in private than public dahil nahihiya raw itong iparinig ang boses niya na maganda naman.
"How did this come to be
I don't know how you found me
But from the moment I saw you
Deep inside my heart I knew..."
Ramdam ko ang bawat emosyon sa tono ng mga lirikong lumalabas sa kanyang bibig. At hindi ko mapigilang hindi mariing ipikit ang mga mata at mas damhin ang kanyang pagkanta.
BINABASA MO ANG
Farewell √
Roman pour AdolescentsCOMPLETED! √ Vale Samson, a girl who just wanted to protect her heart from the pain that love can cause her. A girl who wants to feel loved for the third time but again, failed. She knew that her heart belongs to someone who she can't call hers. T...