"Oh ano Kai?Anong feeling maging single?" Nandito kami ngayon ni Sam sa loob ng kotse nila kasama ang kuya nya.Sinabay na nila ako at narealized kong kasali din pala sila sa activity dahil graduating din sila.Mas matanda ng isang taon si Jacob kay Sam pero sa katigasan ng ulo nya nag-ulit sya imbes na college na sana sya.
"It's better." Nag-iingat ako sa mga sasabihin ko lalo na't nandito si Jacob.
"Oo nga pala Sam,si Ash pala nagpapadaan din gusto nyang makisabay...Nabanggit ko kasing kasama natin ang kuya mo." Binulong ko na lang ang huling sinabi
"Sus!Yong babaeng yon talaga.E si Jazz daw?"
"Wait,tawagan natin."
Calling Jazz...
"Oh hello!"
"Oy!Sinong maghahatid sayo?" Nilapit naman ni Sam ang tenga nya sa phone para marinig din ang sasabihin ni Jazz,ni-loud speaker ko na nga lang.
"On the way na kami e,kaso nasiraan kami ng sasakyan!"
"Nasaan ka ba?Sabay ka na sa amin." Sumulyap naman si Sam sa kuya nya na busy sa pagddrive kung aangal ito.Pero wala naman syang reaksyon.Ok lang siguro?
"Dito sa Romana High-Way malapit sa village namin."
"Asige hintayin mo na lang kami dyan.Bye!"
Nauna na naming dinaanan si Jazz since mas malapit sya.
"Kuya?Hehe si Ash pa daanan natin."
Tumingin naman sa rear-view mirror si Jacob at sumulyap kay Jazz?Tama ba yung nakita ko?Bago sya tumingin kay Sam.
"Balak nyo bang gawing school service tong kotse ko?Ginawa nyo pa kong driver nyo."
"Sige na kuya,last na yon."
Umirap lang ito at nagpatuloy na sa pagmamaneho."Hi Jacob!" Bati ng maharot na si Ash.
As usual,wala syang natanggap na response."Tsk.Sungit!"
8:00 am nang makarating kami sa venue at kung mamalasin ka nga naman,nandito kami ngayon sa beach kung saan kami huling nagkita ni Grayson.Great!Just great.
"Okay guys,settle down.You will be grouped according to your respective strands.So change your clothes and we will start after fifteen minutes.Okay!Go!Bilisan nyo."
It's been five days since the last time we've met.And how stupid of me expecting that I will be meeting him here.Nanadya na yung tadhana kung ganon.
Isn't it ironic?Na kung kailan kinakalimutan mo na yung tao saka naman pilit syang pinapaalala sayo?Nung una akala ko madali lang,akala ko parang pagdelete lang ng typo sa computer ang pagbura sa kanya sa alaala ko.Pero hindi pala.
But maybe joining this activity will help me to forget all the pain that he caused.
"Kai let's go!Magsisimula na!"
"Andyan na!"
Ang unang game ay paramihan ng tubig na mailalagay sa container na nasa dulo gamit ang kutsara.Kami ang unang lumaban at kalaban namin ang kapwa namin HUMSS student pero ibang section,sila Ethan.
Ginalingan ko para sa larong to.Halos babae kami kaya feeling ko unfair pero tanga-tanga yung mga kalaban namin.Inuuna pa ang pagpapapogi bago ang laro.Mga feeling.
And as expected nanalo kami.Nagawi ang tingin ko sa kanila Ethan and I saw him smirked.Sinuklian ko din sya ng nakakalokong ngiti.Akala nya sya lang ha?
"And for your final game,may mga itinago kaming mga papers na naglalaman ng mga clue para masolve ang isang logic problem.Nandito lang ang mga yon within the vicinity,kaya walang lalabas ng venue ha?And mas mabuti kung maghiwa-hiwalay kayo.Wag kayong mga pabebe.The team who will win in this game will have chance to eat at the hotel's restaurant for free.Kaya ano pang hinihintay nyo?Go na!"
BINABASA MO ANG
Love Over Hate
Teen FictionSi Kylie Reighn De Villa ay minsang napadpad sa lugar kung saan nakaranas sya ng iba't-ibang sitwasyon na nagdulot sa kanya ng sakit at pighati. She hated every single reason na konektado sa lahat ng mga hindi magagandang nangyari sa kanyang buhay. ...