Chapter 9
NAGMAMADALI AKONG TUMATAKBO papuntang gym ng school namin dahil malapit ng magsimula ang pagw-warm-up namin. Elimination round ngayon kaya kailangan naming mapanalo ang laro para maging waiting for championship kami. Napahinto ako sa pagtakbo ng makita ang hindi ko inaasahang makita sa araw ng laro namin. I feel something tore inside me seeing him with her. Ang saya nilang tignan na parang hindi siya nahumaling sa akin noon. Kung nahumaling nga ba talaga siya?
I guess I felt something towards him in those past months that we were together. Pero hanggang doon na lang iyon. Siguro nga ay may naging puwang din ito sa puso ko kahit papaano. But my love for Jatch is greater than anyone else. Napangiti ako ng mapait ng makitang magkahawak kamay silang naglakad pagkatapos nilang magyakapan at halikan niya ang noo nito. Noon, ako 'yong nasa posisyon na 'yan, ngayon iba na.
Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa pagtakbo papasok ng gym. Hinihingal akong napahinto kung nasaan sila nags-stretching. Nagtataka naman nila akong tinitingnan kaya ngumiti ako sa kanila ng tipid. Nilagay ko na ang dala kong bag sa malapit na bench at agad nang nagstretching. Nakamalaking varsity jacket ako kaya parang wala akong suot na maikling sports shorts dahil hanggang tuhod ko ang haba nito. Nakasuot din ako ng blue Nike sports shoes.
"Val, tara na! Magj-jogging na tayo!" gulat akong napatingin kay Hailey. Napabuntong hininga ulit ako dahil kung saan-saan na naman napupunta ang isip ko. Sumunod naman ako sa kanila at sa likod ako pumuwesto nang magsimula na kaming magjog ng pabalik-balik na dalawang linya lang.
Hinihingal akong napahinto sa pagjog at nagtaka naman ang mga kasama ko. Tipid lang akong ngumiti sa kanila dahil sa mga tinging ipinupukol nila sa akin. I've been like this in the past few days in everything that I do. Ang dali kong mapagod at sumasakit ang buo kong katawan kahit na wala naman akong masyadong ginagawa. Siguro dahil stress lang ako sa school.
Inilibot ko ang tingin ko sa buong gym. Ngumiti at kumaway ako ng makita ko ang parents kong nakaupo sa unahang mga upuan. Kumaway lang pabalik si mommy at dad mouthed good luck to me. I am so lucky to have them dahil sa kada may laro ako ay nilalaanan talaga nila ito ng oras kahit na medyo busy sila sa negosyo. And I guess dahil nag-iisa lang naman akong anak nila kaya siguro gano'n.
Napako naman ang tingin ko sa lalaking noong isang linggo ko pa nakita. Nakaupo ito malapit kina mommy at nang tumama ang aming paningin ay ngumiti ito and he mouthed good luck to me too. Umiwas na ako ng tingin sa kanya at humarap sa mga kasama kong umiinom ng tubig sa mga water bottle nila.
We prayed first before going to the court to start the game between our schools, St. Robert's Academy and St. Joseph School. Nauna munang pumasok ang first six namin, kasama na roon si Hailey dahil siya ang setter ng team. After macheck ng second referee and mga position ay nagthumbs up ito kaya agad na akong pumasok sa loob ng court dahil nga sa libero ako. Lumapit sila sa akin at nakipag-apir samantalang si Hailey naman ay bumulong sa akin.
"Please, Val, focus," may pag-aalala at pagmamakakaawa niyang bulong sa akin. She really knows if I am okay or not. Ngumiti lang ako sa kanya ng tipid at nagsabing susubukan ko.
The game started at pakiramdam ko ay sobrang bagal ng oras. Hindi ko alam kung bakit napapahinto at napapatulala ako sa loob ng court. Isang malalim na bumuntong hininga ang ginawa ko at nagjog palabas ng court ng magrotate na at sa ibaba na ng net ang position ko.
"Vale! Bakit wala ka sa focus? Nalalamangan na tayo ng kalaban, o!" Sinuklay nito ang buhok niya dahil sa frustration na nararamdaman nito. "We can't lose this game and you know that!" Tinignan niya ako ng may pagmamakaawa. Napayuko naman ako dahil sa hiya.
"I'm sorry, coach. Babawi ako sa second set," may munting ngiti kong ani sa kanya at napabuntong hininga na naman ito ng malalim.
"Make sure of it, Vale. Wala tayong depensa ngayon at ang ganda ng opensa ng kalaban," naupo ako sa bench at uminom ng tubig sa water bottle ko. Napunta naman ulit ang tingin ko kila mommy at nakita kong nag-aalala ito.
BINABASA MO ANG
Farewell √
Novela JuvenilCOMPLETED! √ Vale Samson, a girl who just wanted to protect her heart from the pain that love can cause her. A girl who wants to feel loved for the third time but again, failed. She knew that her heart belongs to someone who she can't call hers. T...