Kylie's POV
"Good morning my Kylie."hindi ko sya pinansin at patuloy lang ako sa pagbabasa ng libro dito sa canteen.
Oo na,hindi talaga ko nagbabasa...kunwari lang.
" Kumain ka na ba?Anong gusto mo,treat ko."
"..."
Lumipat sya ng upuan at doon sya naupo sa tabi ko.Malapit na talaga kong mainis.
"Uy,pansinin mo naman ako oh.Kanina pa ko nandito eh." Dahan-dahan kong iniangat ang tingin ko sa kanya,sya nga pala si Ethan.At kailan ko lang napag-alamang classmate ko pala sya.
"Ilang beses ko bang sasabihin sayo?Na wala akong panahon sa---"
"Ano ka ba,ayos lang yon.Sinabi ko naman sayo di ba,hihintayin kita kahit gaano pa katagal."
My eyes rolled automatically from what he said.
As if naman maniniwala ako sa mga sinasabi nya.I know boys,sasabihin nilang kaya nilang maghintay tapos makikita mo nalang may kasama ng iba.Sus!
"Uy Kai!Nandito ka lang pala.Uy Ethan kamusta?"
Mabuti naman nandito na tong mga to.May makakausap na ko ng matino...sana.
After two months,napalagay ko na rin ulit ang loob ko dito.Sinubukan ko nang kinalimutan yung mga bagay na nagkukulong sa akin sa nakaraan.I should move on,life doesn't end there.
"Ikaw ah,kasama mo lang pala tong si Ethan.Ano?Mauna na kami?Baka nakakaistorbo na kami sa inyo.Tara na Ash,Sam..."
"Pinagsasabi mo?Maupo nga kayo."
"Ahh,mauna na ko sa inyo..." sabi i Ethan,buti naman marunong makiramdam ang isang to.
"Huh?" Si Jazz yan syempre "Dito ka muna wala pa naman tayong klase eh." Napangiti naman si Ethan sa sinabi ni Jazz.Not until napalingon sya sakin at pinanlakihan ko sya ng mata.
"Ahh,hindi na.May pupuntahan pa kasi ko eh.Sige,bye."
"San ba kayo nanggaling tatlo?Kanina pa ko nagugutom."
---
Naglalakad ako mag-isa sa hallway nang may marinig akong nagsisigawan.Anong meron?
Hindi na ko nag-abalang alamin ang nangyayari.Pero yung mga taong nagkakagulo ay makakasalubong ko.Bwiset naman,ba't dito papunta ang mga yan?
Teka lang?Si Ethan ba yon?
Oh,so sikat pala sya sa school na to?
May ganyan din pala dito,yung mg taong poging poging sa sarili tapos mga wala namang kwentang tao.Nakakairita.
Papunta sila sa gawi ko,at hindi ko namalayan napasama na ko sa mga nagtutulakan.Ayyy bwiset!Bakit ba nila pinagkakaguluhan tong mga to.Hello?Si Ethan lang kaya yan.
Natumba ako sa gitna ng tulakan ng mga mahaharot na babaeng to.Pero may humatak sa kamay ko at inalis ako sa dagat ng mga taong nagkakagulo.
"Okay ka lang?"inalalayan nya akong tumayo at pinulot nya yung gamit ko.
"Sa-salamat." Ayy,ang bango nya.Saka ang kinis ng mukha nya---Ano ba yan?Hindi ito ang panahon para purihin sya.
Haayyy nahahawa na talaga ko kila Ashley.
"By the way,Im Jacob...Ethan's friend."nakatingin lang ako ngayon sa kamay nya na inaabot nya sa akin para makipag-shake hands.
"Hey?Ganyan ka bang makipag-shake hands?Through eyes?Hahaha."Ayy nakakahiya naman sa gwapong nilalang na nasa harapan ko.Aishh!Ano bang sinasabi ko?Kylie wag kang papalinlang sa itsura nya ok?The more na gwapo,the more na manloloko.
BINABASA MO ANG
Love Over Hate
Teen FictionSi Kylie Reighn De Villa ay minsang napadpad sa lugar kung saan nakaranas sya ng iba't-ibang sitwasyon na nagdulot sa kanya ng sakit at pighati. She hated every single reason na konektado sa lahat ng mga hindi magagandang nangyari sa kanyang buhay. ...