Chapter 20

33 2 0
                                    

Chapter 20

NAKANGITI AKO habang lulan ng sasakyan namin. Our one week vacation was over and we're going home now. Napapakagat labi na lang ako habang nagp-play sa utak ko ang mga nangyari noong ikatlong gabi ko sa resort nila Jatch. It was so ideal and too good to be true and I feel like I was really dreaming until now.

"Shall we eat, baby?" tumango lang ako sa tanong niya at nagsimula ng kumain. I can't say a word. He's a man full of surprises and this is one of those.

Natapos ang pagkain namin ng dinner na may mga ngiting nakapaskil sa aming mga labi dahil sa labis na tuwa at saya. I hope this day won't end. But I know deep inside of me, everything has an end, even my life.

Lihim akong napangiti ng mapait dahil sa naisip. I shouldn't mess this night, the night where he prepared everything to make me happy. Pinunasan ko ang bibig ko ng table napkin at tumingin sa kanya na may masayang ngiti sa aking mga labi.

"Nabusog ka ba, boo?" malambing nitong tanong bago niya pinunasan ang sariling labi.

"I'm so full. Feeling ko sasabog ang tiyan ko sa dami ng kinain ko!" Sabay kaming natawa dahil sa sinabi ko.

Hindi naman gano'n kadami ang nakain ko pero sobra akong nabusog. Hindi nga namin nakain ang kalahati nang pinahanda niya. But when I saw the brownies was served, my eyes twinkled in delight. Parang bigla akong naglaway nang makita itong siniserve ng waiter. Brownies are my favorite! Nakaramdam ako nang biglang pagkagutom kahit na busog na busog ako. Pero kapag brownies na ang pinag-uusapan, kaya ko pang kumain kahit ilang piraso pa.

"I thought you're full?" natatawa nitong tanong kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"No one can stop me from eating my brownies," mataray kong ani sa kanya na ikinahalakhak niya na lang. His laughter made my heart fly in happiness "At makakain pa ako nito kahit sampu pa." Kumuha na ako ng isang piraso at agad na kumagat.

Napapapikit ako para namnamin ang sarap na hatid nito sa loob ng bibig ko. Napaungol ako dahil sa lasa nitong para akong hinahatid sa langit. My god! Kaya favorite ko ito dahil sa napapakalma at napapagaan nito ang loob ko.

Napamulat ako ng mga mata at matalim kong tinignan si Jatch dahil sa mahina nitong pagmumura. Tinaasan ko ito ng kilay nang makitang sobrang seryoso na ang pagkakatitig nito sa akin na parang may nagawa akong hindi niya nagustuhan.

"What's our rule when you cuss, baby?" malambing kong tanong ka kanya na ikinaiwas nito ng tingin sa akin. "No touching for an hour. Remember that," seryoso ko ng ani sa kanya na ikinakunot ng noo niya.

"Damn, boo! 'Wag kang pipikit at uungol na parang sarap na sarap ka," nahihirapan nitong ani at hinahabol ang hininga na parang tumakbo ng ilang oras at ilang milya. Nagtataka ko itong tinitigan na hindi pa rin tumitingin sa akin.

"Anong problema ro'n? Sobrang sarap kaya ng brownies," kumagat ulit ako at napaungol ulit sa sarap na ikinapikit niya ng kanyang mga mata at lumunok na parang nahihirapan na at nagpipigil.

"You should stop that moaning of yours kung ayaw mong uungol ka talaga sa sarap. Literally," napatigil ako sa pagnguya at napanganga dahil sa sobrang seryoso ng tono ng boses nitong ani direkta sa akin.

What. the. hell?

Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko kaya naisubo ko ng buo ang brownies at napayuko habang nginunguya ito. Shit! Ang bunganga ng lalaking 'to talaga! Hindi pa rin nagbabago!

Narinig ko ang mahina nitong tawa kaya pinaglaruan ko ang mga daliri ko na nakalagay sa aking mga hita. Ako 'yong nahihiya sa mga pinagsasasabi niya, e. Alam ko namang normal na sa kanya ang magsalita ng mga gano'n pero hindi pa rin kasi ako sanay.

Farewell √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon