Rein pov's
One month na ako nasa bahay nakasanayan ko na rin ang buhay ..
Malaki na rin ang t'yan ko 5 months na 4 months nalang manganganak na ako ..
Nancy calling .....
Tumatawag si nancy ..ang alam ko kasi luma lovelife na ang babaeng ito ..pagkatapos kung ekwento sa kanya ang lahat na nangyare ..sobrang nagalit siya kay jiro ..
Guess what kung sino ang boyfriend niya ...walang iba kundi si joseph. . pagkatapos daw nang maihatid siya sa bahay nila ni joseph ay wala nang tigil ito kakasuyo sa kanya at dahil mahal din naman daw niya sinagot niya din agad ang lalaki ..
Hi rein ..
Bungad niya kaagad ng sagutin ko ang tawag niya
Hi !! BaKit ka napatawag ?
Eto naman ..syempre kinakamusta ka at iniinvite ka ..
Invite? Para saan ?
Nagtataka kong sagotSa kasal ko ..kinikilig pa itong sabi .
Napangiti ako
Talaga ?
Masayang masaya ako para sa kanya ..
Yeph !! At invited ka malamang wag kang mawawala sa kasal ko dahil magtatampo talaga ako ...
Napangiti ako ..
Baka kasi hindi ako makapunta best ..
Bakit naman ..? Ay naku subukan mo lang na hindi ..naku rein ..hinding hindi na talaga kita tatawagan pa ..ay naku !
Napatawa nalang ako sa sinabi niya ..napakatampuhin din ng babaeng to eh ..
Alam mo naman malaki na to t'yan ko best ..at napaka maselan pa nito pinagbubuntis ko ...sabi ko sa kanya
Hay naku ! Ikaw panaman ang pinaka special na guest ko pero bigo pala ako .hayaan na nga wala akong magagawa buntis ka eh ,at kailangan mo mag ingat ..pagtatampo niyang sabi sa kabilang linya ..
Napapangiti ako sa kanya ..tampuhin talaga ng babaeng to
Sige na nga ..titingnan ko ha ..hindi ko maipapangako yon ..
Talaga ? Rinig kong tumatawa na siya ..
Oo ,pero hindi ko muna mapapangako ah ,congrats best ..
Ayyeeeahh basta hihintayin kita dun..
Teka kelan ba ? Baka naman may check up ako sa araw na yon ..
Ibinigay niya saakin ang eksaktong araw at buti naman wala akong gagawin sa araw na yon walang check up ..
Next week na pala ..ayeeeh sabi ko sayo si joseph ang destiny mo eh ,baka naman may kambal na huh ?
Pagloloko ko sa kanya dati kasi inaasar niya ako ngayon ako naman ang mang aasar sa kanya ..
Naalala ko tuloy si jiro
Wala na akong balita sa knya ..
Wala pa sa bocabulary ko yan noh ?
Sinasabi mo lang yan ..patuloy kong pang aasar sa kanya ..
Babe sino yan ? Narinig kong boses ni joseph sa kabilang linya ..
Si rein ....narinig ko naman sagot niya ..
Hi rein ..sumisigaw ata si joseph siguro malayo ang lalaki sa cellphone ..
Hi joseph ..ingatan mo yan bestfriend ko ah ,..
Oo naman mahal na mahal ko ata to ..
Napapangiti ako sa kanila ..
Ako kaya kelan ulit magiging masaya ..
BINABASA MO ANG
Tired (Completed)
רומנטיקהPaano kung sarili mong asawa ay sinasaktan ka Dahilan sa pagseselos niya at sa pride niya .. Makakaya pa kaya ni rein ? Lalaban pa ba siya O susuko na .. REIN AND JIRO