Inaamin kong,hindi ko pa rin maiwasang mag-isip ng sapat na rason kung bakit nandito si Daniel sa Pilipinas.Oo pupwedeng ako nga ang dahilan,pero ayokong isiping ako nga talaga,kasi baka hindi naman.Ay ewan!Bahala sya sa buhay nya.
Papunta ako ngayon sa meeting place namin ng kakilala kong bibilhin yung mga damit kong hindi pa naman gaanong nagamit.Since,ayoko na rin namang gamitin pa ang mga ito dahil galing lahat ng to sa step-father ko.
*Boooggssshhh!!*
Yung cellphone ko!!!
Automatic akong napaluhod sa lupa nung parang nagslow-motion yung pagbagsak nung phone ko sa semento.
Bwiset!Hindi pala sya semento kanal pala yon!
Sinubukan kong ipasok yung kamay ko doon sa may kanal para abutin yung phone ko.
Anong gagawin ko nito?Paano ko macocontact yung bumibili ng mga damit na to?!
Waahhh inaanod na sya ng tubig sa kanal!Hayop!Sino ba kasing tanga-tangang bumangga sa kin?!
"Neo babo gat-a."
(You look like a fool)Unti-unti ko namang iniangat yung ulo ko para tignan kung sino yung nagsalita.Nagsasalita sya ng lenggwaheng yon,kaya agad akong dumistansya.Baka kidnappin pa ko ng bwiset na to,mahirap na.
Teka,bakit ang perpekto ng itsura nya?
Wait...perpekto nga ang itsura nya,pero malamang masama ang ugali nyan.
Ayyy,nakooo...bakla to.
At sya yung may kasalanan kung bakit nahulog yung phone ko doon sa kanal.
Walang hiyang to humanda ka sa akin ngayon.
"Hoy Ikaw?Bulag ka ba?Bakit hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo ha?!Nakita mo yung ginawa mo?!Ayun oh nahulog yung cellphone ko!!"sabay turo ko sa kanal na tuluyan ng inanod yung phone ko
"Alam mo ba kung magkano yun ha?!"sabay napatawa ako ng sarcastic yung tipong magmumukha akong cute sa harapan nya...Charooot!Ano bang pinag-sasabi ko?
"Sabagay kahit siguro sabihin ko sayo yun hindi mo naman mababayaran!Tama ba ako?Kasi for sure isa ka lang namang gwapong mahirap na pagala-gala ngayon dito sa park.Haha isa kang cheap na Koreano na kunwaring mayaman!"sigaw ko sa mismong mukha nya
"Alam mo..."sabay hawak ko sa collar ng damit nya.Napansin ko pa ngang kumapit doon yung putik na tumalsik kanina sa kamay ko habang sinusubukang iligtas yung phone ko"gwapo ka sana eh---kaso panget ka!Panget!"
"Dodaeche museun mal-eulhaneungeoya?"
(What the hell are you saying?)Ayy gago hindi nga pala ako naiintindihan nito.Well,mas okay na yon.
"Ang sabi ko gago ka!Walang hiya!Mahirap!Panget!"sunod-sunod na sabi ko sa mismong mukha nya pa rin.
Biglang may lumapit sa kanya na brusko ang pangangatawan pero mukhang sanggano tapos may ibinulong sa kanya tapos tumango tango naman sya.Tapos umalis na din yung lalaki at naiwan pa rin dito si gago.
Baka mga co-bouncer nya sa bar?Tss.
Akala ko may sasabihin pa sya sa akin pero after nyang makipagtitigan sa akin ng mga five seconds bigla na lang syang ngumisi na mas lalo kong ikinagalit.
Sasampalin ko na sana sya kaso bigla syang tumalikod.Ending natumba tuloy ako kasi pinwersa ko talaga yung kamay ko para masampal ko sana sya ng malakas.
Aissh!Buti na lang hindi na nya nakita kasi tumalikod na sya,mukha kong tanga dit---Waaaahh!Bakit sya humarap?!
Tapos ngumisi na naman sya tapos parang sinasabi nyang 'yan buti nga sayo'
BINABASA MO ANG
Love Over Hate
Teen FictionSi Kylie Reighn De Villa ay minsang napadpad sa lugar kung saan nakaranas sya ng iba't-ibang sitwasyon na nagdulot sa kanya ng sakit at pighati. She hated every single reason na konektado sa lahat ng mga hindi magagandang nangyari sa kanyang buhay. ...