Kylie's POV
Two months ago nang magstart ang klase.Im in my Senior High School years,Im not even aware na ganito na pala ang educational system sa Pilipinas,may K-12 na.Ni hindi ko nga alam kung anong Track and Strand ang gusto ko,kaya hinayaan ko na lang si mama ang pumili ng bagay na yon .Bumalik kami ng Pilipinas this year para ipagpatuloy ang buhay naming tatlong mag-iina.
Mabuti na lang,kaparehas ko pala ng Track na kinuha ang mga childhood friends ko na sina Ashley,Jazz at Sam.HUMSS ang strand na aming kinuha,ewan ko ba tungkol saan yon...bahala na.
Pero kahit wala sila okay lang din siguro,pareho lang din naman,hindi pa rin ako natutuwang nag-aaral ako.Bakit kase mag-aaral pa eh magttrabaho din naman.Buti pang nag-trabaho na lang ako kesa mag-tiyagang makinig sa mga boring na teachers.
"Kai!Welcome back!Namiss ka namin."
That's Ashley,ang pasimuno sa mga kabaduyan sa buhay.Buti na lang talaga maganda sya.Well,sya lang naman ang isa sa mga pinaka-magandang babae dito sa campus,sabi nya.
"Kylie ang puti mo na ah." inilapit nya pa ang balat nya sa balat ko para ikumpara,pero wala pa rin akong panama sa puti nya.
That's Jazz,Australiano ang tatay nya kaya namana nya ang kaputian dito.Bukod doon...ah...ano pa ba?Mukhang wala na,basta maputi sya.
"Did you even missed us Kylie?"Nakapamewang na tanong ni Sam.Way back four years ago,ang natatandaan kong Sam ay yung gusgusin,dugyot at iyakin.Ngayon,kumpara sa dalawang nauna,masasabi kong mas matino sya.
Nginitian ko na lamang silang tatlo bago ako naupo sa may bandang likuran,gusto ko muna ng katahimikan wala pa ko sa mood makipag-chickahan sa kanila.Panigurado namang hindi na ko susundan nung tatlo dahil gustong umuupo ng mga yon sa may harapan,mga pabibo yun eh.
Kalapag ko ng bag ko sa upuan ko ay sya ring lapag ng mga bag nilang tatlo sa tabi ko.
Tsk.Mukhang hindi ako makakalasap ng katahimikan.
"Kai,magkwento ka naman ng mga ganap mo sa Korea.Malamig ba talaga don,marami bang gwapo?Nakita mo ba BTS doon?"
"Oo nga,ano ba lasa ng Kimchi?Masarap ba yon?Maganda ba talaga pag nag-ssnow at may mga cherry blossoms?"
"May mga inuwi ka bang skin care products galing Korea?Yung nakakaganda at nakakakinis ganon?"
Sunod-sunod na tanong nila.Mabuti na lang at may pumasok ng teacher at nagsimula na ang klase.Isinalpak ko na lang ang headset sa tenga ko habang nagpapakilala ang mukha namang nakakaboring na teacher sa harapan.
Maya-maya pa ay inalis ni Ashley ang headset ko kaya napatingin ako sa kanya, "Kai?"
"Ano?"
"Introduce yourself daw..." napalingon naman ako sa paligid ko at nakitang lahat sila ay nakatingin na sa akin.
Ba't may introduce introduce pang nalalaman eh magkakalimutan din naman pag nagtagal.Tsk.
"My name is Kylie Reighn De Villa,seventeen years old." Sagot ko saka na ko naupo.
"Ms.De Villa,can you tell us more something about you?Like hobbies,or anything special about yourself?"
"There's nothing special about me,Sir."
"Is that so?Okay let's move on to you Ms..." turo nya kay Ashley na nasa tabi.
"Ahm hi Sir...my name is Ashley Suarez,seventeen years old from Balanga,Bataan,I have two pets name Chow-chow and Chi-chi,nag-start po akong mag-aral simula nang six years old pa lang po ako,bale...ahh...matagal na po akong nag-aaral..."
BINABASA MO ANG
Love Over Hate
Teen FictionSi Kylie Reighn De Villa ay minsang napadpad sa lugar kung saan nakaranas sya ng iba't-ibang sitwasyon na nagdulot sa kanya ng sakit at pighati. She hated every single reason na konektado sa lahat ng mga hindi magagandang nangyari sa kanyang buhay. ...