"gising na mga tanga!" Harvey shouted as he made noise using a stainless basin and a ladle, nasilaw ako sa liwanag ng araw na tumama sa mata ko nang hawiin ni Chester ang kurtina
"ang aga namang manggising e!" iritang sabi ni Bea, it's past 9AM. umupo ako ng maayos at di ko namalayang nakatunganga lang pala ako sa kawalan nang biglang may nambato sakin ng unan, tinignan ko ng masama si Chester na nakaupo na sa dulo ng bed ni Bea
"sabog ka gorl?" natatawang tanong neto, i rolled my eyes at him. Tumayo ako sa higaan ko at lumapit sakanya
"Alazne! pota ang bigat mo!" reklamo niya habang dinadaganan ko siya, naramdaman ko namang may dumagan din sakin
"pakingshet! ayaw ko na!" reklamo ulit ni Chester dahil dalawa na kami ni Melo na nakadagan sakanya
"uy parang masaya yan!" sabi ni Harvey at tumalon muna siya bago kami daganan, napamura kami dahil sa ginawa ni Harvey, tawa lang nang tawa si Bea na nakahawak na ng phone niya at nagvi-video. Ang aga-aga ang ingay-ingay na namin. Jusq.
nag-breakfast na kami, yung caretaker nila Harvey ang nagluto ng food namin. After magbreakfast ay nag-ayos na kami para makapunta kami sa Honeymoon Island, medyo malayo dito sa rest house nila Harvey so we need to go there before lunch.
"kakilala niyo ba may ari nung honeymoon island?" tanong ko kay Harvey. Privately owned daw kasi yung Honeymoon Island so kailangan ng permission in advance para makapunta dun at maka-stay overnight
"business partner ni Papa, so yeah, kakilala nga namin" sabi niya habang nagda-drive
"pakakasalan na talaga kita, Harvey" sabi ni Chester na nakaupo sa shotgun seat sabay haplos ng braso ni Harvey. Hinaplos naman ni Harvey ang hita ni Chester at pinisil ito kaya napasigaw sa sakit si Chester
maya-maya pa ay nakarating na kami sa Dipudo Island, from there we need to ride a boat para makarating sa Honeymoon Island. Akala namin normal boat ang sasakyan pero VIP si Harvey so speed boat ang sinakyan namin papuntang Honeymoon Island
"oh my gosh! ang linaw ng tubig!" sigaw ko nang huminto na ang speedboat, bumaba na kami at nagpasalamat sa driver
"kuya, tatawag nalang ako 'pag susunduin mo na kami bukas" sabi ni Harvey sa driver, saka ito umalis
sinalubong kami ng receptionist ng resort, kinausap neto si Harvey tapos sinamahan niya kami sa guest house na tutuluyan namin. Meron kasing anim na bungalow type guest house dito sa island. Pagpasok namin sa guest house, inayos na namin ang mga gamit namin. Dalawa ang room netong guest house, may living room at kitchen din.
"buti tumawag ako agad kagabi" sabi ni Harvey habang nilalagay sa fridge ang baon naming pagkain
"bakit?" tanong ni Bea na nakaupo sa tabi ko, nasa living room kami ngayon
"occupied na kasi yung limang guest house, tapos may magre-reserve sana netong sa'tin. Pero dahil gwapo ako, reservation ko ang priority" sabi ni Harvey then he made the pogi hand sign
"sana all priority" sabi ni Melo habang naglalagay ng sunblock
"kupal!" i said then i rolled my eyes at him. Lumabas kami after mag-ayos at maglagay ng sunblock, naglibot libot muna kami at nag-inquire kung anong pwedeng gawing water activities.
"mag-kayak tayo later!" pag-aaya ni Bea
"gawin natin lahat ng water activities para sulit 'tong bakasyon natin, yung isa kasi dyan, ayaw na tayong pabalikin dito" Chester said while eyeing Harvey sideways. Lumingon-lingon naman sa paligid si Harvey, kunwari hinahanap yung pinagsasabihan ni Chester

YOU ARE READING
Ethereal Haven
General FictionLight Series #1 People tend to search for something that's impossible to find. They crave for something that they can't possibly have and It's always a game of luck to find someone that can be your Ethereal Haven.