Kabanata 15

186 14 0
                                    

Kabanata 15

Review

"Eunice!"

Agad akong napabangon nang may tumawag at kumatok sa kwarto ko. Nakaramdam ako ng hilo dahil sa biglaan kong pagbangon.

"Eunice, apo! Tulog ka pa ba? Nandito ang mga kaibigan mo!"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ni Lola. Nagmadali akong lumapit sa pintuan para mabuksan iyon at makaharap si Lola.

"Nand'yan sina Kyle, apo. Lumabas ka naman, oh."

Pinilit kong ngumiti para ipakita ang pagkagalak ko. Tumango ako at sinabi na mag-aayos muna bago bumaba.

My vacation was not the usual. Dati, I would spend the whole vacation going on the beaches. Hindi ako katulad ngayon na nakakulong lang sa kwarto, nagd-drawing lang at nagpa-practice lang ng calligraphy. Hindi rin nakapunta ngayon si Xylia dahil kailangan naman nilang bumisita sa pamilya ni Tito Fabian.

Nagkayayaan sina Kinny na magsama-sama kami bago sila magbakasyon sa mga probinsya nila. Halos isang linggo iyon pero isang beses lang akong sumama. Si Jeycel ay nasa Romblon dahil doon ang probinsya ng tatay niya. Si Jiji ay sa nay Cagayan De Oro. Sina Kinny, Lexi at Gray ay nasa Maynila naman. Si Jorge at Jeremy naman ay sa Bulacan. Si Kyle? Hindi ko alam... hindi ko inalam o tinanong man lang.

Nang makapaghilamos at sipilyo na ako, sinunod kong ipitan ang mahaba kong buhok. Pinaltan ko na rin ang suot kong damit dahil pantulog ko iyon, nakakahiya namang harapin ko sila na gano'n ang suot.

"Eunice!" malakas na pagtawag sa akin ni Kinny at sinalubong pa ako sa may baba ng hagdanan.

Napangiti naman ako dahil na-miss ko rin naman sila. Kahit na ganito ang nararamdaman ko, alam kong sa sarili ko na naging parte na sila ng buhay ko. Ako lang naman talaga ang sumisira sa pagkakaibigan naming lahat.

"Nangayayat ka ata? Tapos ang puti-puti mo! Sana all!" singit naman ni Lexi at hinila na ako nang nasa huling baitang na.

"May dala kami ni Jeremy na kilalang panghimagas sa Bulacan. Dalawa iyan, tig-isa kami nang binili, e," masayang wika ni Jorge habang inaabot sa akin ang dalawang brown na box.

"Ano ito? Anong panghimagas?" I asked because I was curious. Hindi ko naman alam ang mga delicacies na mayroon ang ibang lugar.

"Bibingkang kanin iyan. Matamis iyong nasa taas," sagot ni Jeremy. Kinuha pa niya ang isang box at binuksan para ipakita sa akin.

"Ohh," sabi ko habang tinitignan ang dessert na hawak niya. Natakam naman ako dahil mukhang masarap.

"I bought you liptints and crop tops! Bagay ito sa iyo, e... kaso nangayayat ka! Kainin mo lahat ng pinasalubong namin sa iyo para tumaba-taba ka, ha!" sabi naman ni Kinny. Kinuha niya sa akin ang box na hawak ko at inilagay niya iyon sa nakitang lamesita.

I took a look to what Kinny is holding on her left hand. It's an army green croptop and it has ruffled sleeves. On her right hand, she's holding a maroon fitted croptop with long-sleeves.

"Bibilan sana kita ng shorts para twinning tayo kaya lang, hindi ko alam ang waistline mo!" dagdag pa ni Kinny habang pinapakita sa akin ang crop tops na binili niya.

Wala pa akong gano'ng damit. Hindi sa hindi ko alam na may mga ganoong damit, I just found uncomfortable wearing those kind of clothes. Unting taas ko lang ng kamay ko ay nakikita na ang tyan ko.

"Naku! Nakakatuwa ka naman, hija!" tuwang-tuwang sabi ni Lola na nanonood pala sa amin.

"Kain tayo sa lomian! Bawal kang tumanggi, Eunice. Pinuntahan ka na nga namin at ipinagpaalam para hindi ka na makatanggi," sabi ni Gray habang ang ngiti ay umaabot sa kaniyang tenga.

Silhouette of the Past (Lost In Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon