Chapter 13

27 3 0
                                    

Chapter 13

UMAGA PA LANG AY BUSY NA KAMI sa pag-aayos ng mga gamit dahil may pupuntahan daw kaming importante sabi ni mommy. Maaga niya akong ginising at nainis ako dahil doon. Hindi pa kasi sumisikat si haring araw ay nasa loob na ito ng kwarto ko at pinipilit akong bumangon sa kama para mag-ayos.

Nakabusangot akong naglakad papuntang banyo no'n dahil nabitin ang tulog ko.

"You can sleep in the car later, cupcake. So smile now, okay?" rinig kong ani mommy sa loob ng kwarto ko. Hindi ko ito sinagot at ginawa na ang morning routine ko kahit na maya-maya ang paghihikab ko.

Lumabas ako ng banyo ng nakatapis lang at may nakapulupot na tuwalya sa buhok ko. Nakita ko ang nakaupong bulto ni mommy sa gilid ng kama ko pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad papuntang closet ko.

Namili ako ng susuotin ko at kukunin na sana ang maikling maong shorts ko ng marinig ulit ang boses ni mommy.

"Wear something formal, Vale. And pack formal clothes too. Clothes for a week," natigilan ako sa sinabi nito. A week? Pero may pasok ako!

"Mommy, may pasok ako! How come we'll be there in a week?" Nakakunot noo kong tanong sa kanya at pinagpatuloy ang paghahanap ng formal na susuotin.

"We already excuse you, cupcake. Kaya no need to worry. I'll leave you now dahil mag-aayos na rin ako ng gamit namin ng daddy mo," narinig ko na lang ang pagbukas sara ng pinto ng kwarto ko at ang pagkawala ng presensiya niya.

Napabuntong hininga ako dahil mami-miss ko na naman ang school ko. Especially Hailey. I saw a blue floral dress na hanggang itaas ng tuhod ko ang taas. Off shoulder ito pero may lace ito na kailangang ikabit sa leeg kaya okay na ito for a formal wear. I paired it with a black 2 inches high heels. Nilugay ko lang ang buhok ko na humaba na at umabot na ng shoulder blade ko.

I only put a lip gloss and a small amount of blush on on my cheeks to make it a rosy one. Napangiti ako ng makita ang kaubuan ko sa isang full length mirror sa loob ng kwarto ko. I am more than satisfied in my outfit for today and for my face.

Inayos ko na rin ang bag na dadalhin ko para sa pupuntahan namin. I put some dresses for formal occasions, some shorts and t-shirts kung gusto kong gumala sa lugar na 'yon and some PJ's para pantulog ko. And my things are ready. Napapalakpak ako dahil nagkasya ang mga damit ko sa sports bag ko na may kalakihan. Nagdala rin ako ng purse at maliit na bag para sa wallet, phone and my other necessities.

Bumaba na ako sa kusina para mag-almusal at nakita ko nang nakaupo na sila mom and dad sa kani-kanilang mga upuan at ako na lang ang hinihintay.

"Good morning!" Masigla kong bati sa kanila at binati rin nila pabalik.

Naupo na ako sa kaharap na upuan ni mommy at nagsimula ng kumain. Masigla akong kumakain ng makaramdam ako ng pagsakit ng buong katawan ko. Ininda ko ang sakit at hindi ipinahalatang nasasaktan ako ngayon sa mga magulang ko. Alam ko ang sakit na ito at hindi ako magdadalawang isip na hindi isipin kung tama ba o hindi ang hinala ko.

"Okay na ba ang mga gamit mo, princess?" Biglang tanong ni dad kaya napatingin ako sa kanya. Tipid akong ngumiti at tumango sa tanong niya. Ayokong magsalita at baka marinig nila ang sakit sa boses ko. "Ipapakuha ko na lang kay mang Anding 'yong bag mo dahil alam kong mabigat din iyon. Knowing you..." ngumiti lang ako kay dad at piniling tahimik na kumain. Tama naman kasi siyang mabigat ang dadalhin ko.

Unti-unti namang nawala ang sakit ng katawan ko kaya napahinga ako ng malalim at umayos ng upo para hindi ipakitang uminda ako ng sakit ng katawan habang kasalo sila.

"May problema ba, Vale?" May pag-aalalang tanong ni mommy sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Matamis ko itong nginitian bago nagsalita.

"Nothing, my. Nabusog ako ng sobra sa agahan natin. Ang sarap ng ulam." At hinimas ko ang tiyan ko para ipakitang busog talaga ako. Ngumiti na ito sa akin at tumayo na ito.

Farewell √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon