CHAPTER 36

2.7K 83 4
                                    


Rein pov's

Para na akong asong sunod nang sunod kay jiro ..

Buti nalang at na sundan ko siya nakasakay agad ako nang taxi ..

Huminto siya sa jewelries shop ..

Alam ko na kung anong gagawin niya bibilhan niya ang malandi niyang babae ..

Kuya dito lang muna tayo ..may sinusundan lang akong tao ..

Miss kaano ano niyo po ba ang sinusundan niyo ..?

Asawa ko ..lumalandi eh ....

Ahh !! Ganyan talaga  mayayaman..may nag rent din nitong taxi ko nang nakaraan na sundan din ang asawa niya hays !! Na lihian na nga siguro to taxi na to ..

Napatingin ako kay manong driver sa  sinabi niya ..

Talaga ba manong ..
Natawa tuloy ako sa sinabi niya ..
Nagpapatawa ata to si manong ..

Tumawa lang siya ..nasa mood si manong nag jojoke ..pero ako kanina pa ako naiinip ..kung saan saan pa kasi nagpupunta si jiro ..una sa jewelry sumunod naman sa flowershop at talagang may flowers pa ..

Nang makita kong may dala siyang bulaklak ay tumulo nalang bigla ang luha ko ..

Nakakainis kang luha ka kailan ka ba maglalaho.

Umalis na ulit si jiro at pinaharurot ang sasakyan buti naman at magaling si manong driver matalas din ang mga mata at nakasunod pa rin kay jiro ..

Ang gwapo naman pala talaga nang asawa niyo maam..kaya naman pala madaming babae ..

Napatingin ako sa sinabi ni manong driver ..

Anong madaming babae ..isa lang ..yon malandi niyang secretary ..

Sa inis ko na e kwento ko pa sa taxi driver ..

Huminto si jiro sa mamahaling restaurant ..

Huminto na rin kami at nagbayad nang nagamit kong metro ..

Keep the change po manong !!

Salamat maam ..mag iingat kayo ..

Pakaway niya pa na pahabol saakin ..

Sinundan ko si jiro hanggang makapasok siya sa restaurant at hindi nga ako nagkakamali si betty ang ka meet niya at humalik pa sa pisngi niya ..

Hindi ako nag eeskandalo pero ito yung panahon siguro na mag eeskandalo ako ..

Hindi paman sila nakaupo ay lumapit na ako sa kanila nakita ako ni jiro gulat siyang tiningnan ako ..

Rein...

Nagulat ka ba ha?

Hindi ko alam na ang malanding babaeng to na pala ang ka business partner mo ....?
Business partner o business in bed ?

Malakas kong sigaw hindi ko na mapigilan pa ang mapasigaw ..habang bumabagsak ang mga luha ko ..

At ikaw ..

Tinuro ko si betty na walang kahiya hiyang naka salubong ang kilay siya pa ngayon ang mataray ha !! Pwes ipapakita ko sayo kung ano ako ..

Ikaw na malandi ka na ubod nang kati ..nang una nanahimik ako pero ngayon sagad na ....

Ows ..talaga rein ..nagsawa na nga siguro sayo ang asawa mo ..look at you ..para kang yaya ni jiro ..

Napatingin naman ako sa suot ko ..oo naka jeans lang ako at white tshirt sa pagmamadali ko hindi na ako nakapag ayos pero hindi naman ako mukhang yaya ..

Tired (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon