Kylie's POV:
"Kylie dear,tara labas naman tayo."
What the?Kylie dear?Feeling ko talaga Arabo kumakausap sakin.
"Nasa labas naman na tayo Ethan." Well,totoo naman kakalabas lang namin ng school campus.
"I mean,date tayo.Weeksary kaya natin ngayon?Please..."
Parang bata naman to.Weeksary?Dapat bang icelebrate yon?Sabagay,hindi tayo sure kung maicecelebrate pa namin ang monthsary.
Naguguilty na talaga ko.
"Ok sige."
8pm nang makauwi ako nang bahay.Nanood lang kami ng sine ni Ethan,magyayaya pa sana sya sa arcade kaso sinabi ko inaantok na talaga ko.Hinatid nya na rin ako pauwi pagkatapos non.
Tama ba tong ginagawa ko?Mas lalo ko lang pinapaasa si Ethan e.Siguro dapat na kong makipagbreak sa kanya.
Pero paano?
Kailangan kong mag-isip ng paraan kung paano ako makikipag-break sa kanya ng hindi sya masasaktan.
Ayy gaga ka ba?E paanong hindi masasaktan e makikipagbreak ka?
Aish!!Sumasagot na yung konsensya ko.
One week pa lang naman.Paabutin mo man lang ng one month.
Edi lalo syang umasa kapag pinatagal ko pa?
E bakit kasi sinimulan mo pa kung tatapusin mo rin pala agad.Hayy nako ewan ko sayo!
----
Sa tingin ko kailangan ko na ng advice sa kung anong dapat kong gawin.
So,ikinuwento ko sa tatlo yung problema ko.
"Ahm,sa tingin ko tama nga naman na makipagbreak ka na lang.Tapos makipagbalikan ka nalang don sa ex mong Koreano." -Ash
"Wag kang makikipagbreak!Baka ikaw pa ang maging dahilan pag nabalitaan naming nagsuicide si Ethan." -Jazz
"Alam mo ikaw dapat ang nakakaalam ng dapat mong gawin.Una sa lahat,bakit mo kasi sya sinagot kung hindi mo naman sya mahal?" -Sam
Ok?Tama nga naman si Sam.Kasalanan ko to eh.Kaya kung may dapat man gumawa ng solusyon dito.Ako yon.
"Kakausapin ko si Ethan." Tumayo na ko,at pinuntahan ko si Ethan sa building nila.
Sumilip ako sa loob ng isang classroom pero walang tao.Paalis na sana ko nang...
"Ethan ano ba?Nakikiliti ako..."
Sumilip ulit ako sa loob ng classroom at nakita ko si Ethan na may kaakbay na babae.Well,this is great.
Ito ang gagawin kong rason para makipagbreak sa kanya.
Pumasok ako sa loob at humalukipkip ako sa harapan nilang dalawa.
Nataranta si Ethan nang makita nyang ako yung pumasok.
"Kylie,mali yung iniisip mo.Magpapaliwanag ako."
Nginitian ko silang dalawa.
"Hindi na kailangan.Break na tayo Ethan."
Wooohh!Smooth.
"Oh Kai?Musta?Anong nangyari?"
Syempre kinuwento ko na naman sa kanila ang buong detalye.
"Sayang naman hindi natin napanood yung eksena."
BINABASA MO ANG
Love Over Hate
Teen FictionSi Kylie Reighn De Villa ay minsang napadpad sa lugar kung saan nakaranas sya ng iba't-ibang sitwasyon na nagdulot sa kanya ng sakit at pighati. She hated every single reason na konektado sa lahat ng mga hindi magagandang nangyari sa kanyang buhay. ...