Chapter 8
"WHERE HAVE YOU BEEN, VAL?" galit na pambungad na tanong ni Hailey sa akin nang makapasok ako sa loob ng classroom namin.
"Nagpahangin lang," tipid kong sagot at naupo sa upuan ko. Ramdam ko rin ang pagsunod nito sa akin at naupo na rin sa katabi kong upuan.
"May nagpahangin bang magulo ang buhok at namumutla?" Sarkastiko nitong tanong ulit sa akin habang masamang tingin ang ipinupukol sa akin.
"Nagulo lang ng hangin, okay? At natakot lang ako kanina dahil may naririnig akong kaluskos sa mga damuhan na akala ko ay ahas o mabangis na hayop." Walang gana kong ani sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Really? Kaya pala nakita ko kayong magkalapit ang katawan at parang takot na takot ka sa kanya kanina." Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi nito. Nakita niya kami kanina? May narinig kaya siya? May alam na ba siya? "What's between you two? Bakit parang matagal na kayong magkakilala? At bakit takot na takot ka kanina sa kanya, Vale?" Sunod-sunod na tanong nito.
Umiling lang ako sa kanya at bumuntong hininga bago magtanong pabalik. "May narinig ka ba kanina?" Kinakabahan kong balik tanong sa kanya at umiwas ng tingin dahil sa paraan ng pagtitig nito sa akin.
"May dapat ba akong marinig, Val? O may dapat ba akong malaman na hindi mo sinasabi sa akin?" May pang-uuyam niyang ani at tinapik-tapik ang pisngi ko. "Ikaw na pala ang susunod niyang biktima ngayon?" Hindi para sa akin ang tanong na iyong kung hindi ay para sa sarili niya. "At kakagat ka, beshy?" ngumisi ito sa akin kaya inirapan ko siya.
"May narinig ka o wala? Answer my question, Hai," walang gana kong balik tanong sa kanya para itago ang kabang nararamdaman ko dahil matagal bago ito sumagot.
"Wala akong narinig dahil hindi naman ako lumapit sa inyo kanina. Actually, nang makita ko kayo ay agad na akong umalis kahit na gusto kong marinig ang pinag-uusapan niyo dahil sa nakikita kong takot at mamumutlang mukha mo kanina." Kibit balikat at mahaba nitong ani kaya nagpakawala ako ng buntong hininga. I felt relieved to know that she didn't hear anything. "Nakascore ba?" Sinamaan ko ito ng tingin dahil sa tanong niya at pagtawa nang mahina.
"Gaga ka ba? Bakit naman siya makakascore sa akin? 'Di ko pa naman siya boyfriend." Naiinis kong ani sa kanya na mas nagpalakas ng pagtawa niya.
"Hindi pa? So may plano kang sagotin siya? Aba, Vale, binalaan na kita, ah?" Puno ng pang-aasar ang boses niya kaya inirapan ko ito.
"Makipagbalikan siguro? Pwede pa," kibit balikat na sagot ko sa kanya na ikinawala ng ngisi niya. "And he wants me back kaya wala naman sigurong problema do'n, ano?" Napatakip ako ng tainga ko nang marinig ang nakakabinging tili niya kaya napatingin ang mga kaklase namin sa amin kung nasaan kami nakaupo at nakapwesto. Mabuti na lang talaga at walang teacher ngayon kung hindi ay detention ang bagsak namin.
"Siya ang ex mo 3 years ago kung gano'n?" Tumitili pa ring aniya at napatango na lang ako dahil naririndi ako sa boses niya. "Bakit hindi mo sinabing siya?! At bakit nagpanggap kang hindi mo siya kilala noong nanood tayo ng laro nila?" Nahihilo ako sa pagyugyog nito sa akin kaya winaksi ko ang mga kamay nitong nakakapit sa magkabila kong braso.
"Yeah. Siya nga ang ex kong mahal ko pa rin hanggang ngayon. Hindi ko sinabi dahil gusto kong itago sa lahat. Baka patayin ako ng mga babaeng obsess do'n," I shrugged my shoulders after I answer her question.
"Siya pala ang tinutukoy mong ex mo no'ng kinuwento mo sa akin ang about sa past mo. I didn't expect it, Vale!" kinikilig niyang ani at hinampas na naman ang braso ko kaya hinimas ko ito dahil masakit. "But tell me why, why did you break up with him? Dahil ba sa playboy siya? O may iba pang rason?"
BINABASA MO ANG
Farewell √
Dla nastolatkówCOMPLETED! √ Vale Samson, a girl who just wanted to protect her heart from the pain that love can cause her. A girl who wants to feel loved for the third time but again, failed. She knew that her heart belongs to someone who she can't call hers. T...