Chapter 14
NASA LOOB LANG AKO NG INUUKUPAHAN kong cabin dahil wala sina mom at dad sa cabin nila na katabi ko lang dahil may dinaluhan silang business meetings. Hindi naman ako pwede ro'n dahil wala naman akong alam sa business na pag-uusapan nila kahit na ako naman ang magmamana ng business namin. But I am only a senior high school student at magde-debut na sa susunod na limang buwan.
Ayoko namang gumamit ng phone dahil baka madistract na naman ako sa gusto kong relaxation. And the social media is a chaos dahil sa mga issues ng iba't-ibabg celebrities and politician. Especially when it comes to the money of the country. And daming kurakot kaya 'di umuunlad ang bansa.
Napabuntong hininga ako at naupo mula sa pagkakahiga at pagkakatitig sa kisame. Nababagot na talaga ako rito sa loob ng cabin. Iniwan kasi nila agad ako after we ate our dinner. And it's already 8PM in the evening. Ang sabi kasi nila ay hintayin ko sila bago ako matulog kaya ginagawa ko ito. Pero sobra na akong nabobore rito sa loob.
Gusto kong lumabas ng cabin at magliwaliw o kaya ay pagmasdan ang dagat pero natatakot ako dahil wala ako ni isang kilala rito at baka may mangyari sa aking masama. Not that I want that to happen to me. Gabi na rin kasi at babae ako kaya wala na akong choice kundi manatili rito sa loob at hintayin na lang talaga sila.
Napatalon ako sa kama nang makarinig ako ng mahinang pagkatok mula sa labas. Sa akalang sina mom at dad na ito ay nakangiti ko itong pinagbuksan. Pero agad na nawala ang ngiting nakapaskil sa mga labi ko, naging blanko ang mukha ko at bagsak ang balikat ko itong tiningnan.
"What are you doing here?" walang buhay kong tanong sa kanya.
"Tita Ivette sent me here to accompany you. Baka hindi raw sila makabalik agad dahil sa nagkaproblema sa meeting," nakangiti nitong ani pero alam kong pilit lang iyon dahil hindi ito umabot sa kanyang mga maiitim na mga mata.
"They should have called me. Hindi naman ako lalabas ng cabin ko." Nilakihan ko ang pagkabukas ng pintuan ng cabin para binigyan ito ng daan para pumasok sa loob.
Nag-aalangan pa ito pero sa huli ay humakbang na rin naman ito papasok. Sinarado ko muna ang pinto bago ito hinarap. Pero maling galaw pala iyon. Napasinghap ako dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko pagkaharap ko sa kanya.
Ramdam ko ang hininga nito na tumatama sa mukha ko na nagbibigay buhay sa mga insekto sa loob ng tiyan ko. Ramdam ko rin ang pagkakarera ng mga leon sa dibdib ko dahil sa lapit ng mga mukha namin. Isang maling galaw lang ay mahahalikan ko na ito.
"They called me to tour you around our resort, boo," iniwas ko ang mukha ko at humakbang ng isang hakbang palayo sa kanya. Dahil hindi ko na kaya ang sobrang lapit ng mga katawan namin sa isa't isa. Para akong aatakihin sa puso sa sobrang lapit na 'yon at sa lakas ng tibok ng puso.
At ramdam ko ang munting pagdampi ng labi nito sa labi ko no'ng nagsalita ito. Parang biglang nanghina ang tuhod ko dahil sa gano'ng eksena kaya agad akong lumayo para hindi ako mawalan ng lakas at bumigay sa kanya.
I'll admit that I miss being too close to him pero hinding-hindi ko 'yon aamin ng harap-harapan sa kanya.
"Resort niyo ito?" Pagbasag ko sa katahimikang namayani sa amin. Bakit hindi ko man lang alam? Sabagay, matagal na kaming wala kaya hindi ko na talaga malalaman ang about sa buhay niya—nila.
"Uh-huh. Noong isang taon lang namin binili 'to kaya hindi pa gano'n kalago at kaayos dahil walang nagma-manage." Naglakad ito paupo sa gilid ng kama ko kaya sumunod ako rito pero nakatayo lang ako 'di kalayuan sa kanya. "Dad bought this part of the beach dahil maganda ang pwesto na ito. Dahil kitang-kita ang sunset at sunrise. At maganda rin ang tanawin," napatango-tango ako sa mga sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Farewell √
Dla nastolatkówCOMPLETED! √ Vale Samson, a girl who just wanted to protect her heart from the pain that love can cause her. A girl who wants to feel loved for the third time but again, failed. She knew that her heart belongs to someone who she can't call hers. T...