Kabanata 28

156 10 0
                                    

Kabanata 28

Back

Do you know what's the hardest thing to do? And the most painful thing you may experience while living in pains? It is to let your heart bleeds... crying in silent. That you'll stop yourself from sobbing so loud for others would not hear you. For others not to know how weak you are.

"Nangako ka sa akin na walang mangyayaring masama sa'yo, hija. Muntikan ka nang magahasa! Ano ba naman kasing pumasok sa utak mo at sumama ka sa lalaking iyon?" Isang oras nang nagsasalita si Manang at nagtatanong sa akin. Hindi ko iyon sinasagot at hinayaan na lang siya. "Gusto kong magalit sa'yo pero iintindihin kita. Umayos ka na naman," dagdag pa nito at nanahimik na.

Kahit naman ako... inakala kong walang mangyayari sa aking masama. I will be safe and be happy because I thought I was already strong and brave. Pero bakit bumalik na naman ako sa dati?

The loser, lonely, weak and crying Eunice.

They went to a drive-thru to get some foods. Inabutan ako ni Manang pero hindi ko naman iyon ginalaw. Hindi na rin naman niya ako pinilit pa.

I was afraid... of what will happen to Mom and what will happen to me. This is not what I want to happen. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari.

Did I become selfish?

Four o'clock when we arrived at Lola's mansion. Nothing changed the way it looks, it's still the same and many memories flashed on my mind.

Hindi nasabihan si Lola na uuwi ako. Maybe Dad forgot about telling Lola.

Hindi naman ako gumalaw sa pagkakaupo ko. Tuyo na ang mga luha na kanina pang lumalabas sa akin. All I could feel are the soreness of my eyes, the pains I got from Ivan's punches... and the pains I've been carrying throughout the years.

Unang lumabas si Manang at Manong, hindi naman nila ako hinintay. Nang maaninag ko si Lola na mabilis na naglalakad palabas, doon ako nagdesisyong bumaba na. Mas lalong bumilis ang paglalakad ni Lola palapit sa akin. At nang makalapit na nang tuluyan, mahigpit niya akong hinagkan.

"Gusto sana kitang kausapin tungkol sa nangyari, apo, pero magpahinga ka na muna. Nakakagulat ang pagdating mo rito, hindi man lamang nagsabi si Ynna."

Walang alam si Lola sa mga nangyari... lalo na sa nangyari kay Mom. Guilt spreads on my system. She would be disappointed at me once she knew about that.

Ayaw ko na... hindi ko na kaya pang makatanggap ng disappointment sa iba.

Hinatid ako ni Lola sa kwarto ko. Hindi ako tumitingin sa kaniya kahit tinatanong at kinakausap niya pa ako. Wala akong lakas ng loob para harapin si Lola.

Manang called me for dinner but I didn't go out. Nanatili akong nakakulong sa kwarto ko, na kahit si Lola ay hindi ako mapalabas.

Bakit gano'n? Akala ko wala na akong luhang mailalabas pa, akala ko matibay, malakas at matatag na ako? Pero nangyari lang ang lahat ng ito, bumalik na ulit ako sa dati.

Wala akong balita kung ano na ang nangyayari kay Mom and Dad. Hindi ko rin alam kung alam na ni Lola iyon, kung nasabi na ba ni Manang. At... ang kay Ivan? Anong nangyari sa kaniya? May... may nakaalam ba sa tangka niyang panggagahasa sa akin?

There's so many things going on my mind right now. Gulong-gulong ako pero lamang ang takot sa akin. Paano kapag may nangyaring masama kay Mom? Paano kapag may gawin si Ivan?

Umiling-iling ako sa mga naisip. Muli ko na namang naramdaman ang mga luha kong nag-uunahang magsilabas. Niyakap ko ang tuhod ko at pinilit ang sariling hindi maglabas ng ingay.

Silhouette of the Past (Lost In Love Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon