Kabanata 20

156 11 0
                                    

Kabanata 20

Should

Bumalik ako sa room nang wala ng luha pero halata pa rin ang aking pag-iyak dahil sa aking mata. Agad akong nilapitan nina Jeycel pero wala akong panahon na kausapin sila.

Mabilis akong tumungo sa upuan ko at isinakbit ang aking bag. Walang imik akong lumabas sa room namin.

Nang nasa gate na ay pinigilan ako ng bantay dahil malapit nang magsimula ang klase. Narinig ko pa ang ilang pagtawag sa akin nina Jeycel.

Ayaw man at labag sa kaniya dahil baka masisante siya, hinayaan niya pa rin ako. Dahil na rin siguro nagsimula muling tumulo ang luha ko.

"Eunice!" pagtawag pa nila.

Hindi na ako lumingon at mabilis na tumakbo. Hindi na ako nag-abalang punasan ang mga luha ko. Wala rin namang makakakita sa akin dahil walang tao.

"Oh, Eunice?" si Manang. "Akala ko ay mamaya ka pang hapon? Half day ba kayo?"

Nag-iwas ako ng tingin. "M-masama po ang pakiramdam ko."

Mariin niya akong tinignan. Mayamaya ay naramdaman ko ang pagpunas niya ng luha ko.

"Anong nangyari? Wala ang Lola mo, mamaya pang gabi ang dating galing Taal."

"G-gusto ko pong magpahinga... mag-isa."

My phone rings nonstop. Tamad akong tumayo at lumapit sa bag ko para kuhanin iyon. Nang makitang puro galing kina Jeycel ang tawag, pinatay ko na lang ito. Bumalik ako sa pagkakahiga.

Parang namanhid na ata ang puso ko. Hindi ko alam kung galit ba ako. Ang malinaw lang sa akin, nadismaya ako. Umasa ako. Pinaasa ako.

Ayaw ko na ganoon ang nararamdaman. Gusto kong magalit... ayaw ko silang makita. Gusto kong ipakita sa kanila kung gaano ako kagalit sa kanila. Pero... gusto ko rin silang intindihin.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Nagising na lang ako kinabukasan na ganoon pa rin ang nararamdaman. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para pumasok pa.

Nagpa-alam ako kay Lola at kina Manang bago ako umalis. Pagkalabas ko pa lamang ng mansion, humampas na sa akin ang malamig na simoy ng hangin.

Nanginginig man, nagpatuloy ako sa paglalakad. It's six thirty already. Hindi ito ang usual na oras na umaalis ako sa mansion.

"Akala ko hindi ka papasok!" Mabilis na lumapit sa akin si Jeycel nang pumasok ako sa room. Marami na ring tao. "Malapit nang mag-time."

Nginitian ko siya. She didn't know about that. Ang alam niya ay para sa akin... hindi para kay Kinny. Walang rason para magalit ako sa kaniya.

"Naka-usap ko kasi sina Mom kaya napatagal," pagsisinungaling ko bago ibinaba ang bag ko.

Inilibot ko ang tingin ko. Wala sina Kyle, Jeremy, Gray, Jorge at Kinny. Bahagya namang tumahik ang lahat.

"Anong sabi?" tanong naman ni Jiji.

"Nangamusta lang."

Tinignan ko silang dalawa ni Jeycel. I know, by just looking at their eyes, they pity me.

"Ayos lang ako!" I tried to sound happy. "I was comforted."

Naningkit ang mga mata ni Jeycel. "Sino?"

Mapait akong napangiti. "Ng sarili ko."

Lumapit sa amin si Lexi. Malungkot ang kaniyang mga mata. Ngumiti na lang ako pero yakap ang isinukli niya.

I chuckled. "Para kang baby," nagawa ko pang mag-biro.

"Hindi ka naman okay, e!" mangiyak-ngiyak na saad nito at mas lalong hinigpitan ang yakap.

Silhouette of the Past (Lost In Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon