Kabanata 6

225 22 37
                                    

Kabanata 6

Wound 

Sa isang buwan ko nang naririto sa Batangas ay lagi akong tumatambay sa may dagat, minsa'y mag-isa pa. Mabuti na lamang ay dumating na ngayon si Xylia kaya kapag hindi ako nasasamahan ni Lola, si Xylia ang sumasama sa akin.

"Let's swim!" anyaya ni Xylia habang hila-hila ang aking braso.

Tumango naman ako kahit na inaantok pa. Kakagising ko lang ngayon at hindi pa nakakapag-almusal pero hinihila na niya kaagad ako. Huminto naman ito nang may mapagtanto.

"Ay, let's eat breakfast first!" suhestyon niya at muling hinila ako palabas sa kwartong tinutuluyan naming dalawa.

Wala ngayon sina Mom and Dad, kasama rin sina Tita at Tito. May importante kasi silang pupuntahan para sa negosyo kaya wala sila ngayon. Ayaw pa nga nina Tita pero sobra kasing importante iyong dadaluhan nila kaya wala rin silang nagawa.

"Magandang umaga mga apo kong magaganda!" bati sa amin ni Lola nang makita niya kaming pababa sa hagdan.

Nagmadali kaming bumaba ni Xylia habang magkahawak ang kamay para mayakap at mabati rin si Lola. Tumawa naman si Lola sa ginagawa namin ni Xylia ngayon.

"You're always laughing at us, Lola!" tanong ni Xylia.

"Nakakatuwa kasi kayong panuorin," sagot ni Lola.

Nang makababa na kami, mabilis kaming lumapit kay Lola at binigyan siya ng mainit at mahigpit na yakap. Tumawa ulit ito kaya nakitawa na rin kami ni Xylia.

"Dito na lang kayo tumira," biglang sabi ni Lola.

Ngumuso si Xylia. "We will spend our whole vacation here, Lola. Don't be sad."

Sumang-ayon din ako roon at kung ano-ano pa ang sinabi namin kay Lola. Dahil may katandaan na si Lola, mabilis magbago ang kaniyang mood. Minsan ay sobrang saya niya tapos bigla siyang magda-drama.

Magkakahawak kamay kaming tumungo sa dining area ng mansion. Habang papunta roon ay hindi tumitigil si Lola sa pagkwekwento nang kung ano-ano; kagaya noon, paulit-ulit din. Hindi naman kami nagrereklamo ni Xylia dahil nae-enjoy naman namin ang pagkwekwento ni Lola sa amin.

"Gusto ninyo bang pumunta sa mall?" tanong ni Lola sa amin habang kumakain kami ng almusal.

"Eunice and I already agreed that we're going to swim today," casual na sagot ni Xylia kay Lola.

"Apo, pwede namang bukas o hindi kaya pagka-uwi natin. Hindi naman aalis ang dagat, e."

Ngumuso si Xylia pero ngumiti rin naman agad. "Hindi rin naman po aalis ang mall, e," pagrarason ni Xylia.

Si Xylia kasi kapag nakapag-plano na, ayaw niyang hindi iyon magagawa. Kung ano na ang naisip niyang gagawin sa buong araw, iyon na ang gagawin niya talaga—hindi na magbabago ang kaniyang isip doon.

"Hay, naku, Xylia!" natatawang wika ni Lola dahil sa inasal ni Xylia.

Minsan ay nakakainis din si Xylia na gano'n siya pero hindi naman namin siya masisi kasi may ganoon talagang tao. Sumasagi rin minsan sa aking isipan na sana ay katulad din ako ni Xylia na may ganoong mindset. Ako kasi, mabilis mapa-oo.

"Bukas na lang po!" suhestyon ni Xylia.

Wala na namang nagawa si Lola roon at pumayag na lang. Kilala niya si Xylia—kahit anong pagpipilit ang gawin niya, hindi niya ito mapapa-oo.

Nang matapos kaming kumain ng almusal, nagpaalam na agad si Xylia kay Lola.

"Babantayan kayo ni Lita, mga apo. Aalis ako ngayon at may pupuntahan ako sa Anilao," paalam sa amin ni Lola bago pa kami tuluyang makalabas para makapunta sa dagat.

Silhouette of the Past (Lost In Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon