Chapter 14

1 0 0
                                    

Kylie's POV

Lumipas ang mga araw at lagi ko na lang ipinapaalala sa sarili ko na nandito ako para magtrabaho.Na hindi na dapat ako nakakaramdam ng mga bagay na matagal ko na dapat nilimot.Mas mabuti pa palang hindi na bumalik yung alaala ko.Kasi mas lalo lang akong nahihirapan e.

Bumalik na muli sa dati ang relasyon nila Grayson at Sana.Ganon ba nila kamahal ang isa't-isa at hindi sila nagpaapekto sa kung ano mang nangyari?Though,wala naman talagang nangyari.

Siguro nga,hindi talaga sya para sa akin.Kailan ko kaya makikilala yung tamang taong tinutukoy ni mama?Lagi na lang kasi akong nasasaktan sa mga taong akala ko tama na.

"Why don't you take a leave?"Ganon nya ba ako kaayaw makita at gusto nya pa talaga kong mag-leave?Ngayon na lang nya ko ulit kinausap after that incident.Ni hindi nya ko tinignan at patuloy lang sa pagbabasa ng mga dokumento sa kanyang lamesa.

"Hindi na po Sir.Hindi naman po kailangan."

"I'm giving you a one month vacation---"

"Sir hindi na po.Marami pa po akong trabaho---"

"Just please...ayaw muna kitang makita."

"Tungkol pa rin po ba ito sa nakita ni ma'am Sana?Sir wala naman pong nangyari noon di ba?Tsaka sorry po kung hindi ako umalis sa tabi nyo ng araw na yon."

"Stop explaining.And while you're in a vacation,pag-isipan mong mabuti kung dapat ka pa bang bumalik sa trabaho mo o hindi na."

"Sir may nagawa pa po ba akong ibang kasalanan sa inyo?"

Alam kong hindi lang ito tungkol sa nangyari kamakailan.Ramdam kong nandoon pa rin yung galit nya sa akin noon.Alam kong kahit anong gawin ko,hindi na magbabago kung ano yung tingin nya sa pagkatao ko.

"You may leave." Hindi nya pa rin ako tinitignan.

"Sir,sagutin nyo lang po yung tanong ko...aalis na po ako at hindi na po ako magpapakita ulit kung ayun po ang gusto nyo."

Binaba nya ang mga papel na hawak nya at sa wakas ay nakatingin din sya sa akin.Tumayo sya at naglakad palapit sa akin.Nagulat ako nang kunin nya ang kamay ko at ilapat iyon sa kanyang dibdib.

"Ayan.Ayan ang kasalanan mo." Kung hindi nakaalalay ang isa nyang kamay sa aking likuran ay baka natumba na ko dahil ramdam ko ang paghuhurumentado ng puso ko sa mga oras na to.

"Sa tuwing nandyan ka,nagiging ganyan yan." At tumingin sya sa kung nasaan nakalapat ang kamay ko.Hindi ako dapat magpadala sa damdamin ko.Hindi na pwede!Anong malay ko,baka ginagawa nya lang ito para patunayan na naman kung ano yung mga bintang nya sa akin.Hindi na ko papayag,masyado na kong masama para sa kanya.

Binawi ko ang kamay ko sa kanya at lumayo.Hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na nanghihina ako nang dahil lang sa simpleng ginawa nya.

"Ano pong ibig nyong sabihin sir?"

"Don't you really remember me?"

"Po?"

"Kasi ako...kahit kailan hindi ka nawala sa isip ko."

"Sir lasing na naman po ba kayo?"

"Hindi ko dapat to gawin.Pero sorry dahil hindi ko na talaga kaya..." Lumapit sya sa akin at isinandal ako sa pintuan na agad nyang nilock.Ikinulong nya ako sa dalawa nyang bisig at saka siniil ng mga maiinit na halik.I was so shocked from what he did.He tried to part my lips and trying to go inside.This time I feel the urge to kiss back but I couldn't.Ni hindi ko maigalaw ang sarili kong labi dahil sa ginagawa nya.At naramdaman ko na lang din na may luhang lumandas sa aking mga pisngi,hindi dahil sa natatakot ako...kundi dahil nararamdaman ko na taliwas sa lahat ng pinapakita nya ang totoong nararamdaman nya.

Love Over HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon