Kabanata 14

150 13 0
                                    

Kabanata 14

Feeling

Mabilis lumipas ang araw at ngayon ang first day ng periodical exam namin. Halfday lang kami ngayon at apat na subjects ang exam namin: Math, Values, Hekasi and Filipino.

I set my alarm at two o'clock in the morning before I went to sleep that's why I am now awake. Kinusot-kusot ko ang aking mga mata bago tumayo na sa pagkakahiga ko. Dumeretso ako sa bathroom para maghilamos ng mukha, para na rin magising ang diwa ko.

Papikit-pikit pa ako habang papasok sa bathroom. Nang nasa may sink na, pinagmasdan ko muna ang mukha ko at tinignan ang hindi gaanong malaking eyebags. Umiling-iling muna ako bago nagsimulang maghilamos. Nang matapos na ako, pinunasan ko muna ng face towel ang aking mukha bago lumabas at dumeretso sa study table ko.

"Math. I need to focus sa Math," bulong ko sa sarili ko habang kinukuha ang reviewer na ginawa ko last week.

Two o'clock in the morning is the best time for me to memorize and to study since I will have the silence I need. It's my routine every time we will have exams.

When the clock turned at four o'clock, I stopped reviewing the Math subject and focused to our Hekasi subject since it has so many dates to remember. It's really helpful to have a reviewer since it will be easier for you to remember the important points of the topic.

Bago ako natulog kagabi, inaral ko na ang Values at Filipino. Values is more on adaptation in real life. It is all about manners. Sa Filipino naman ay paulit-ulit ang naging topic namin. Sabi kasi ng teacher namin sa Filipino, gan'on daw sadya iyon.

Nang magfour-thirty na ay nagdesisyon ako na magligo na para mamaya ay kakain na lang ako ng almusal at magrereview ulit. Kinuha ko muna sa closet ko ang uniform na susuotin ko mamaya. Kumuha rin muna ako ng underwear, sando and cycling shorts bago pumasok sa bathroom para makaligo na.

I took a bath for almost fifteen minutes. I am only wearing my sando and cycling shorts when I decided to went downstairs to have a hot chocolate drink.

"Dios ko, Eunice! Kay lamig lamig tapos ika'y nakasando lamang?!" sigaw ni Lola nang makita akong pababa sa may hagdan.

"Kukuha lang po ako ng maiinom," sabi ko at humalik sa kaniyang pisngi nang makalapit na.

"Aba! Kahit na! Ika'y pumanhik muna at magbihis ng may manggas," pilit sa akin ni Lola.

"Baka matuluan po ng chocolate ang uniform ko. Puti pa naman po iyon," dahilan ko naman at kumalas na sa yakap.

"Hay, naku! Sige na at uminom ka na roon ng tsokolate. Baka mapasukan ka pa ng lamig," saad ni Lola bago tumayo at sinamahan ako sa may kitchen. Nadatnan namin roon si Manang at Manang Lita na nagkakape.

Ipinagtimpla ako ni Manang ng hot chocolate. Si Manang Lita naman ay dumeretso na sa may kalan para magluto na ng almusal ko. Habang kami naman ni Lola ay nanonood sa kanilang mga ginagawa.

"Mukhang maaga kang nagising," sabi ni Lola.

"Nagreview po kasi ako, e."

"Nagreview ka na kahapon... at alam kong late kang natulog. Tapos maaga ka pang nagising? Baka hindi ka naman makasagot niyan dahil sa antok?"

"May tulog pa rin naman po ako," sagot ko kahit na nakakaramdam pa rin ako ng antok. Tumalab ang tubig na pinanghilamos at pinangligo ko pero panandalian lamang iyon.

"Huwag mo masyadong pahirapan ang sarili mo. Noong panahon ko, hindi ako nag-aaral kapag magulo ang isip ko o kapag pagod na ako," kwento ni Lola. "Sayang ang mga inaral mo kung makakaramdam ka ng antok kapag exam na."

Silhouette of the Past (Lost In Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon