Chapter 8

1 0 0
                                    

"So hanggang kailan nyo balak magpanggap na magjowa?"

Nandito kami ngayon sa bahay nila Ash.Kailangan na kasi naming tapusin tong research paper na pinapagawa samin.

Ilang araw na ding hindi nagpapakita si Grayson.Pero as usual,nagtetext naman sya.Pero naninibago lang ako kasi walang nanggugulo sa akin.

Uy hindi ko sya namiss no.Napansin ko lang talaga.

Medyo nabigla ako sa tanong ni Sam pero hindi ko ipinahalata.Patuloy lang ako sa pagtipa sa laptop habang nag-iisip ng matinong isasagot ko.

"Hindi ko alam."

Hindi ko naman kasi talaga alam.Naguguluhan na din kasi ako.

"Sus,baka magulat na lang kami isang araw totoong kayo na ha.Sana naman pag totoo na,iinformed mo na kami ah."

"Hindi yon mangyayari."

Kasi mahal nya pa si Sana.Mahirap magmahal ng taong hindi pa tapos magmahal ng iba.Tsaka hindi ko nga sya gusto,mahal pa kaya?

"So wala ka din balak na tigilan yan?"
Nagkibit balikat lang ako

"Baka magulat ka na lang isang araw,totoo na pala yung nararamdaman mo sa kanya pero sya nagpapanggap pa rin." Napalingon naman ako sa sinabi ni Jazz na nagpprepare ng miryenda.

Nakakatakot.Natatakot ako sa pwede kong maramdaman kapag ipinagpatuloy pa namin ito.

Bakit ko ba pinasok to?Masaya ba ko?Baka ang ending na naman nito,ako yung masasaktan.

Ewan.

Hayyy.Ano bang pinag-iisip ko?Pag-aaral ang dapat atupagin ko,hindi yon.

Binaling ko na lang muli ang atensyon ko sa ginagawa ko.

"Osya,basta siguraduhin nyong tatapusin nyo ngayon yan ha."

"Huh?" Naguguluhan kong tanong

"Yung research paper Kai."

"Ah okay."

---

"What?!Hindi mo natapos?E mamaya na ipapasa yan eh!"

"Alam ko,pero kasi..." Hindi talaga ko makapag-focus mula kagabi.Anong oras na ko nakatulog hindi dahil sa research paper na ginagawa ko kundi sa pag-iisip kay Grayson.

"Kasi ano?"

"Ah...ano..."

"Uy!Nandito pala kayo.Hi girlfriend!Namiss kita ah." Ilang araw din hindi nagpakita to ah.Ano kayang pinagkakabusyhan nya?

Trabaho?Si Sana?

Tama.Yon yung mahal nya Kylie,wag ka nang umasa girl.

Walang pumansin sa kanya.Nakatingin lang sa akin yung tatlo na punong-puno ng disappointment.

"Kai,tapusin mo na yan.Pupunta lang kami sa cafeteria." Umalis na yung tatlo at naiwan na naman kaming dalawa ni Grayson dito.

Bakit ba sya laging dumadating kapag may nangyayaring hindi maganda.Nakakahiya!

Naglakad ako papunta sa may garden,doon ko na lang tatapusin to.Kailangan ko ng magandang view at tahimik na lugar.

"Uy!Sama ko!Wait lang!" Ang kulit naman nito.Paano ko matatapos to kung sasama sya?E sya nga yung dahilan kung bakit hindi ko matapos-tapos yung ginagawa ko.Kainis talaga!

Naupo ako sa garden at inilapag na ang mga gamit ko.Hindi ko pinapansin tong lalaking to na kanina pa sunod ng sunod sa akin.Hindi ba talaga to marunong makiramdam?

Love Over HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon