Chapter 13

1 0 0
                                    

Kylie's POV

Akala ko kaya kong magpanggap na okay lang ako.Lalo na ngayong napapadalas ang pagbisita ng Sana na yon sa opisina ni Sir.Nawawalan na tuloy ako ng pagkakataon na makita sya madalas dahil halos araw araw silang magkasama sa loob.And I wonder kung anong kababalaghang ginagawa nila doon?And it caused me more pain from that idea.Why I am so affected?

Mas lalo kong nakumpirma ang nararamdaman ko nang minsang ipatawag ako ni Sir sa kanyang opisina ngunit nadatnan ko sila ni Ma'am Sana na naghahalikan.Nakapatong si Sana sa kanyang kandungan at nakatalikod ito kaya nang buksan ko ang pinto ay mata agad ni Sir at ang kanyang nakakalokong ngiti ang bumungad sa akin.Hindi man lang sya nagulat na nakita ko ang ginagawa nila.Sa halip mas pinag-igihan nya pa ang paghalik kay Sana habang mataman pa rin na nakatingin sa akin na para bang sinasadya nyang ipakita ito.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko at para bang naubusan ako ng lakas na umalis at talikuran ang eksenang yon.Naramdaman ko na lang na may luha na namang lumandas sa pisngi ko na syang nakapagpatigil sa kanya sa paghalik sa babae.At doon na ko humugot ng lakas para umalis.

Dumiretso ako sa comfort room at tuluyan nang nagbagsakan ang luha ko at parang dinudurog ang puso ko.Umiiyak lang ako nang umiiyak na para bang ang nakita kong magkahalikan sila ay ang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ko.

"Sir?Pinapatawag nyo daw po ako." This time  nakahinga ako ng maayos nang makitang wala na si Sana.

"Nandito ka na kanina di ba?Bakit umalis ka pa?"

"Ahh...kasi po..."

"About what you saw---"

"Wag po kayong mag-alala Sir.Wala po akong pagsasabihan sa nakita ko.Sorry po kung pumasok ako---"

"Do you like me?" Natigilan ako sa biglaan nyang tanong.

"P-po?"

"I said do you like me?"

"Ahh...hindi po Sir.Mali naman po yatang magkagusto ako sa boss ko."

"Mabuti nang nagkakaliwanagan tayo.And I want you to know,that I'm totally over you."

"P-po?"

"Ang sabi ko---"

"Babe aren't you done?We'll be late!"
Sigaw nung Sana mula sa labas.Nandito pa pala to.

"Never mind.Just arrange the papers here and you can also leave."

---

"Kamusta trabaho Kai?I heard secretary ka na ngayon?" We're here at Ashley's house.Napagdesisyonan naming magkita-kita after ilang months sa pagiging busy sa kanya-kanya naming buhay.

Si Ash at Jazz ay kasalukuyang nag-aaral sa isang university.At pareho nilang gustong mag-aral ng business.

Si Sam naman,ayun busy sa lovelife.Wala yatang balak sa buhay.

"Ahh oo.Sa Kim's Co." Mukhang nagulat sila sa sinabi ko.

"Si mama ang nagpilit sa akin na pumasok doon.Knowing me?Hindi ako papayag,pero yung nanay ko kasi ang kulit eh."

"Ahm...ayaw mo ba sa company nila Jazz madaming opportunities doon,sure pa na makakapasok ka agad."

"Hindi na.Masaya naman ako sa trabaho ko ngayon." They look at each other before they return their look at me.

"Ikaw naman Sam,anong balak mo sa buhay mo?"

"Hmmm?Mag-asawa?Bumuo ng pamilya?"

"Ayy gaga!" Binato namin syang tatlo ng throw pillow.Who would expect na sa aming apat si Sam pa ang magsasabi ng mga bagay na to.She's been with Clark for almost a year.And I heard they are a great couple.

Love Over HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon